CHAPTER 3

564 88 1
                                        


Iniwan na ako ni Zack sa labas ng bahay dahil ang sabi ko ay kaya ko naman na, nagpaalam na rin ito na aalis na, hindi ko maiwasang hindi matawa habang naka angkas ako sa kanya kanina, sobrang daldal naman kasi talaga, parang wala man lang naipon na hiya sa katawan niya, nasabi niya pa na natatae na raw siya kanina nung nakita niya ko, at kasalanan ko raw kung bakit umurong ang tae niya sa gulat dahil sa pagkatumba ko.

Kanina ko pa gustong humagalpak ng tawa dahil sa lalaking 'to, pero ang totoo ay nakakalibang siyang kausap, para sa isang lalaki ay masyado siyang madaldal.

Parang may naaamoy tuloy ako, hindi kaya bakla yon? Gayon pa man ipinagpapasalamat ko pa rin na dumating siya kanina, nakakatawa lang na halos ilang beses ko na siyang itinataboy, ilang beses na rin akong nagsinungaling na may nakakahawa akong sakit para layuan niya ko, pero tadhana nga naman, siya pa talaga ang nakakita sa'kin, buti na lang din ay makapal ang apdo niya na lapitan ako.

Habang napapangiti mag-isa ay may pumaradang sasakyan sa harap ko at iniluwa nito ang nanay ko, nginitian ko siya at ganon din naman ginawa niya nang magmano ako, ngunit agad ring nawala ang ngiti niya nang mapansin na ikaika akong maglakad, napansin niya rin ang mga sugat sa kamay at tuhod ko kaya't bumakas sa mukha nito ang pagaalala.

"Seffian, what happened? Maririnig mo ang pinaghalong takot, galit at pagaalala sa boses niya, she's not supposed to see me like this.

"Ma, ayos lang ako, don't worry about me, sugat lang naman yan." Baling ko na mas ikinagalit niya.

"Seffian Amara Collins! Hindi mo ako mapipigilang hindi mag-alala, you are one hundred percent aware of your condition, you should take care of yourself!" nagsimula na siyang manermon at alam kong deserve ko yon, she's not over reacting, my mom is fully aware about my addiction and she also witnessed how many times I collapsed, she has the reason to react like that and sounds like overprotective, napayuko na lang ako at napatingin sa mga kamay ko na may humahapding sugat.

"Papatayin mo ba talaga ako sapag-aalala? Alam mo naman ang mga bawal sa'yo ''di ba? Wag naming matigas ang ulo anak." Hindi pa rin natatapos ang pangangaral niya at nagpatuloy ito habang inaalalayan niya ako papasok ng bahay, ngunit malumanay na lamang siyang nagsasalita na para bang nakikiusap na alagaan ko ang sarili ko, ilang beses na rin akong napabuntong hininga habang nakikinig.

"So what exactly happened?" Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari, agad naman niyang inusisa kung nasaan na ang bisekleta na dala ko nang umalis at nabanggit ko nga na iniwan ko sa malapit na bahay kung saan ako natumba, nabanggit ko rin ang tungkol sa naghatid sa'kin dahil wala naman akong kayang itago sa nanay ko kaya mas mainam na sabihin ko na lang lahat.

My mother said that I need to have my check up as soon as possible, hindi nakaligtas sa kanya ang mga nasabi kong nararamdaman ko bago matumba kanina, pero natatakot ako, sa tingin ko ay hindi ako handa sa kung ano man ang puwedeng maging resulta ng lahat.

Inalalayan muna ako ni nanay papasok ng kuwarto at sinabing magphinga raw muna ako habang naghahanda siya ng makakain, nakaramdam rin naman ako agad ng antok dahil siguro sa pagod kaya agad rin akong nakatulog.

"Ate!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Ave, she's my sister. "kakain na" napangiti na lang ako dahil sa pangungulit nito, sumampa naman agad siya sa kama habang inaalog ako.

"Inaantok pa ko Ave, tell mom i'll eat later." Muli ko na lang ipinikit ng mg mata ko dahil sa antok, wala akong balak kumain.

"Let's go downstairs, kuya Kien is here, sabay na raw kayo kumain sabi ni mama." Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa sinabi niya, what the hell, bakit andito na naman yon?

Sabay kaming bumaba ni Ave para kumain, inaalalayan niya ako sa paglalakad dahil mas naging mahapdi ang sugat ko sa tuhod, nakita ko rin agad ang pagkunot ng nuo ni Kien nang makita ang kalagayan ko, inirapan ko lang siya ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"Anong katangahan na naman ba ang ginawa mo babae? Dami mong bangas ah." nakuha niya pa talagang mang asar muna kaysa magalala, napakasama talaga ng buong katawang lupa ng lalaking 'to.

"Manahimik ka nga, bakit ka ba andito?" Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang inirapan, palagi naman siyang ganito, bigla na lang sumusulpot sa bahay na aka mo dito siya nakatira.

"Makikikain, hindi ba halata?" Nauna pa itong magsandok ng kanin, ang kapal talaga ng apdo. "Pero ano nga? Anong kamalasan na naman ba ang nakasagupa mo, kritikal ka ngayon eh." Dagdag niya pa habang nilalagyan na rin ng kanin ang plato ko.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoWhere stories live. Discover now