Nang magising kinaumagahan ay mahigpit na nakayakap sa'kin si Ave, masama pa rin ang pakiramdam ko ngunit pinilit kong bumangon para gisingin na rin siya, may pasok kasi ito ngayon.
"Ayos ka na ba ate?" agad na Tanong ni Ave nang bumangon ito mula sa pagkakahiga, "Hindi na lang muna ako papasok ate, babantayan kita." tila hinaplos ang puso ko nang marinig ang mga salitang yon.
"Hindi puwede Ave, kaya ko naman kaya wag ka ng mag-alala, aalis rin ako mamaya kasi may report kami ni Mayi." umubo pa ko habang nagsasalita kaya agad na hinagod ni Ave ang likod ko.
"But you look pale ate, hindi ka pa puwedeng pumasok. Kailangan mo pang magpahinga." Saad niya pa habang alalang alalang nakatingin sa mga mata ko.
Maybe that's the hardest thing about being a college student, may sakit ka na't lahat lahat pero papasok ka pa rin. Kahit panay ang kontra ni Ave ay pinilit ko pa rin itong pumasok, nangako rin ako sa kanya na hindi ako aalis mamaya kapag hindi ko pa talaga kaya.
Ngunit gaano man kasama ng pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring aralin ang presentation namin, sumasakit pa rin ang ulo ko ngunit maayos ko naman itong naiintindihan, kahit nilalagnat ay confident pa rin ako na magiging successful ang presentation namin mamaya.
Pagkatapos aralin ang report ay agad na rin akong nag ayos ng sarili, I choose to wear a brown and white gingham cropped jacket with beige trim. Underneath, was a white fitted top. My bottoms are light brown wide-leg trousers, and I accessorized it with black high-heeled sandals.
Sinadya kong magsuot ng jacket type of top para matakpan ang ilan sa mga pasa ko, nag lagay rin ako ng make up para mabuhay ang aking awra at para presentable akong haharap sa lahat, naalala ko kasi ang sinabi ni Ave na ang putla raw ng mukha ko, sumang-ayon naman ako ron dahil sa nakita ko kanina sa harap ng salamin.
Habang nakatitig sa salamin at tinitignan ang kabuoan ko ay bumalik sa'kin ang nangyari kagabi, hindi ko pa rin alam kung dala lang ba yon ng lagnat o totoong nag hahalucinate ako.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makarating sa building namin kahit mag-isa lang akong bumyahe, naabutan kong abala na ang lahat habang ang ilan naman ay tapos na raw mag present.
"Kanina pa kita hinihintay bruha ka! Kinakabahan ako!" si Mayi yon, halata nga ang kaba sa mukha nito dahil hawak pa nito ang dibdib ng umupo sa tabi ko.
"Mamaya ka na kabahan, panghuli pa tayo." baling ko naman sa kanya at ipinatong ang dalawang siko sa table at hinilot ang sintido.
"Paano mo nagagawang maging kalmado? Nasa loob si Dr. Natasha Elowen Virellan, isa siya sa mga panels, at ang balita ko ay may isa pang guest na nasa loob kaya sobrang kinakabahan ako. Galing pa raw yon sa America." Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, bakit hindi ako na inform?
Dr. Virellan was the dean of AUS and she's also a doctor, she's an obstetrician to be specific, marami rin itong alam tungkol sa mundo ng psychiatry, kaya madalas itong mag panel sa research o kahit anong presentation ng mga nag-aaral sa unibersidad.
Sasagot na sana ako sa sinabi ni Mayi nang bigla kong maramdaman na mas sumakit ang ulo ko. "Ayos ka lang ba? Bakit parang masama ang pakiramdam mo?" usisa ni Xianry nang lumapit ito sa'kin.
"I'm fine, kaya ko naman." pagkukunwari ko, ngunit kung wala lang talagang presentation ngayon ay hindi ako papasok. Mayamaya pa ay biglang hinawakan ni Kent ang nuo ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"You're not feeling well, bakit hindi ka nagsabi? You can ask for consideration, an excuse letter can do." nanatili ang seryoso nitong mukha habang nakatitig sa'kin. "Kaya ka nga mag d-doctor para malaman mong mas importante ang kalusugan kaysa sa ano mang bagay." dagdag pa nito habang ako ay nakatanga lang dahil sa mga sinasabi niya.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Teen FictionRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
