“You okay?” si Kien yon, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ito ngayon.
“Ha?” I uttered not clearly heard what he said.
“I said, are you okay?” pag-ulit nito sa sinabi niya kanina.
“Auh yes, oo naman.” I responded, nawala na sa paningin ko sina Zack at hindi na rin ako nag-abalang hanapin pa ito.
“Let's go, mauna na tayong umuwi ako na ang bahalang magsabi kay Prof.” Noong una ay ayaw ko pang madaliin ang oras dahil sabi ni Zack ay magkasama kaming manonood ng program, pero ngayon? Wala akong ibang gusto kundi ang lumayo na sa lugar na to.
“Pero hindi pa tapos ang program Xy. I need to be here. Ipapakilala na lang naman ang owner nitong orphanage dahil siya ang magbibigay ng closing message.” paliwanag ko sa kanya at naupo muna saglit dahil nakaramdam na naman ako ng pagkahilo.
“But Sef-”
“After nito uuwi na tayo, just please let me stay for a while.” pagputol ko sa sinasabi ni Kien at yumuko muna saglit sa isa pang upuan para saglit na pumikit, mabilis na lang rin naman ito dahil nag-uumpisa na ulit na magsalita ang Mc.
“Sef we have to go.” muling saad ni Kien at hinawakan na ang pulsuhan ko. Hindi na rin naman ako nakapagreklamo dahil wala na akong lakas para don.
“Let's all welcome, Mr. Matthew Natividad Collins.” Hindi pa man kami nakakalayo ay agad na bumagal ang mga hakbang ko, dahilan para tumigil kami sa paglalakad.
Nang ibaling ko ang tingin sa intablado ay agad na lumipad ang mga mata ko sa lalaking pinapalakpakan ng lahat ng tao.
“Bitawan mo ko Kien.” Saad ko sa pinaka mahina kong boses habang ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa entablado. “He is the owner of this orphanage?” hindi nakasagot agad si Kien ngunit mabagal rin itong tumango. “Kaya ba gustong gusto mo ng umalis tayo rito?”
“I'm sorry for not telling you Sef.” sa halip na makinig sa sasabihin niya ay mas nangibabaw ang boses ng tatay ko habang nagsasalita ito sa taas ng entablado para sa pagtatapos ng event.
“We gather here today not merely as caregivers and children, but as a family. A family bound together by love, hope, and dreams. Within the walls of our home, I see your smiles, your hopeful eyes, and your hearts full of love. This gives me the strength and inspiration to continue serving you.” Habang nagsasalita siya ay unti-unti ang mga naging paghakbang ko papalapit rito, gusto kong makita kung paano niya titigan ang mga bata habang nagsasalita. Gusto kong maramdaman ang mga sinasabi niya sa kanila ngayon.
“Alam kong hindi madali ang inyong pinagdaanan. Marami sa inyo ang nawalan ng mga magulang, ng pamilya, ng tahanan. Ngunit dito sa ating tahanan, sana’y mahanap ninyo ang pagmamahal, pangangalaga, at suporta na inyong kailangan upang umunlad at magtagumpay sa buhay.” Habang nakikinig sa mga salitang sinasabi niya ay tila ilang ulit na pinagsasaksak ang puso ko.
Paano niya nagagawang sabihin sa ibang tao na kaya niyang ibigay sa mga bata ang pagmamahal, pag-aalaga at suporta na hindi nila nakuha sa sarili nilang mga magulang? Gayong hindi niya naman yon naibigay sa sarili niyang anak?
Hindi ko na napigilan ang mga luha na tuluyang nagpadulas sa pisngi ko, sa isang iglap ay parang gusto kong maging katulad ng mga batang andito, dahil baka sakaling sabihin rin sa'kin ni papa ang mga salitang sinasabi nito sa kanila.
Nang matapos itong magsalita ay muling nagpalakpakan ang mga taong nakikinig sa kanya, sinalubong din siya ng mga bata nang pababa na ito ng entablado at isa-isa niya itong hinahawakan sa ulo at kamay, at ang iba ay niyayakap, napangiti ako ng mapait.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Fiksi RemajaRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
