Dumaan ang Linggo at Lunes, hindi ako nakapasok ng isang araw dahil hindi pa ako nakakalakad ng maayos, dalawang araw akong nasa loob lang ng bahay at dalawang araw rin ulit na babad sa pagkain ng bigas.
I am stress. I had nothing to do during the two days of staying indoors, so this was my pastime. My desire to eat grains of rice worsened because there were so many things running through my mind.
Nakakatawa, dahil kung alin pa ang dahilan ng problema ko, yon rin ang nagpapakalma sa'kin, dalawang magkasunod na gabi rin akong puyat dahil sa lalim ng pag-iisip at pag-iyak.
"Dyscalculia refers to difficulties with mathematical calculations, understanding numerical concepts, and problem-solving." I'm currently at school today, sitting in our room, just quietly listening as our professor, talking about learning disorders.
I just listened quietly while seriously writing down some important things he was teaching, mayamaya pa ay bigla na lang may kumatok sa pinto at nakua nito ang atensyon ng buong klase.
"Good Morning sir Castillo" tumango naman ang aming propesor at ikinumpas ang kamay para palapitin ito, tahimik lang akong nagsulat ng kung ano sa notebook habang hinihitay silang matapos na mag-usap.
"Okay class, listen. There will be a blood donation later and it will be held at the multi purpose building, those who are willing to donate just go to MPB." Pag anunsyo nito sa buong klase, hindi ko pa alam kung pupunta ako, bukod sa mukha namang walang interesado sa iba kong mga kaklase ay tinatamad rin naman ako na pumunta sa MPB.
"And the students from Med school will be there to observe, so bring your basic human decency with you, are we clear?" Agad na nagbulungan ang mga kaklase ko dahil don, at ngayon ay mukhang nagbago na ang ihip ng hangin, marami na ang gustong pumunta, malamang hindi para mag donate kundi para lang magpa-cute sa mga med students.
"Yes sir!" Tumango si sir at tumayo na at nagpaalam bago magmartsa paalis ng silid, hindi ko namalayan na tapos na rin pala ang klase namin dahil oras na para mag lunch, agad ko na ring inayos ang mga gamit ko.
"Sef tara! Lunch na tayo nagugutom na'ko." Saad ni Mayi habang nakaupo sa arm chair at hinhintay akong matapos sa pag-aayos ng gamit.
"Palagi ka namang gutom." I tease her.
"You know me so well, kaya bilisan mo na jan." umirap pa ito kunwari bago ako inakbayan at sabay kaming naglakad palabas ng silid.
Nang makarating sa canteen ay agad rin kaming humanap ng bakanting upuan, napansin kong may mga estudyante na hindi pamilyar sa'kin, mga naka kulay pula itong T-shirt na may nakalagay na Logo ng med school, so marami pala silang nag oobserve sa blood donation, dito na rin sila kumain dahil mukha atang maghapon ang program.
Nang makahanap ng dalawang bakanting upuan ay agad rin naming ibinaba ang mga gamit, nagprisinta na rin ako kay Mayi na ako na ang oorder at manatili na lamang siya sa mesa para bantayan ang gamit namin.
Habang nasa pila ay bigla na lang may umakbay sa'kin, agad ko naman itong tinapunan ng tingin at napagtantong si Kien pala 'yon. nakasuot rin siya ng pulang T-shirt, malamng ay kasama siya sa mga nag o-observe sa donation, med student nga rin pala ito.
"Kakain ka na? Sabay ako ah?" His eyes lit up as if begging me to agree.
"Kahit 'di ako pumayag alam ko sasabay ka." Inirapan ko na lng siya at sabay kaming omorder, nauna naman akong magmartsa pabalik sa mesa kung nasan si Mayi.
"Ayos lang ba sa'yo na sasabay sa'ting kumain si Kien?" Baling ko sa kanya, hindi sila masyadong close nung una, pero nagkakausap naman sila dahil nagkakasama kami palagi tuwing uwian, palaging sumasama si Kien sa'kin kaya nakilala na rin siya ng mga kaklase at kaibigan ko.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Teen FictionRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
