CHAPTER 19

219 3 1
                                        

Ilang araw ang lumipas at linggo na naman ngayon, nitong mga nakaraang araw ay naging maayos na rin ulit ang relasyon naming tatlo nila mama at Ave, pero madalas ko pa ring napapansin na minsan ay tulala pa rin si Ave, minsan ay tinatanong niya pa rin sa akin kung totoo yung sinabi ko.

Nasasaktan pa rin ako para sa kapatid ko, sobrang mahal niya si papa, kahit alam naming pareho na hindi karapat-dapat si papa sa pagmamahal na iyon.

Nitong mga nakaraan ay nakausap ko na rin si prof.  Castillo, humingi ako ng tawad kung bakit bigla na lang akong nawala kahit hindi pa tapos ang event. Ngunit ang sabi nito ay nasabi na raw sa kanya ni Kien ang dahilan kung bakit kami umalis kaagad.

Dahil sa nangyari noong nakaraan ay palaging tumatawag si Kien para kumustahin ako, minsan naman ay pinupuntahan niya ko dito sa bahay, halos sa mga ilang araw na nagdaan ay palagi lang akong nasa loob ng kwarto, nagkukulong kasama ang ilang butil ng bigas na nakatago sa drawer, sa loob ng wallet ko.

Halos buong gabi akong kumakain non satuwing umiiyak ako at hindi makatulog, palagi ring tumatawag si Zack ngunit hinayaan ko lang ito, hindi ko rin sinasagot ang kahit ano sa mga mensahe niya.

"Ate! Galing kay kuya Zack." Napabaling na lang ako sa pinto nang iluwa nito si Ave, may dala siyang plastic na may laman na ice cream at chukie. "Nasa baba siya kanina, kinukumusta ka nga, pero umalis na rin." dagdag pa nito at dere-deretsong naupo sa kama ko.

"Sa'yo na lang yan Ave." Sambit ko at hindi man lang yon kinuha sa kamay niya.

"Ayos lang ba kayo ni kuya Zack? Nag away ba kayo?" usisa nito at ipinatong ang ice cream sa lamesa sa gilid ng kama ko.

"Mahabang kuwento Ave, sabihin na lang nating ayaw ko ng magtiwala sa kanya, kasi hindi niya kayang panindigan ang mga sinasabi at ipinaparamdam niya." Saad ko at tila may kumurot pa sa puso ko habang sinasabi ang mga salitang yon.

"Parehas pala sila ni papa." I saw sadness pass through Ave's eyes when she mentioned him.

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang kamay niya at palapitin ito sa'kin. "Halika nga rito." Sambit ko at tuluyan na siyang niyakap. "Wag mo na silang isipin, dahil hindi sila karapat-dapat paglaan kahit katiting na pagmamahal galing sa'tin. Ang mahalaga magkasama pa rin tayo nila mama." naramdaman ko naman ang pagyakap sa'kin ni Ave pabalik dahilan para mapangiti ako.

"Ate anong nangyari dito?" She suddenly asked, pointing to the bruise on my arm after she pulled away from my embrace. 

"Hindi ko alam, baka natama lang sa kung saan, hindi ko napansin." sagot ko naman, ang totoo ay hindi ko talaga alam kung anong nangyari at nagkapasa ako.

"Ayan, ang kulit kulit mo kasi ate, 'di ka nag iingat." panenermon naman niya sa'kin na ikinataas ng kilay ko.

"Anong 'di nag iingat! Saka ikaw kaya ang makulit." kiniliti ko ito dahilan para tumawa ito ng malakas habang sinasangga ang kamay ko.

"A-ate tama na! B-bababa na ko, tunaw na yung i-ice cream." she said while continuously laughing. Itinigil ko na rin ang pagkiliti ko nang pati ako ay mapagod na dahil nahahawa rin sa kakatawa niya.

"Sige na, kainin mo na yan o kaya ilagay mo sa ref." bilin ko sa kanya habang tinutulungan ito sa pagbagon mula sa pagkakahiga sa kama.

"Sure kang ayaw mo ate?" Tanong niya pa at kinuha ang isang chukie sa plastic at inabot sa'kin. "Kunin mo na to, malay mo magbago pa isip mo, kasi alam mo ate, bagay kayo." ipinatong pa nito ang chukie sa gilid ng mesa at patakbong umalis nang akma ko itong babatuhin ng unan, napailing-iling na lang ako sa kakulitan ng kapatid ko.

Nang lumipad ang tingin ko sa iniwan ni Ave sa mesa ay inabot ko ito at bumalik sa kama para doon ito inumin, baka sakaling gumaan ang loob ko at mabura sa isip ko ang sakit na binigay ni Zack.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now