CHAPTER 12

244 64 1
                                        

Hindi ako nakatulog dahil sa mga nangyari, iniisip ko pa lang na kasama ni Ave si papa sa bahay habang wala si mama, sobrang binabagabag na ko nito.

Paano nagagawa ni Ave ang ganong bagay, paano kung biglang umuwi si mama?

Pero mas mabuti na rin siguro na wala ako ron ng ilang araw, dahil kahit galit ako kay Ave dahil sa pagsuway niya kay mama, may parte pa rin sa puso ko na masaya kasi nakakausap at nakakasama niya ang lalaking una niyang minahal.

The love from our father is what she was always looking for, this is the least I can do to make her happy. Kahit pa nasasaktan ako dahil sa pagsisinungaling niya sa'min ni mama.

Maaga akong nagising at nag ayos ng sarili, nang nasa sasakyan na kami ay sinabi ni Prof Castillo na hindi raw kami matutuloy sa pangalawang orphanage dahil nagkaroon ng problema, maging ang pinakahuling ampunan na dapat ay bibisitahin rin namin ay hindi na raw matutuloy, kaya ang dapat na limang araw, ay naging tatlo na lang.

Kasalukuyang pauwi na ako ngayon at nakasakay sa kotse na dala ni Zack, biglaan kasi ang nangyaring pagcancel ng second orphanage kaya wala rin kaming masakyan, nag offer naman siya na sumabay na'ko sa kanya pauwi, nung una ay tinanggihan ko siya, dahil bukod sa nakakahiya, naiilang pa rin ako dahil sa pag-uusap namin kahapon.

"Hey, ayos ka lang?" Pagbasag ni Zack sa katahiikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Uh? O-oo." Nice Sef nauutal ka talaga sa harap niya? Really? Napapikit na lang ako dahil sa inis ko sa sarili.

"Okay look, can we still be friends? Puwede naman siguro yon 'di ba?" he uttered, pero mukhang labag pa rin sa loob niya ang bagay na 'yon.

"Yes, walang problema sa'kin yon." I nodded so that I will look like satisfied for what we are talking. Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti at muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Gusto kong matawa sa mga kinikilos niya, iniisip talaga nito na boyfriend ko si Kien, gustuhin ko mang ipaliwanag sa kanya at sabihing hindi yon totoo, mas minabuti ko na lang muna na manahimik at hayaan siyang isipin yon. Masyado ring okupado ng ibang bagay ang isip ko, ang tanging gusto ko na lang ngayon ay umuwi at magpahinga.

Hindi na rin kami nakapag-usap ni Zack dahil hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nasa biyahe, nagising na lang ako ng marahan niyang tapikin ang braso ko. "Sef, wake up, andito na tayo." Nang imulat ko ang mga mata ay matamis na ngiti niya sumalubong sa'kin.

Agad naman akong umayos ng upo at tinapunan ng tingin ang bintana, inalis ni Zack ang seatbelt na nakayakap sa katawan ko, ganoon na lang ang pagpapasalamat ko nang inilayo niya na ang sarili sa'kin, nagsisimula na naman kasing magwala ang mga lamang loob ko, hindi pa nakakatulong ang mabango niyang amoy na halos nagiging paborito na yata ng ilong ko.

"Thank you sa paghatid Zack. Bawi ako next time, ililibre kita. " Ngumiti pa ako sa kanya para itago ang kabang bumabalot sa buong sistema ko.

"Asahan ko yan ah." Sambit niya habang pinapanood akong bumaba ng sasakyan, binigyan ko pa ito ng matamis na ngiti at tumango bago ko tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan, kumaway pa ako sa kanya ng bumusina ito ay pinanood ko na itong mag-drive paalis.

Nang pumihit ako para pumasok sa loob ng bahay ay narinig ko ang sigaw ni mama. Patakbo akong nagtungo para malaman kung ano ang nangyayari ngunit isang hindi inaasahang tao ang tumambad sa'kin.

"Sef anak?" Mama said causing my father to look at me while kneeling holding my mothers hand, I found Ave on the stairs crying, I just stayed in front of the door and tried to put in my mind what was happening at that time.

"T-tumayo ka diyan Matt." Sambit ni mama habang nagpupunas ng mga luha. Agad namang sumunod si papa at pumihit sa kinatatayuan ko.

"A-anak..." Nang magsimulang maglakad si papa sa dereksyon ko ay tila napaatras ako mula sa kinatatayuan. Habang pinagmamasdan ko kung paanong magpadulas ang mga luha sa mga mata niya ay tila natutunaw ang puso ko. Pinahihina ng basag niyang boses ang sarili kong mga tuhod at tila may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now