CHAPTER 22

200 2 0
                                        

Nang makauwi sa bahay ay agad akong nakatulog, nagising na lang ako na masama pa rin ang pakiramdam ko.

Sa kabila non ay maaga pa rin akong pumasok at ngayon ay kasalukuyang nakasuot ng hoodie sa halip na jersey para sa volleyball. "Sef! Na miss kita." salubong ni West sa'kin nang makarating sa court. Hindi kasi kami nakapagpractice ni Kyln kahapon kaya siya ang naiwan para mag handle ng dalawang team.

"Ang sabihin mo hindi mo kaya ng wala ako, hindi naman kasi sila nag seseryoso kapag ikaw lang ang nandito, kasi pati ikaw puro lang kalokohan." natatawa kong saad habang inaayos na ang gamit at binuksan ang tumbler para uminom.

"You okay? Bakit parang may sakit ka." napansin ko ang pagkunot ng nuo niya kaya binatukan ko ito.

"Oo, kaya hindi ako maglalaro, andito lang ako para bantayan kayo. Kaya magsimula ka na, ayusin mo West!" binigyan ko pa siya ng nagbabantang tingin ngunit tinawanan lang din ako nito.

"You shouldn't be here, hindi mo kami kailangan bantayan, dapat nagpahinga ka na lang." Nakita ko ang pagdaan ng pagaalala sa mukha nito kaya't tipid akong ngumiti.

"Dami pang sinasabi, sige na, ayos lang ako. Go captain!" bumuntong hininga pa ito bago tuluyang pumunta sa court, habang ako naman ay naiwang nakaupo.

Habang pinapanood silang mag practice ay tahimik lang ako sa bench habang nagpapaypay, panay ang inom ko ng tubig dahil masama pa rin ang pakiramdam ko.

"Sabi ko na nga ba, you're still sick, pero andito ka pa rin." Turan ni Zack na bigla na lang lumitaw sa harap ko, galit ang tono nito at tila nanenermon.

"Anong ginagawa mo rito?" nakakunot ang nuo na humarap ako sa kanya.

"I brought you some breakfast, kumain ka. May gamot rin diyan, iinom ka kada apat na oras na lumipas." agad akong binalot ng hiya ng ilatag niya sa lamesa ang dala niya at binuksan ito sa harap ko. "Start eating now." Saad pa nito na prenteng naupo sa harap ko, napakurap-kurap na lang ako dahil sa ginagawa niya. "Are you just going to look at me like that? Or you want me to feed you?" agad kong kinuha ang mga kobyertos ng akma niya na itong kukunin para subuan ako.

"Ako na! You don't have to do this, wala ka bang pasok?" Saad ko bago sumubo ng kanin.

"Meron, aalis din ako agad kapag nakainom kana ng gamot." nanatili lang siyang nakaupo sa harap ko habang pinanonood akong kumain, panay naman ang sulyap ko sa mga kasama ko habang patuloy silang naglalaro. "Hey, dahan-dahan lang, baka mabulunan ka." paalala niya pa nang mapansin na sunod sunod ang subo ko ng kanin, nahihiya kasi ako sa kanya, binibilisan ko ang kain dahil mahaba pa ang biyahe papunta sa university nila.

"Gusto ko lang matapos agad para makaalis ka na." Sambit ko na ikinakunot ng nuo niya. Did I said something wrong?

"Ganon mo ba ka ayaw sa presensya ko?" natigilan ako dahil sa sinabi niya, saka ko lang napagtantong na misunderstood niya ang sinabi ko, nice choice of words Sef.

"Don't think about it, sige na kumain ka na para makainom ka na ng gamot." nakikita ko pa rin ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya ngunit binigyan niya pa rin ako ng isang ngiti, pinalawak niya ito para hindi ko mapansin na nasaktan siya.

"You're acting like my doctor again." inirapan ko siya ng matapos akong kumain, mas komportable ako kapag sinusungitan ko siya, ngumingiti kasi siya kapag ganon, binuksan pa nito ang gamot para sa'kin at walang reklamo ko na lang itong ininom para makaalis na siya dahil may pasok pa ito.

"I'll message you after four hours, wag mong e silent mode ang phone mo." bilin pa nito habang inaayos ang pinagkainan ko.

"Why are you doing this?" natigilan siya ng seryoso akong tumingin sa mga mata niya.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now