chapter 20

374 13 1
                                    



"your turn na senju.. Sabi mo ikukwento mo" sabi mo sakanya at tumingin muna ito sayo sabay buka ng bibig.





Flashback..

7 Years ago.

February 14 2005

Senju's POV.

nasa hospital kame pag kadala namin kay y/n punong puno ng dugo ang damit ko dahil kay y/n dugo nya kasi ito dahil na higa sya sakin, lahat kame ay natatakot sa pwedeng mangyari sakanya.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay dumating ang parents ni y/n kaya mas lalo kaming kinabahan kami nalang nila shinichiro ang naroon along with mikey and draken di na nakasama si takemichi dahil ang sabi nya ay pupuntahan nya daw muna si hina.

Lumapit sa pinto ng operating room ang parents ni y/n at sa likod nila ay ang grandparents nito natakot kami nung nakita namin ang galit na galit na mata ng lolo nya at nalungkot naman dahil sa mga luha na pumapatak sa mata ng lola nya.

Alam namin na kasalanan namin ang nangyari pero dahil sinabi na samin ni y/n ang totoo ay lalo pa kaming nag sisi.

"sino sa inyo ang may pakana?" biglang tanong ng lolo nya at sasagot na sana ako at kikimkimin ang nangyari pero biglang nag salita si shinichiro.

"ako po.. Ako ang.... leader nila" sagot nito na ikinagulat ng lolo nya at tumingin lang sya ng mahinahon dito at ramdam na ramdam namin ang kaba at takot ni shinichiro.

"mag usap tayo" sabi nito sakanya at tumingin muna samin si shinichiro at ngumiti sabay lakad nya at sinundan ang lolo ni y/n kinabahan ako dahil baka kung anong gawin ng lolo ni y/n kay shinichiro.

Pag tapos ng ilang minutong pag aantay namin ay dumating ang kuya ni y/n na hingal na hingal at nag tanong nalang walang sumagot samin ni isa kaya napatanong ulit ito hanggang sa sumagot ang papa nito.

Luha at kalungkutan ang bumalot sa akin nung marinig ko ang mga sinabi ng papa nito sakanya dahil alam namin na kasalanan namin iyon, napatayo ako na ikinataka ni draken at mikey.

Lumapit ako sa parents nya at lumuhod sabay tango sakanila na ikinagulat at ikinataka nila "patawad po!! alam kopong kasalanan ko ang nangyari.. hindi kopo hinihingi ang kapatawaran nyo" sabi ko sakanila.

"senju" bulong na tawag ni mikey at draken sa akin.

"pasensya na kung nag kaganito po si y/n dahil sa akin... Akopo ang may kasalanan.. Sana po mapakiusapan nyo ang lolo ni y/n na wag saktan si shinichiro.." sabi ko na parang ikinahiya korin dahil bumalik si shinichiro at ang lolo ni y/n na kalmado lang pero kitang kita ang lungkot sa mata ni shinichiro.

"tumayo kana jan senju" sabi ng kuya ni y/n sabay alalay sakin sa pag tayo, mabait sya kaya mahal na mahal ni y/n ang kuya nya dahil sa pag uugaling meron ito kaya minsan napapaisip ako sana katulad nalang ni haruchiyo yung kuya ni y/n.

habang ganon ang nangyayari ay bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas ang doktor dito kaya tumayo ang lahat at humarap dito "maayos na ang kalagayan nya kailangan nya lang mag pahinga... mag kakaron sana ng problema dahil.. nakukulangan na sya sa dugo pero may isang kaibigan na nag donate ng dugo sakanya hindi sila mag kadugo pero nag donate sya with his own risk so i accept his donation even if he's still a kid but i have a reason why i accept it 'cause he beg and i saw that he's desperate to save your daughters life" paliwanag ng doktor na ikinataka namin.

"donation?" takang tanong ng mama ni y/n at ngumiti ang doktor at tumingin sa kanya.

"ganito ho misis.. 20 percent lang po kasi ang possibilities na mabuhay si y/n kasi nga na kulangan na sya sa dugo pero may isang bata lalaking daw na lumapit sa mga nurse ko and nag prisinta sya na mag dodonate ng blood for y/n kase daw alam nya na nawalan na ng sobra sobrang dugo si y/n so he donate his own blood even if they're not related" paliwanag ulit nya.

I'm yours || mitsuya takashiWhere stories live. Discover now