CHAPTER 1

1.5K 94 20
                                        

"Adik ako! Adik sayo!"

Sigaw ng isang estudyante habang itinuturo ang isang lalaki na naglalakad palayo sa kanya, nakakatawa lang kase ang kapal ng apdo niya para isigaw sa harap ng napakaraming tao na adik siya sa lalake na 'yon, pero hindi ko naman siya masisisi, actually ang swerte niya nga eh, kasi sa isang tao siya na adik, maaari siyang umasa at masaktan pero 'di niya 'yon ikakamatay.

Napakatagal lumipas ng oras, may isang oras pang natitira bago magsimula ang klase, nakakabagot pagmasdan yung mga taong dumadaan sa harap ko, ang sarap nilang pagtatadyakan at pektusan sa bagang para naman matuwa ako kahit papano.

"Huy gurl! Hanggang kailan ka ba magpapaka baliw don sa taong pulgas na yon?" Narinig kong tanong ng isang babae don sa estudyante na sumigaw kanina, mukhang magkaibigan sila.

"Grabe ka naman sa taong pulgas, kaibigan ba talaga kita? Kontra ka palagi eh, 'di mo na ba'ko mahal?" Pagmamaktol nung adik na sumigaw kanina.

"Ang dami mong arteng babae ka, ang harot talaga ng katawang lupa mo 'noh?" Saad pa ng kaibigan niya sabay irap.

"Ehhh hindi ko nga alam, basta gusto ko siya, siguro magiging adik ako for life, gano'n! Basta stay ka lang diyan bestie." Malinaw kong nakikita ang kinang sa mga mata nung babae habang sinasabi niya na gusto niya ang lalakeng 'yon, kung iisipin ay masyado pa silang mga bata para sa ganoong usapan, pero sabi nga nila wala namang pinipiling edad ang pagmamahal, kung tinamaan siya, malakas nga ang amats niya.

Gusto ko namang matawa sa itsura ng kaibigan niya, mukhang gustong-gusto na siyang batukan nito, parang kulang na lang i-subsub niya yung kaibigan niya at sabihing "Ikaw na babae ka ang tanga-tanga mo! Naghahanap ka ng sakit sa puso, kapag ikaw umiyak-iyak kahit hindi naman naging kayo, malilintikan ka sa'kin! 'Wag mo akong tatawaging bestpren 'pag nagkataon," Natawa na lang ako sa sarili kong iniisip, dala ito ng pagkabagot kaya siguro pati ang personal na usapan ng iba ay kinalilibangan ko, napakatagal naman kasing lumipas ng oras, mabubulok na ko dito oh, puro pa love story ng ibang tao ang nasasaksihan ko.

Tinapunan ko ulit ng tingin yung magkaibigan, nagtatawanan pa rin sila, maingay at nakakarindi pero sa kabilang banda hindi ko maiwasan na mainggit, dahil buti pa siya may kaibigan na nakaka-alam ng kaadikan niya, yung tipo ng kaibigan na kahit ang rupok ng bestprend niya hindi niya ito iniiwan, yung babatukan ka pero ayaw ka niyang masaktan, yung maiinis pero hindi aalis, ang sarap siguro non sa pakiramdam.

Sana may tao rin na handang mahirapan masamahan lang ako, yung taong handa akong batukan kapag nilalamon ako ng addiction ko, yung 'di ako iiwan kahit napaka tanga ko na, dahil na adik ako sa isang bagay na p'wedeng makasakit sa'kin.

Yung taong ipaparamdam sa'kin na sasamahan niya akong labanan yung addiction ko, yung ipapaalala niya lagi na hindi ko kailangang labanan 'yon ng mag-isa, dahil andiyan siya para samahan ako, napangiti ako ng mapait.

May mga kaibigan din naman ako pero kasama ko sila sa oras ng kasiyahan, hindi ko sila masisisi, choice ko rin kasi yon, hindi ako nagsasabi ng sama ng loob sa kanila, kase ang gusto ko, ako yung magiging dahilan kung bakit sila masaya, besides baka tawanan lang nila ako, sino ba naman kasing seseryoso kung sasabihin ko ang addiction ko, baka isipin lang nila na pinaglalaruan ko sila, ayaw ko na lang silang idamay sa problema ko.

Naputol ang pag d-drama ko nang biglang tumunog yung bell, parang kanina lang ang tagal lumipas ng oras, iba talaga kapag lutang, lintik naman!

Nagmadali akong tumayo at pumasok sa classroom, dating gawi lang, uupo at maghihintay ng uwian, gano'n lang, wala akong ganang makinig sa kung ano man ang sasabihin ng kahit na sino, ang totoo ay sobrang inaantok ako, at wala akong ibang gusto kundi umuwi at matulog.

I am now in my second year taking my Bachelor's Degree in Psychology in Aurora University of Sciences, kahit naman mukhang hindi ako seryoso sa mga desisyon ko sa buhay, alam ko na gusto ko ang kursong kinuha ko, nagkataon lang talaga na wala akong gana mag-aral ngayon.

Ang totoo kinuha ko ang kursong 'to para sa sarili ko, gusto kong mas maintindihan ko kung paano gumagana ang o napo-proseso ang bawat kilos o emosyon ng isang tao, gusto kong mas maunawaan kung bakit nangyayari o nararamdaman ang mga bagay bagay, dahil hindi lang yon nakakatulong sa iba, kundi para na rin sa sarili ko.

Ngunit dahil nga sa parang sumapi sa'kin ang katamaran ngayong araw, habang nasa klase ay panay ang hikab ko, kulang rin kasi ako sa tulog at kulang sa lambing, I mean kulang sa kain.

Lumipas ang ilang oras at uwian na, inaaya akong gumala ng mga kaibigan ko sa kung saan, wala naman akong gagawin sa bahay kaya't nag desisyon akong sumama sa kanila.

Habang naglalakad ay tahimik lang ako samantalang ang mga kasama ko naman ay panay ang kuwentuhan, hindi ata sila napapagod magsalita at panay ang pagsasayang nila ng laway.

"Anong panis? Hindi pa panis yan. Baka yung laway ni Sef panis na, kanina pa hindi nagsasalita yan e." saad ni Kien kaibigan ko, he's a third year med student from Philippine Institute of Advanced Medical Studies.

"Alam mo bakit ba napadpad ka pa rito Doctor na hilaw? Ang layo layo ng university niyo, sa'min ka pa sumasama sa gala." pagsusungit at biro ko naman agad sa kanya, palibhasa may sasakyan kaya walang wala sa kanya ang distansya ng university namin.

"Wala kang pake, sana pala 'di ka na lang nagsalita napakabrutal talaga ng bibig mo, bruha!" baling niya naman agad, talagang nanlalaban palagi, inirapan ko na lang siya at nginitian pagkatapos ay tumusok na lang rin ako ng fish ball.

Habang kumakain ay nagpaalam ako na aalis muna saglit para bumili sa malapit na seven eleven, medyo madilim na rin dahil mag gagabi na, kaya sinabi ko na rin na dederetso na akong umuwi pagkatapos.

Nagpaalam na ako sa kanila, kinulit pa ko ni Kien na sasama siya sa'kin at ihahatid niya na ako, pero ang sabi ko ay hindi na dahil baka magpalibre na naman ito. Natawa na lang rin ako sa kakulitan ng lalaking yon, ang totoo ay gusto niya lang akong ihatid, dahil nag aalala siya sa kalagayan ko.

Nang makarating sa seven eleven ay bumili lang ako ng chukie, paborito ko kasi yon, nakakakalma ng isip, malamig ito kaya mas masarap.

Matapos bumili ay naupo muna ako sa mga bakanteng upuan sa labas ng store, gusto kong magpahangin muna bago umuwi, tuluyan na ring dumilim dahil gabi na, pero ayaw ko pang umuwi. Gusto rin munang mapag-isa at mag-isip-isip, maganda ring pagmasdan ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada, pati na rin ang mga ilaw nito, minsan ay parang nakakabingi ang mga busina, pero musika ito ng buhay.

"Masarap talaga magpahangin, tinatangay pati ang mga kalat sa isip" napalingon ako nang may biglang tumabi sa'kin, ngumiti naman siya agad bago nag-iwas ng tingin, pinakatitigan ko lang ito dahil hindi ko naman ito kilala, mukha bang gusto ko ng kausap.

"Alam mo hindi ka dapat lumapit sa'kin, may sakit ako, nakakahawa, kaya lumayo ka." baling ko para umalis na siya agad sa tabi ko, ngunit tinitigan niya lamang ako na parang may nasabi akong ikasasama ng loob niya.

"Malala?" Gusto kong magpigil ng tawa dahil halata ang takot sa mga mata niya, tumango ako at nagkunwaring malungkot dahilan para mapatayo siya sa pagkakaupo."Mamamatay ka na?" dagdag niya pa at tumango lang ulit ako.

"Ang dami mo namang tanong, doctor ka ba? Kung hindi makakaalis ka na. " itinaas ko pa ang kamay para e kumpas, ngunit kumunot na lang ang nuo ko ng bigla niya akong nginitian.

"Hindi pa ako doctor, pero doon rin naman ang bagsak ko, so can I stay?" Saad pa nito ulit habang titig na titig sa'kin, so med student din siya, nakakailang tuloy, sana pala ay hindi ko na lang siya pinansin.

"Hindi mo pa rin ako magagamot, saka na kapag doctor ka na" Hindi ba niya nahahalata na gusto ko lang na umalis siya, mukha ba talaga akong may sakit?

"Hindi ka pa mamamatay, magkikita pa tayo ulit." Huli niyang saad bago ako tuluyang tumayo at naglakad paalis, pinanood ko lamang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko, naiwan naman akong tulala dahil sa pangyayari.

Weird.

#adikakosayo

Ps. This is my first story so lower your expectations, but hope you liked it, pa vote naman meteors mwuah

♡'・ᴗ・'♡

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoWhere stories live. Discover now