"Go Sef! Moon Spikers for the win!" sigaw ni Mayi nang makabalik ako, may hawak pa itong banner na talaga namang pinaghandaan, may litrato ko pa ito na hindi ko alam kung paano niya ko kinuhanan.
"Go! Moon Spikers, hampasin niyo pati mukha ng kalaban!" rinig ko namang sigaw rin si Theo, nanliit pa ang mga mata ko nang makitang may hawak din itong banner.
"Seffies? May fan club na ko? Sino na namang nakaisip niyan?" natatawa kong baling nang maupo sa tabi ni Zack.
"Ako! Ganda di ba? I know right! Ang galing ko talaga!" muling sambit ni Mayi at tumitili pa.
"Kapal! Baka ma distract si Sef sa mukha mo mamaya hindi niya pa mahabol ang bola!" Natawa na lang ako sa baling ni Theo kay Mayi, nagsisimula na namang magbangayan ang dalawa kaya bumaling ako sa katabi ko.
He smiled brightly the moment I turned my gaze to him. "Good luck baby." parang gusto ko na lang matunaw sa kinauupuan ko, tila tinatambol na naman ang dibdib ko dahil sa mga titig niya.
"Baby your face." Saad ko at inirapan siya, pagkatapos ay nag ayos ng knee pads.
"Baby face pala ako?" Mas inilapit pa nito ang mukha sa'kin dahilan para magkalapit ng sobra ang mga mukha namin ng humarap ako sa kanya. My heart skipped a beat for a second.
"Good luck again baby furrowed." he said and slowly give me a kiss on my forehead. Napakurap-kurap na lang ako dahil sa ginawa niya. "i'll cheer for you, play safe okay?" he added and smile.
"T-thank you, I will." ohemjii did I just stuttered?
"Doon nga kayo sa malayo! Naiinggit ako!" pasigaw na saad ni Kyln na ikinagulat ko, napakarami na rin kasing tao at sobrang ingay na sa MPB, pero bakit pakiramdam ko kanina, kami lang dalawa ni Zack ang nandito?
"Good morning once again Aururainians! Volleyball players be ready for the first game! Rising Black Vs. Moon Spikers! The game will begin at exactly eight AM!" pag anunsyo ng MC, ngumiti naman ulit si Zack sa'kin at tumango, pagkatapos ay bumaling na rin ako kay Kyln na ngayon ay hinihintay na akong bumaba sa court.
"Good luck captain! Seffies will cheer for you!" napalingon ako kay Mayi nang marinig ko ang mga salitang yon. Nakakataba ng puso na may mga kaibigan akong katulad nila, palaging nakasuporta. Mas may tiwala pa sila sa kakayahan ko kaysa sa'kin. I smiled and waved my hand at them.
Ilang minuto pa ang lumipas at mas tanaw ko na ang bilang ng tao dahil nasa baba na kami ng court, halos may kanya kanya silang banner na iwinawagayway, iba't ibang pangalan rin ang isinisigaw. Parang tinatambol tuloy ang puso ko.
Bago magsimula ang laro ay luminya muna kami sa tapat ng net, kami sa kabilang parte ng court at ang kalaban naman sa kabila, pagkatapos ay sinabi nilang mag kamay kami bago magsimula ang laro na agad naman naming ginawa.
This is to show the fair and generous behavior or treatment of others, especially in a sports. Hindi lang dapat magaling sa laro, kundi pati na rin sa pagiging patas.
Pagkatapos magkamay at muling banggitin ang rules at proseso ng laro ay agad na rin kaming pumwesto sa bandang likod, ako ang unang mag s-serve at halo-halo ang nararamdaman ko. Marahil ito na ang magiging mga huling palo ko sa bola.
Habang tila tinatambol ang dibdib ay muli akong luminga sa paligid para hanapin ang isang tao, tapagpuan ko siyang hawak na rin ang banner na gawa nina Theo, muntik ko pa itong hindi makilala dahil nakasuot na rin ito ng pulang jersey tulad ng sa team namin. Hindi ko alam kung saan ito galing, pero bagay sa kanya.
"Go Captain! Seffies! Seffies!" sabay sabay nilang sigaw, tuloy ay nakangiti na ako habang muling pinapatalbog ang bola. Let's go Sef! Ipanalo na natin to.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Teen FictionRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
