CHAPTER 15

296 59 2
                                        

"Hi Kisha, you're so pretty." I said as I pinched her chicks. "Oh, what happened to your teeth?" napansin ko ang mga sira sa ngipin ng bata, alam kong hindi ko na trabaho yon dahil hindi naman ako dentista, ngunit may kung anong nag udyok sa'kin para itanong ang bagay na 'yon.

"Doc, is it normal to eat raw rice often? Palagi po akong pinagagalitan kapag kumakain ako non, totoo po bang hindi yon puwedeng kainin? " agad akong natigilan dahil sa tanong nito, is she like me?

Agad akong umiling at pinilit ang sariling nginitian ito. "No baby, hindi ka dapat kumakain ng hilaw na bigas, because it is not safe for a kid like you to eat it, especially kung hindi pa yon nahuhugasan." I signaled doc Shayna to come to me, she's also a psychology student, the two of us are now together at a table as a pair, fortunately she came to me to assist and help me in my area, she's also good at working and easy to get along with.

"We'll check if she has an OCD tendencies, or obsessive-compulsive tendencies, please list down all the information we could gather." saad ko habang naglalakad papunta sa harap ni Kisha at naupo para magkasing taas kami.

"Noted doc." she uttered while holding the pen and Kisha's record.

Ngumiti ako para mawala ang pagtataka sa mga mata ni Kisha, alam kong wala siyang naintindihan sa usapan namin ni Shayna pero nag iwan pa rin ito ng pag-alala sa mga mata niya. "Alam mo ba na may mga bacteria at parasites yon? Kapag pumasok yon sa tiyan mo puwedeng magkaroon ng ng infections kaya kailangan sundin mo ang sinasabi nila sa'yo okay baby?" pangungumbinsi ko sa kanya.

"But doc, bakit tayo kumakain ng kanin kung bawal yon?" kitang kita ko ang pagtatanong sa mga mata ng bata. I glanced at Shayna as she sat next to me and turned to Kisha.

"Kisha ganito kasi yon, safe lang na kainin ang bigas kapag naluto na, dahil nahugasan na ito at napakuluan, pero kapag hilaw mo yon kinain magkakasakit ka, gusto mo ba yon?" agad namang umiling si Kisha dahilan para mapangiti kaming dalawa ni Doc Shayna.

Matapos namin itong kumbinsihin ay sinimulan naming itanong kay Kisha kung anong mag nag uudyok sa kanya para kumain ng bigas, inalam rin namin kung gaano niya yon kadalas ginagawa, we found out that it's been almost a few months since she started eating raw rice more often, we can't make a statement about the condition of the children yet but we are collecting it so they can be referred to a licensed psychiatrists, but just now Shayna and I came to the same conclusion.

"She has Pica, as you can see, she has a persistent craving and consumption of non-nutritive substances." Shayna uttered. Dalawa na lang kami ngayon dahil umalis na si Kisha para maglaro pagkatapos ng counseling, kasalukuyan na akong nakaupo sa sariling puwesto habang si Shayna naman ay naka upo sa upuan na para sa mga bata.

"Yes, at mabuti na lang ay nalaman natin yon agad, we should report about this matter. Eating disorder is not a joke." alam na alam ko na hindi biro ang ganoong sitwasyon, dahil parehas kami ng kinalalagyan ni Kisha.

Masuwerte lang siya at mas magiging madali para sa kanya na itigil na yon, dahil ilang buwan pa lang mula ng magsimula siya sa habit ng pagkain ng hilaw na bigas, mas madaling maaalis yon sa sistema ng bata, lalo't natakot na ito sa mga sinabi namin ni Shayna kanina about the bacterias and parasites, but in my case? Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga naiisip.

"So why are you not taking actions about your condition Sef?" I was immediately stunned by what she said, may alam ba siya sa addiction ko? "Sorry Sef. I always see you chewing so it got my attention. I always looked at you because I wanted to know what you were eating, until I saw for myself that it was rice." Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. I didn't know that my addiction is really that bad, that even other people around me are noticing it.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoWhere stories live. Discover now