CHAPTER 8

277 75 1
                                        

Halos lutang ako nang makauwi sa bahay, nag commute ako ngayon dahil hindi naman nag message si Kien na susunduin niya ko, seneryoso niya na siguro yung sinabi niya na hindi naman na ako lumpo kaya kaya ko ng umuwi mag-isa.

Hindi na rin naman ako nakapag announce kanina sa ibang volleyball members tungkol sa charity Collab,  dahil nakaalis na sila sa campus.

Naabutan kong naghahanda na ng pagkain si mama, agad itong ngumiti nang tumama ang tingin niya sa'kin. “Sef halika na kakain na, magbihis ka muna sa taas at tawagin mo na rin si Ave.” Sambit niya, lumapit naman ako para mag mano, pagkatapos ay sinunod ko na ang sinabi niya.

Habang paakyat ng hagdan ay nilingon ko pa si mama, alam kong paraan niya to para maging maayos na ulit sila ni Ave dahil sa nangyari nang nakaraan.

Pagkatapos magbihis ay agad akong dumeretso sa kuwarto ni Ave, nakaawang ang pinto ng kuwarto niya at nakita ko siyang nakadapa sa kama, mukhang may kausap ito sa telepono kaya't hindi ako nag ingay.

“I miss you too papa,” Bakas ang saya sa tono ng boses ni Ave, samantalang parang may kung ano namang bumara sa lalamunan ko. “sige na po, sa susunod na lang po ako tatawag papa.” ngumiti pa ito sa telepono na tila may nakakatuwang biro na narinig.

“Yes pa, I love you too.” My heart skip a beat, did he just say I love you to Ave? Dahilan para sumagot ito sa kanya pabalik.

Nang patayin ni Ave ang tawag ay agad akong umalis sa pinto at nagmadaling bumaba sa dining, sinalubong ako ni mama ng matamis na ngiti, at nang lumihis ang tingin niya sa'kin ay nilapatan ko ng tingin ang nasa likod kong bulto ni Ave.

“Maupo na kayo.” Magiliw na saad pa ni mama, agad naman akong naupo at nagsimula, hindi pinahalata ang bigat ng loob dahil sa narinig.

“Ma, may charity collab nga po pala kami next week, baka gabihin po ako palagi sa pag-uwi sa mga susunod na limang araw. But I guess Kien was also there.” Sunod-sunod kong saad tumango-tango naman si mama habang ngumunguya.

“I see, ang mahalaga ay mag-iingat ka Sef, and don't  forget to update me kapag sobrang late na. I'll pick you up when I'm off my work early.” I nodded as an answer.

“Ma, may group work din po pala kami bukas, sa bahay po ng group mate ko, I'll send you the address tomorrow when I get there.” Pagpapaalam ni Ave, nagtaka ako bigla sa kilos niya, parang walang nangyari kung titignan ang ekstresyon ng mukha niya, masaya pa ito habang kumakain.

Nahagip naman ng mata ko ang reaksyon ni mama habang nakatingin kay Ave na habang tila sarap na sarap sa kinakain. “I'll wait for your update Ave, just don't be too harsh to yourselves, don't forget to breathe and take a rest, lalo ka na Sef.” Baling namang muli ni mama, binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Inalis ko sa isip panandalian ang nasaksihan ko kanina at patuloy na nakipagkuwentuhan sa kanila. Ang saya, biglang umingay ulit sa bahay, panay ang kuwento ni Ave tungkol sa mga teacher at kaklase niya, she was just 14.

Grade 10 na ito kaya't napakarami niya na ring ginagawa, mukha namang sineseryoso niya ang pag-aaral dahil kahit noong mga nakaraang quarter ay matataas ang marka nito.

Ave is like a doll, she has long eyelashes that match her brown eye color, maputi rin ito kagaya ko, siguro ay namana namin kay papa ang kulay ng balat, hindi rin ako sigurado dahil hindi ko pa nga ito nakikita, I don't even have his picture. Sinunog na raw lahat ni mama kaya hindi na rin ako naghanap.

Nauna akong matapos kumain kaya ako na ang nag prisinta na maghuhugas ng pinagkainan, nasa dining pa rin sina mama at masayang nag-uusap, hindi ko maiwasang hindi maalala ang narinig kanina.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now