Gaya ng napag-usapan ay naglaro kaming dalawa ni West, team nila laban sa team namin, habang abala sa pagsalo at pagpalo ng bola ay panay rin ang sulyap ko kay Zack habang nakaupo sa mga bakanteng bench sa court.
I still hear Kyln's simple complaints when she misses a hit, but when Zean spikes the ball, I jump at the net to create a wall, aiming to deflect the trajectory of the opposing team's spike. Hindi nahabol ng kabilang team ang bola dahilan para maka score ang team namin.
Malaki na ang lamang namin dahilan para manalo kami, napakamot pa ng ulo si West dahil natalo na naman sila.
“Sayang akala ko pa naman makukuha ko na ang puso mo.” pabirong sambit nito at ginulo na naman ang buhok ko.
“Bakit kaya hindi mo subukang unahin na aralin ang tamang blocking ng bola? Para manalo ka naman sa'kin.” baling ko rito at binatukan siya para sa paggulo nito sa buhok ko.
Nang hanapin ng mata ko kung nasaan si Kyln ay natagpuan ko itong kausap na si Zack, lumapit ako sa kanila para kunin ang tumbler ko pagkatapos ay bahagyang lumayo para umupo at magpahinga, bigla namang dumaan sa isip ko ang sinabi niya kanina.
Paano niya nagagawang sabihin na sa kanya ang puso ko? Saka ano bang ginagawa ng lalaking yon dito? Ang layo ng PIAMS para magsayang siya ng gasulina, sinabi niya kanina na andito siya para kay Prof, pero kahit sinabi ko ng wala si prof rito ay hindi pa rin ito umaalis.
“Manliligaw mo ba yon?” Sambit si West habang bitbit and isang bottled water at may panyo pa na nakasabit sa balikat. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya habang umiinom ng tubig. “Sa mga titig niya sa'yo, sa tingin ko gusto ko niya. Mukhang may karibal na ko kaagad.” he chuckled as he said those words and sat beside me.
“Alam mo, puro ka kalokohan.” matagal ng ganito sa West, pero kahit naman ganyan ito magsalita ay batid kong nag bibiro lang siya, hindi niya na rin naman ako kinukulit tungkol don, kaya alam kong hindi siya seryoso.
“But you know, hindi impossible na marami nga ang magkagusto sa'yo. Kahit pa nga minsan ay magaspang ang ugali mo.” sinamaan ko agad siya ng tingin dahil sa sinabi niya, ganon ba ko kasama? “Biro lang! Katakot talaga yang kilay mo.” ginulo na naman ni West ang buhok ko kaya tinapik ko ang kamay niya. Nang muli kong tapikin ang kamay na hawak sana sa ulo ko ay nagulat na lang ako nang makitang kamay na pala ni Zack yon.
Agad kong binitawan ang kamay niya at tumayo paharap sa kanya. “Sa susunod wag mong hahawakan ang buhok niya, ayaw niya na nagugulo ang buhok niya o hinahawakan ang ulo niya na parang aso.” dahan dahan na inaayos ni Zack ang buhok ko habang sinasabi ang mga salitang yon, parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga lamang loob ko dahil nagsisimula na naman silang magdiwang at magtatalon na hindi ko maintindihan.
“Ano ba talagang ginagawa mo rito?” bahagya akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili kong buhok, masyadong tinatambol ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit niya at sa ginawa niyang paghawak sa buhok ko.
Nakita ko ang bahagyang pagbaling ng tingin ni Zack kay West dahilan para umalis na ito at iwan kaming dalawa. “I'm here to clear things up, hihintayin kita hanggang sa matapos ang practice niyo.” Saad pa nito at inilagay sa bulsa ang dalawang kamay niya.
“Sinabi ko na di ba? Wala kang dapat linawin o ipaliwanag, hindi na yon importante.” tatalikuran ko na sana ito nang hawakan niya ang pulsuhan ko para pigilan ako.
“Importante yon, kasi importante ka, I'll wait here.” yon ang huling sinabi niya bago ako tuluyang umalis sa harap niya.
Ilang oras pa kaming nag practice at pagkatapos ay nagkaroon na lang ng meeting nang bumalik si coach sa court, hindi nga umalis si Zack sa bench at prenteng nakaupo ron habang hinihintay ako.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Teen FictionRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
