CHAPTER 5

368 81 0
                                        

"Ayaw mo?" He said while still holding out the drink he was offering me.

"Andito ka na naman, sabi ko naman sa'yo di ba? May-

"May sakit kang nakakahawa kaya huwag akong lalapit sa'yo." pagputol niya sa sasabihin ko kaya't tinaasan ko siya ng kilay.

"Then why are you still so close to me?" Sa halip na lumayo ay naupo pa ito sa tabi ko na parang walang naririnig.

"Hindi ka nakapag donate?" I suddenly fell silent because of his question, it was obvious that he already knew the answer, imbes na sumagot ay inirapan ko na lang ito.

"Bawal mag donate ang may sakit, pero sinubukan mo pa rin." Sa mga oras na yon at tinapunan ko ito ng tingin, alam ko naman na kaya niya sinabi yon ay dahil sa sinabi ko na may sakit ako, pero bakit iba ang epekto nito sa'kin, parang nakaramdam na naman ako ng takot, parang totoo, gayung sinabi ng nurse kanina na mababa ang blood pressure ko, mas tinubuan ako ng takot.

Because of a sudden feeling, I took the chukie from his hand, kailangan ko yon para kumalma, sakto naman na malamig ito kaya't napakasarap inumin, "That's your comfort food, am I right?" he uttered while staring at me, I immediately nodded.

"Bakit ka nga pala andito? Tapos ka na ba mag observe?" pag-uusisa ko dahil sa kagustuhang umuwi, pero kailangan ko pang hintayin si Kien hangang sa matapos ang activity nila.

"Not yet, break time lang saglit, pero kailangan ko na rin bumalik. " Saad pa nito kahit wala naman akong ibang nakikitang med student na pagala-gala katulad niya.

Kung titignan masyado siyang pormal makipag-usap ngayon, na para bang seneseryoso niya talaga ang kurso niya, samantalang si Kien labas na labas ang ugali, wlang pinipiling lugar o sitwasyon. 

"ahm, I just want to thank you for bringing my bicycle home, natulog na ko kaya hindi ko alam na hinatid mo na pala." Sambit ko nang tumayo siya mula sa pagkakaupo, hindi ko alam kung bakit ako nagsusungit sa kanya, pero hindi naman ganon kaitim ang apdo ko para hindi magpasalamat.

"No worries. I was just too excited to see you again so I brought it." Halos ibulong niya na lang ang mga huling linya kaya hindi ko na rin narinig ang lahat ng sinabi niya."Paano una na ko, ikaw uuwi ka na?" He said so I wouldn't ask about the last words he uttered.

"May hinihintay pa, salamat ulit, pati na rin dito." itinaas ko pa ang chukie na ibinigay niya sa'kin, ngumiti naman ito bago tumango at nagmartsa na paalis.

Habang tinatanaw si Zack na maglakad pabalik sa MPB ay nakita ko namang tumatakbo papunta sa dereksyon ko si Kien, mukhang kanina pa ako nito hinahanap. 

"Sef!" He shouted my name causing everyone to look at him, I just covered my face when he finally got close to me. Baka sabihin pa ng iba maladi ako dahil palagi na lang akong may kausap na med students.

Kien is tall, with a straight nasal bridge, as if he is ready to breathe with you forever, he also has white skin and a perfect jaw line, one of the things that women fantasize about. He also has a smile that can take away anything that bothers you, and above all, he has a unique aura that can charm any woman he likes.

Ngunit kung kami ang pag-uusapan, hindi kami talo, hindi sa bading siya o baliko ako, we really only think of each other as friends, if it's more than that, I can say that he's like a brother to me. 

"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, akala ko nauna ka ng  umuwi." sambit nito habang hingal na nakahawak sa dalawang tuhod. 

"Bakit? Uuwi na tayo?" Pinasaya ko ang boses para hindi na siya mag-alala, alam kong nalaman niya na hindi ako nakunan ng dugo kaya niya ako hinanap.

Matagal siyang tumitig sa'kin at inaaral ang reaksyon ng mukha ko. "Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita." but Zack said that their activity is not over yet, and it looks like it will take a while before it ends, I don't want to be the reason why Kien gets scolded because he suddenly leaves just to take me home. 

"Kaya ko naman, and besides hindi ka puwedeng umalis, you're a future doctor, life is more important than anything doc." Pagbibiro ko pa rito. 

"Kahit na, ihahatid kita, pero ayos lang ba na hintayin mo'ko? Wag ka ng makulit lumpo ka pa nga eh." he narrowed his eyes and started teasing me again. 

"Gaga! Anong lumpo kaya kong maglakad, gusto mo ay buhatin pa kita!" Sabay na lang kaming natawa, nagkasundo na rin kami na sabay uuwi kaya hinintay ko hanggang sa matapos ang program nila, nag message rin kanina si Mayi at hinahanap ako, nang malaman ang kinaruruonan ko ay agad rin ako nitong pinuntahan.

Panay ang reklamo dahil parang bumigat raw ang pakiramdam niya, bukod sa medyo takot ito sa karayom ay ganoon naman talaga ang pakiramdam kapag nakunan ka ng dugo, nagpaalam na rin ito na mauuna na siyang umuwi dahil gusto niya na raw muna magpahinga. 

It was already dark when I got home, I found mom and Ave eating quietly. I looked at the other seat besides the one meant for me. What would it be like to have a complete family and happily eat together?

Ngumiti ako agad nang tuluyang makalapit sa kanila, matapos magmano ay naupo na ako para sumabay sa kanilang kumain, Ave is a bit quiet, siguro ay napagalitan ito ni mama. 

"Kahit anong mangyari ayaw kong kausapin niyo ang papa ninyo, kaya na natin ng tayo lang, hindi natin siya kailangan." parang may kung anong bumara sa lalamunan ko para maging mahirap sa'kin ang lumunok sa bawat subo ng kanin, agad namang umalis si mama sa hapag kainan matapos sabihin ang mga salitang yon, alam kong iiyak na naman siya at ayaw niyang makita namin yon.

"I just t-ried to talk to d-ad, I just w-anted to hear his v-oice." humihikbing saad ng kapatid ko at agad a yumakap sa'kin. 

I was five when dad left us. I already knew what was happening, ayaw ng mga magulang ni papa kay mama at nang malaman nito na nagkita ulit sina mama at papa at buntis ulit si mama kay Ave, sinabi ni Lola na kung hindi raw tuluyang iiwan ni mama si papa ay kukunin nila ako. 

I was five when I witnessed how mom cried because she didn't want to give me to them, she chose to leave dad, galit si mama kay papa, dahil hindi man lang daw siya nagawang ipaglaban ni papa sa mga magulang nito, at galit din ako. Dahil hindi niya kami piniling panindigan.

Ave didn't know what happened, so she was always looking for dad. Bumalik ulit  si papa noong five years old na si Ave, hindi namin alam na palagi niyang pinupuntahan si Ave sa bahay kapag umaalis kami ni mama, matagal na palang ganon kaya napalapit si Ave sa kanya, at dahil walang alam ang kapatid ko, si mama ang tingin niyang masama, dahil inilalayo raw kami ni mama kay papa. 

When I found out, I felt even worse, because I also wanted to be with him. I also wanted a father who could play with me when I was young, the one who would carry me when I cried, the one who would sing me to sleep, that way I might want to hear my father's voice now like Ave.

Pero halos sa limang taon ng buhay ko, hindi ko naman nakasama ang tatay ko, he's in America working his ass for my grandparents. Not for me or for Ave, not for our own family.

Habang yakap ko si Ave ngayon ay umiiyak rin ako, gusto kong sabihin sa kanya na napakasuwerte niya, dahil ako? Hindi ko na nga naaalala ang boses ni papa. 

Pagkatapos kong patulugin si Ave ay pumasok na rin ako sa kuwarto, hindi na ako nakakain ng maayos dahil sa pag iisip. While sitting on the bed I held a few grains of rice and silently ate them. I just cried, because I kept hearing Ave's cries in my mind, as if those were my cries when I was also looking for my father.

Ang buong akala ko ay tangap ko na, ngunit ang totoo ay masakit pa rin pala, ang akala ko ay hindi ko na ulit iiyakan to katulad noong bata pa ko, pero nakita ko kanina yung batang ako habang umiiyak si Ave. Ako pa rin yung batang nakakatulog na lang habang umiiyak pagkatapos maghanap ng tatay.

Nang magising ay namumugto ang mga mata ko, gumulong-gulong pa ko sa kama pagkatapos tumama ng sikat ng araw sa mukha ko, but I suddenly stand up quickly from lying when I felt the grains of rice that were scattered on my bed.

"Fuck" I uttered.




Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now