CHAPTER 9

259 75 1
                                        


According to The Attachment Theory of Fatherhood. A secure attachment with the father contributes to the child's emotional development, self-esteem, and social competence. The quality of the father-child relationship can have long-lasting effects on the child's well-being.

Ngunit buong buhay ko walang tatay sa tabi ko, ang alaala lang na meron ako ay ang kung paanong hindi niya ako piniling ipaglaban.

Ang sabi ko kay mama ay hindi ko kailangan ng tatay, kasi siya lang sapat na, hindi ko na rin sinubukang isiksik ang sarili ko sa kanila, pero simula nung isang araw, nang marinig ko ang iyak ni Ave, parang bumalik sa'kin yung kagustuhan na makilala rin si papa.

Tulad ni Ave gusto ko ring marinig ang boses niya, gusto kong marinig mula kay papa na mahal niya ko, at kahit na ayaw kong hinahawakan ang buhok ko na parang aso ay hahayaan ko siyang gawin yon.

“Gusto ko rin ng Ice cream” ang dapat na nasa isip ko lang ay hindi ko namalayang naisatinig ko na pala, basag ang boses ko nang sabihin ang mga salitang yon.

Nakaupo na ulit kami ni Zack ngayon, at nang tapunan ko siya ng tingin ay titig na titig lang siya sa'kin. Agad akong ngumiti at pinunas ang mga luha na nasa pisngi ko na pala.

“Hindi mo pa nga nauubos yang taho na hawak mo.” Ngumiti siya at iwinaksi ang kaninang pag-aalala na nakita ko sa mga mata niya. Ngumisi naman ako dahil alam kong walang ideya si Zack sa mga nangyayari, iniisip na siguro nito na ang weird ko dahil bigla bigla na lang akong umiiyak.

Ngunit ang totoo, hindi yon tungkol sa ice cream, tungkol yon sa kung sino ang kasama mong kumain nito, pero hindi ko pa rin siguro gugustuhin na makasama pa si papa na gawin yon. Because his absence carved a hole in my heart, a void that no ice cream could ever fill.

“Sayang magiging abala ako next week, limang araw kong kasama si Prof Castillo.” Pagbasag ni Zack sa katahimikan, napansin na siguro nito na kanina pa ako tahimik dahil sa lalim ng pag-iisip.

“Ayaw mo non, hindi ka na b-byahe ng malayo para lang makita siya.” baling ko naman sa kanya, kasalukuyan naming tulak ang sarili naming mga besikleta habang naglalakad lakad sa nature park, maraming puno na nagbibigay lilim sa paligid at sariwa pa ang hangin na malalanghap, kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit marami palagi ang tao sa lugar na to.

“Accept mo na kasi yung friend request ko, para may mapagtatanungan ako kung nandon sa AUS si Prof.” Bumusangot pa ito na parang kasalanan ko pa kung bakit siya nahihirapan. “Alam mo ba, minsan ay hindi ko siya naabutan don? Hindi rin naman kasi nagrereply si prof agad.” Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa mga oras na to, halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip tungkol sa lintik na friend request na yon, tapos ito pala ang dahilan kung bakit niya yon ginawa.

“Oo na mamaya! Dinadamay niyo pa ko sa set up ng buhay niyo, bakit ba kasi napaka multi tasker ni Prof?” Sa halip na sumagot ay tumawa lang siya at agad naman akong umirap para itago ang tunay na reaksyon ng mukha ko.

Nakakahawa naman kasi ang ngiti niya! Habang naglalakad kami ay palihim kong pinapasadahan ng tingin si Zack. He was a vision of quiet contemplation, his dark hair falling softly over his forehead. A simple, light grey, short-sleeved shirt hung loosely on his lean frame, the fabric hinting at a comfortable ease.

Black athletic shorts revealed long, slender legs, ending in clean white sneakers. His hands, lightly tanned, held a small wallet, and wearing a white cap, a subtle detail that spoke of a certain understated elegance.

He's always like that, ang linis linis niyang tignan, simple pero malakas ang dating, tignan mo nga at nagwawala na naman ang mga lamang loob ko dahil sa ginagawa kong pagtitig sa kanya.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now