CHAPTER 17

195 3 1
                                        

It's already four in the afternoon at kakatapos lang ng medical mission, masyado itong tumagal kaya naging abala ako sa pagaasikaso.

Habang kasama ko si Dr. Alvarez kanina ay napalaban ako sa pagsagot sa mga tanong niya, pero mas nabawasan na ang kaba na nararamdaman ko dahil sa madalas na pagngiti nito sa'kin, she's really measuring how hands on I am in this field, inaalam rin nito kung totoong seryoso ako at alam ko ang mga ikinikilos at sasabihin ko. Maging ang paraan ko ng pakikipag-usap sa mga bata ay inoobserbahan niya. It was draining, but amazing at the same time.

Kasalukuyan ng nagpapahinga ang mga doctor habang kami naman ay nag liligpit na ng ilang mga gamit, hindi pa rin aalisin ang mga tents dahil sa ground gaganapin ang closing program. Aligaga ako sa pagsisigurado na maayos na ang lahat dahil darating daw mamaya ang may-ari ng orphanage.

"You look tired" si Kien yon, kasama ko siya ngayon para e check ang mga performers para mamaya. I need to make sure na handa na silang lahat.

Hindi ko na rin nakita si Zack mula kanina, mukhang busy rin ito kagaya ko, magiging abala lang ako sa kanya, ang kapal naman ng mukha ko kung iistorbohin ko siya samantalang hindi ko siya ito pinapayagang manligaw, ngunit sa loob loob ko ay gusto ko talaga itong makasama, ayaw ko lang siyang abalahin dahil mukhang gusto siyang makilala ng ilang mga doktor, nabanggit kasi yon ni Kien kanina, malapit na raw kasi ang on the job training nila at mukhang pinag aagawan daw ng ilang mga hospital ang top student ng PIAMS, at si Zack yon.

"Yes I am, kaya nga kita pinasama sa'kin eh, nahihilo na kasi ako, kanina pa masakit ang ulo ko, natatakot ako dahil baka mag nosebleed na naman ako katulad ng nangyari kahapon." Saad ko habang patuloy kaming naglalakad sa ground, halos gusto ko ng isumpa ang lugar na'to dahil sa lawak nito, sa pagpapabalik-balik pa lang at paglalakad mapapagod ka na agad.

"Nosebleed? Bakit ngayon mo lang sinasabi to? I told you na wag mong kakalimutan magpahinga Sef. Yon ang bilin ni tita Gemma." agad na bumagal ang mga hakbang ko nang banggitin niya si mama, halos dalawang araw ko na siyang hindi nakakausap, hindi rin naman ito nag me-message sa'kin at ganon rin ako sa kanya, nitong mga nakaraang araw ay tila nakalimutan ko ang lahat ng problema ng pamilya namin.

"Nakakausap mo ba siya? Is she okay? Saad ko at bahagyang tumigil sa paglalakad para harapin si Kien.

"Sabi niya ay maayos daw ang lagay niya, mas inaalala ka ni tita kasi hindi ka raw tumatawag sa kanya." Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi ni Kien, parang may kung ano na namang kumurot sa puso ko. "Kaya alagaan mo ang sarili mo, katulad ng pag-aalaga ng nanay mo sa'yo. Baka nakakalimutan mong hindi ka ganoon kalakas Seffian." yes, I know how weak I am, halos nitong mga nakaraang buwan ko lang ito napansin ngunit pinipilit ko itong alisin sa isip ko.

"Tara na, marami pa akong gagawin." sa halip na ipagpatuloy ang pag-uusap ay agad na akong naglakad para puntahan ang mga performers.

Hindi na umimik si Kien pagkatapos naming mag-usap, palagi lang siyang nakasunod sa'kin at binabantayan ang mga kilos ko. Mayamaya pa ay nakasalubong namin sina Mayi nang papunta kami sa back stage para e check kung maayos na ba ang lahat ron.

"Hey you look pale." Si Xianry yon, nakabihis na sila ngayon at papunta na rin sa ground para maghanap ng bakateng upuan, it's already six in the evening, nakaupo na rin ang mga doctor, nurses, professors and even other guests sa unahan ng stage, nang ilibot ko ang mata paligid ay napakarami ng tao.

"What?" I shouted dahil medyo malakas na ang sound system galing sa gound.

"Namumutla ka gaga!" pag-ulit naman ni May sa sinabi ni Xianry ngunit lumapit ito para ibulong yon sa'kin.

"Here, apply some lipstick, pero alam mo mas kailangan mo ng pahinga Sef." baling naman ni Shayna na nasa tabi ko na ngayon at inaabot sa'kin ang red lipstick na galing sa maliit na bag na dala nito. Kinuha ko naman yon sa kamay niya at tinapunan ng tingin si Kien na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa'kin.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now