CHAPTER 23

207 3 2
                                        

* This chapter contains graphic depictions of suicide and self-harm that may be deeply disturbing to some readers. If you have a history of self-harm or suicidal ideation, or if you are currently struggling with these issues, please do not read further. Your safety and well-being are paramount.

Sa halip na umuwi ay kasalukuyan kaming andito ni Zack sa lugar kung saan niya ko dinala noon, nakaupo ako ngayon sa gilid ng ilog habang pinagmamasdan ang pagkinang ng tubig na tila mga nagkikislapang diyamante sa mga mata ko. 

"Zack malalim ba 'to?" tanong ko kay Zack ng maupo ito sa tabi ko.

"I don't know, maybe." He looked at me intently with his eyes questioning.

I nodded. "Alam mo sa tingin ko, kapag nasa ilalim ka nito, mararamdaman mo na lang na niyayakap ka ng payapang alon, siguro doon, makakahanap ako ng sagot sa lahat ng gumugulo sa isip ko." muli ako tumingin sa ilog at napangiti. "Siguro lulutang ka na lang bigla, tipong mararamdaman mo na lang kapag nasa tubig ka na, parang magaan na ang lahat. Siguro hindi na ganoon kabigat." I noticed Zack freeze, staring at me for a long time. Tinapunan ko ito ng tingin at tama nga ako. "Gusto kong yakapin ng tubig, gusto kong lumutang Zack." I chucked when I saw his eyes blankly looking at me, hindi naintindihan ang mga sinabi ko. "Nevermind." 

Ilang segundo pang dumaan ang katahimikan bago ito nagsalita. "Sef can I ask?" seryoso ang tingin nito sa'kin ng sabihin ang mga salitang yon. I just give him a nod. "Do you mind if I ask kung anong pinag-usapan niyo kanina? Are you okay? Nag-away ba kayo?" 

I sighed. "Sabihin na lang nating nadadamay lang si Kien sa gulo ng buhay ko. Actually hindi lang siya, kun'di lahat ng taong nakapaligid sa'kin." alam kong naguguluhan si Zack sa mga sinasabi ko, pero natatakot akong madamay lang din siya sa mga problema ko, alam kong masasaktan ko lang siya kapag hinayaan ko siyang pasukin ang magulo kong mundo. 

"Gaano ba kagulo ang mundo mo? Para mapaghandaan ko?" Because of those words, I stared directly into his eyes. Sa mga pagkakataong yon, nakitang kong hindi lang iyon mga mabubulaklak na salita. I saw his eyes also speak for him. 

I took a deep breath. "Hindi mo na dapat malaman pa Zack. Mahihirapan ka lang." 

"But I'm willing to face everything just to be with you Sef." I saw sincerity in his eyes, tila tinutulak nito ang mga luha palabas sa mga mata ko. 

I shook my head. "No, hindi puwede." Nag-iwas ako ng tingin at akma na sanang tatayo nang hawakan niya ang kamay ko. 

"Don't tell me then, wala akong paki alam kung gaano pa yon kagulo tulad ng sinasabi mo, just please let me stay." nanatili akong umiiling hanggang sa makatayo, pinipilit kong alisin ang hawak niya sa kamay ko ngunit nahuhuli niya lang ulit ito para ikulong sa mga kamay niya. "Puwede ba yon? Puwede bang huwag mo na akong itulak ulit palayo?" 

Hinawakan ni Zack ang mga kamay ko at inilapit ito sa dibdib niya, "Dahil kung naririnig mo lang ang tinitibok ng puso ko, malalaman mong ang tanging gusto nito ay ang manatili sa tabi mo."

"Kapag nalaman mo ang lagay ko hindi ka maniniwala, hindi mo sasabihin lahat ng bagay na sinasabi mo sa'kin ngayon." halos napalakas ang boses ko dahil sa sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko, tila nabuhay na naman ang mga tambol dito dahil sa mga nangyayari.

"Maniniwala ako Sef, hayaan mo lang akong pakinggan ka, just please let me-

Humugot ako na ng isang malalim na bunting hininga bago putulin ang pagsasalita nito. "I'm addicted, Zack." nakita ko ang biglang pagdaan ng kyuryusidad sa mga mata niya kaya't natigilan ito at napatitig siya sa'kin.

"Addicted of what?" he asked.

"I have pica, it's an eating disorder." I slowly uttered in a low voice.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now