CHAPTER 24

248 3 3
                                        

Ilang araw ang lumipas at bumuti na ang pakiramdam ko, ito na rin ang huling araw ng practice namin sa volleyball dahil bukas na ang sport fest.

Sa second day pa naman magsisimula ang mga laro, pero sabi ni coach Lizel ay magsisilbi na raw naming pahinga ang first day ng event, para makondisyon pa lalo ang mga katawan namin.

"Tingin mo kaya kaya nating ipanalo ngayong taon?" ani West habang katabi ko itong nakaupo sa bench at nagpapahinga.

"Walang kasiguraduhan ang lahat West, pero ano man ang kalabasan ng laro, sana manalo pa rin tayo." I said that makes him think.

"What do you mean?" Saad pa nito habang titig na titig sa'kin.

"What I mean is, ano man ang mangyari, ang importante lahat tayo makapaglaro at mag enjoy." I chuckled. "Huling laro na natin ngayong taon, so for me, the important is everyone will enjoy, play, and show up because showing up is a win." Turan ko pagkatapos ay tumayo na at tinapik ang balikat niya.
Nag lakad na rin ko palapit sa mga kasama namin at nagpaalam na rin sa kanila.

Habang naglalakad palabas sa school ay sobrang maiinitan na'ko, nakasuot na naman kasi ako ng fitted long sleeve dahil sa mga pasa sa braso.

Ang totoo, mula noong nangyari nung nakaraan, hindi na ko nakapaglaro ulit ng volleyball, hindi na rin ako sumali sa kanila sa practice dahil natatakot akong lumala ang lagay ko. Hindi ko alam kung magagawa ko bang maglaro dahil sa takot na yon, pero susubukan ko sa abot ng makakaya ko.

Katulad ng sinabi ko kay West, showing up is important, kaya gusto ko nandon ako sa huling beses ng laro namin.

Noong una ay libangan ko lang naman talaga itong paglalaro, pero nalaman ko na lang bigla na parang kulang ako kung hindi ko naranasang makasali sa volleyball team.

Nagkaroon na rin ako ng isa pang pamilya dahil sa kanila, kaya kahit sa huling pagkakataon ay gusto ko silang makasama, manalo o matalo, magsasaya kaming lahat sa court.

Habang naglalakad sa palabas ng gate ay bigla na lamang akong napatigil nang tumunog nag telepono ko.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag sa phone.

"Palabas ka na?" napangiti ako nang marinig ang boses na yon at binilisan ang paglalakad.

"Yup, kalalabas lang ng gate, asan ka?" agad ko namang pinaikot ang paningin sa paligid at nakita ko ang nakangiting bulto ni Zack habang prenteng nakasandal sa sasakyan.

"Feeling mo talaga ang guwapo mo kapag nakasandal ka diyan habang hinihintay ako?" Tanong ko sa kanya at hindi pa rin ibinababa ang tawag habang naglalakad patungo sa dereksyon niya.

"Bakit hindi ba?" He uttered as he ended up the call and put his phone on his pocket.

Ganito siya palagi, sinusundo at hinahatid niya ko, hindi na ako tumanggi at hinayaan siya sa gusto niya, dahil alam ko namang kahit gaano ko pa siya ipagtulakan ay hindi na uubra yon.

"Kumusta? Ayos ka lang? Pagod ka ba?" sunod sunod na bungas nito nang makalapit ako sa kanya.

"Isa-isa lang puwede? Ang dami mo namang Tanong Doc." I smiled as I fixed his hair, nilipad kasi ito ng hangin.

"Nagugutom ka? Gusto mong kumain muna bago umuwi?" Tanong niya pa bago kinuha ang bag at tumbler sa kamay ko. "Daanan na rin kaya natin si Ave sa school niya para sabay sabay na tayo kumain?"

"Ikaw ha, masyado ka na talagang pala desisyon." biro kong saad at dinuro pa ito kunwari. "Biro lang, sa bahay na lang tayo kumain, kakauwi lang ni mama, sabi niya ipagluluto niya raw tayo." agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zack dahil sa sinabi ko.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now