Today is the third and last day of the charity collab event, nang makita ko ang program na inihabilin sa'kin ni Prof. Castillo ay naramdaman ko agad ang pagod, napakaraming ganap ngayong araw, marami rin ang guests at mayroong mga license and professional doctors, nurses and psychiatrist ang pupunta ngayon sa event.
Kanina ay pinatawag kaming lahat para magkaroon ng meeting, sinabi ng event administrator at ni Prof. Castillo na hindi kami ang magsasagawa ng counseling and check up ngayong araw, but we have the task to assist and observe while everyone is working.
Samantalang ang mga naka assigned na leaders sa bawat area noong nakaraan ang mamamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at tagumpay ng buong event, habang ako naman ang naatasan na manguna sa kanila.
Nakatulala lang ako ngayon sa program na hawak ko, may mga mag p-perform mamaya galing sa iba't ibang department para sa mga guests at para na rin sa mga bata. At ako ang malas na naka assigned para e double check na maayos na ang lahat.
Habang inililibot ko ang paningin ko sa buong lugar ay halos nakakahilo ang laki nito. Silverwood Children's Village is in a peaceful valley. The main building is a lovely, tall building made of warm brown bricks. It looks welcoming. The building is strong and shows that the village cares for children.
The middle part of the building has a pretty white tower that looks like a promise of a good future. The windows are evenly spaced and let in lots of light, showing that each child gets special care.
The building is surrounded by a nice green lawn for playing. Big trees with green leaves are around the building, giving shade and a peaceful feeling. There are white chairs on the lawn for relaxing. The whole place is calm and caring, showing that the village is a safe and loving home for the children.
Napabuntong hininga na lang ako habang minomotevate ang sarili na matatapos din to. Kanina pa ako abala mula sa pag aayos ng stage para sa event, maaga kaming nakarating sa lugar dahil dito na rin kami natulog.
Nang tumawag si Kien kagabi ay pinababalik na pala kami sa orphanage para maghanda papunta rito, kaya hindi pa man ako nakakapagpahinga ay agad na naman kaming bumyahe. Mabuti na lang at nakatulog ako ng kaunti sa biyahe habang nagmamaneho si Kien.
"Kaya pala hindi ako kasama ron sa mga unang event kasi hinahanda ako para dito mamatay." Mayi said as she sit beside me.
"Wag mo akong papaandaran ng mga ganyan mo Mayi, paano pa kaya akong kasama sa lahat ng orphanage mula day one!?" Napayuko na lang ako habang ipinapadyak ang paa, wala pa akong sapat na pahinga at tulog, dumugo na ang ilong ko't lahat lahat, dagdag mo pa ang mga nangyari sa bahay at ang pagbalik ni papa sa buhay ko, nakakabaliw.
"Hoy Mayi tara na! Hindi pa tayo tapos sa inuutos ni Dr. Alvarez." si Xianry yon, kasama siya ni Mayi sa pag a-assist sa mga psychiatrist sa counseling area.
"Dr. Alvarez!? Si Dr. Angelie Fia Alvarez? Nasa counseling area siya? Shit!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahil sa sinabi ni Xianry. Doc Alvarez is one of the youngest psychiatrist in the Philipines, sa AUS rin siya nag aral and I badly want to meet her.
"Oo Sef, napakaputi, sobrang ganda rin ni doc, kaso ang sungit!" pinagkrus pa ni Xia ang mga braso habang nagkukuwento. "Kanina niya pa kami napapagalitan ni Mayi." dagdag pa nito bago umirap.
"Oo nga, ang gandang kampon ng maiitim ang budhi." baling naman ni Mayi na prenteng nakaupo sa tabi ko habang hawak ang ilang records.
"Paanong hindi papagalitan e panay ang tambay niyo? Magsibalik na kaya kayo ron, kayo talagang dalawa!" dinuro ko pa ang dalawa na parang pinagagalitan, ngunit ang totoo ay ganoon talaga si doc Alvarez, she's strict but professional, pero kapag pasyente ang kaharap niya ibang iba ang pakikitungo nito, masasabi mong anghel talaga sa kabaitan. She's a professional and skilled psychiatrist, kung masungit man siya, maybe that's her way of training her people, lalo na ang mga katulad nina Mayi at Xia na gustong pumasok sa same field na gingalawan niya.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Ficção AdolescenteRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
