Linggo ngayon at alas-otso na ng gabi, hinayaan kong lumipas ang mga oras at araw, wala akong binanggit kay mama tungkol sa mga nasaksihan at narinig ko.
Nagkulong lang ako sa kuwarto at nagdahilan na abala dahil sa mga reports at activities na kailangang tapusin, ngunit ang totoo ay hindi ko kayang harapin si Ave, hindi ko kayang magtagal na kasama sila, kinukurot ang puso ko kapag nakikita kong nag-uusap sila habang may tinatago si Ave kay mama.
Alam kong sobrang masasaktan si mama kapag nalaman niya, dahil alam kong naroon pa rin sa puso niya ang sugat na iniwan ni papa, hinayaan lang siya ni papa na gawin ang desisyon na yon ng mag-isa, kung naramdaman lang sana ni mama na kaya siyang ipaglaban ni papa sa mga magulang nito, siguro ay hindi kami lalayo, siguro buo pa rin kami, kaya katulad ko alam kong masakit pa rin, nasasaktan pa rin siya.
Overthinking intensified my addiction. I constantly craved rice. Simultaneously, I was busy preparing for the event, as a change in the setup increased my responsibilities.
Nakausap ko si coach Lizel sa telepono kaninang umaga, sinabi niyang hindi raw puwedeng umuwi ang mga in charge sa event sa loob ng limang araw, naatasan rin ako na manguna sa gagawing counseling activity ng organization of psychology. Hindi ito magiging tipikal na counseling na ginagawa para sa mga may health disorder, isa lang itong simpleng kumustahan, kailangan ito ng mga bata para malaman ang lagay nila sa bawat ampunan na bibisitahin namin.
Sumang-ayon naman ako at lubos kong ikinatuwa ang bagay na yon, gusto kong makinig sa mga bata, gusto kong malaman kung anong mga dinadala nila, dahil hindi man non mapunan ang mga pagkukulang na kanilang nararamdaman, sana ay makagaan pa rin ito ng pakiramdam.
Si Prof. Castillo naman ay nag send ng listahan ng mga naka assigned sa restoration satuwing matatapos ang event, at kasali ron ang pangalan ko. Ayos na sana yung ibang assigned task na in charge sa'kin, ang kaso, pinaka ayaw ko talaga sa restoration, dahil pagod ka na't lahat sa maghapon, maiiwan ka pa para maglinis.
Gustuhin ko mang magreklamo ay wala rin naman akong magagawa, kaninang hapunan ay nakapagpaalam na ako kay mama na hindi ako makakauwi ng limang araw, nag-aalala naman siya kay Ave dahil maiiwan daw ito sa bahay, nitong mga nakaraang araw kasi ay halos gabing-gabi na siyang umuuwi, pero sabi naman ni Ave ay ayos lang naman daw siya at kaya niya naman daw.
Wala rin naman akong magagawa dahil tatlong task ang in charge sa'kin, iniisip ko pa nga lang ang pagod ay gusto ko na lang maging kangkong.
Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin at sinusuklay ang sariling buhok, pangiti-ngiti pa ako nang mapansin na may ilang mga sira ang ngipin ko, ngunit agad ring natigil ang aking pag-iisip nang tumunog ang sarili kong telepono.
Zack: Limang araw akong busy, hindi kita mapupuntahan sa AUS, sayang.
Zack: Wag mo ’ko ma-mimiss.
Zack: Gising ka pa?
Nang e-accept ko ang friend request niya ay madalas na siyang nag me-message sa'kin, araw-araw na lang din akong napapairap, ang sabi niya nung nakaraan, dahil lang daw kay Prof. Castillo kaya niya ko gustong maging friend sa facebook, mukha ba akong si prof?
Hindi ko na sinagot ang mensahe niya, magkikita rin naman kami bukas, wala nga lang talaga siyang ideya na naroon din kami at hindi na rin ako nag abalang sabihin sa kanya, ang kaso ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, hindi ko pa siya nakausap ulit pagkatapos ko siyang iwan sa nature park, at hindi pa ako nakakapag thank you para sa pinadala niyang ice cream.
I've been watching him for days. Mula sa pagbibigay niya sa'kin ng chukie sa parking lot ng school, sa pagpunta niya sa bahay para ayain akong samahan siyang mag biking, hanggang sa pang-aasar niya na girlfriend niya ko. Even the ice cream last night and all the random messages... it's all confusing. I don't want to get my hopes up, but he's playing with my emotions.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Ficção AdolescenteRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
