"Sef tara na!" sigaw ni Kyln mula sa labas ng room, malapit na kasi mag five pm kaya kailangan na naming magbihis.
"Oo ito na." Sigaw ko naman pabalik habang naglalakad na rin palabas ng room. Kanina pa nagpaalam si Mayi dahil nagsimula na ang practice nila, habang naglalakad kami papunta sa MPB ay natanaw pa namin ito hawak ang raketa sa badminton, seryosong seryoso ang bruha, akala mo ay nasa sport fiest na siya kung pag-aralan ang galaw ng kalaban.
Nang makarating sa MPB ay dumeretso na ko sa women's comfort room para magbihis, nakuha pang makipagkuwentuhan ni Kyln sa iba naming team mates, akala mo naman ay mabilis siyang magbihis, inaabot nga sya ng ilang minuto dahil sa kung ano-anong pinaglalalagay sa mukha na akala mo ay hindi mabubura dahil sa pawis.
Mabilis akong nagpalit ng kulay pulang jersey at itim na shorts, matapos magsuot ng knee pads ay kinuha ko na rin ang sapatos sa locker at mabilis itong isinuot, inayos ko lang ang pagkakaipit ng aking buhok at mayamaya ay lumabas na rin at nagtungo sa iba naming kasama, sakto naman na kakarating lang ni coach.
"Sino pang wala? Is everyone here?" coach asked while holding the ball. "I have some announcements, gather in five minutes." sambit pa nito, mabuti na lang ay naglalakad na rin si Kyln ppunta sa dereksyon namin ng tapunan ko ng tingin ang lugar kung saan siya nagbihis.
Habang naghihintay na lumipas ang oras ay uminom lang ako ng tubig, sakto naman na dumapo ang tingin ko sa wallet ko na nasa loob ng bag, I immediately turned back to to feed my addiction when coach Lizel called us, I also came and faced them as if nothing had happened.
"The sports fest is almost here, we need a full practice by next next week." she said seriously, our team is too excited to win this year, because we lost in the last sport fest due to lack of practice. "You will be excuse sa mga susunod na lingo, asahan niyo ng palagi na ulit tayong gagabihin sa pag-uwi. I look forward to the participation of each of you." dagdag niya pa pagkatapos ay naupo sa mesa at ipinatong ang bola sa kanyang hita.
"But before that, there will be an event next week, and Sef, I want you to be in charge." Ipinasa ni coach ang bola sa'kin at agad ko naman itong nasalo. "There will be a Charity Collab, and we will be going to teach some sports to the children in a five specific nearest orphanage." pagpapatuloy pa nito kaya't agad ko ring naunawaan ang dapat kung gawin. "It will also be held on five consecutive days, sports will be a way for children to be entertained while other university programs are being held. No need to take it seriously Sef, just bond with them, the goal is to make them feel their belongingness, love and care." Agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon.
Nakaramdam ako bigla ng kurot sa puso dahil sa sinabi ni coach. I thought, why the world was not fair to childrens like them? Bakit kailangang sa iba nila maramdaman ang pagtanggap, pagmamahal, at pag-aalaga, na dapat ay sa mga magulang nila nakukuha?
How can other parents leave their children? I can't quite imagine how they could abandon the responsibility to their child? Bakit hindi sila pinanindigan? Paano nila nagawang humakbang palayo habang umiiyak ang mga anak nila at nagmamakaawa na huwag silang iwan?
Siguro ay ramdam ko ang sakit dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong na yan, dahil kahit ang sarili kong ama ay hindi rin ako piniling ipaglaban, marahil ay mabilis ang mga hakbang niya noong iniwan niya si Ave, siguro ay hindi man lang siya lumingon o nagdalawang-isip.
Ganon ba talaga kadali para sa kanya na abandunahin kami? Pinilit ko ang sarili na makinig sa iba pang sinabi ni coach, habang patuloy pa ring tumatakbo sa isip ko na marahil ay mabuti na rin na iniwan kami ni papa, dahil hindi namin kailangan ng magulang na katulad niya.
Nang matapos masalita si coach ay nagsimula na rin kaming mag practice, at para iwaksi sa isip ko ang sama ng loob na naipon kanina ay panay ang pagpabalik-balik ko sa wallet para pumapak ng bigas.
"Candy ba yang kinakain mo Sef? Meron pa? Pahingi naman." baling ni Ark isa sa mga team mate ko na katabi ko sa loob ng volley ball court, kasalukuyan kaming naglalaro at napansin niya sigurong kanina pa ko gumunguya.
"Wala na eh." sagot ko matapos hampasin ang bola nang mapunta ito sa dereksyon ko, nag apir nama kami ni Kyln ng makapuntos ito dahil hindi nahabol ng kalaban.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Novela JuvenilRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
