Chapter 20

734 7 0
                                    

Chapter 20

Miyemara's pov

"Rara hindi ka ba nabibigatan? Ilang weeks nalang manganagnak kana. Wag ka muna kasi mag kilos kilos" kasalukuyan akong inaalalayan ni Rere sa may amusement park.

Doon kami banda sa hindi masyado matao, mahirap na baka may maka bangga sa akin.

"Anong weeks? Days nalang bago ako manganak ano ka ba? Bukas na bukas ay sa hospital nalang din ako, at ikaw ang magbabantay sa akin" sabi ko rito.

"Okay whatever, sasabihan ko nalang rin sila dad" kilala na rin ako ng parents ko. Nag meet kami accidentally.

Accidentally nga ba yon?

Flashback

"Gusto ko to Ra, para sa mga pamangkin ko" agad naman ito nilagay ang mga bagay na yon sa cart na tinutulak nya.

"Rere, ako ang nanay nila at hindi ikaw. Wag mo rin gawing spoiled ang mga anak ko. Baka mamaya eh humingi na ng humingi" parang wala lang iyon sa kanya dahil hindi nya ako pinansin.

Habang nag iikot ikot kami sa department store ay naiihi ako. Dahil na rin sa pagbubuntis.

"Banyo lang ako" paalam ko rito. Tumango naman sya sa akin at sinabing hihintayin nya nalang ako.

Pagkabalik ko ay may kausap na itong dalawang matanda.

Habang papalapit ako ay saka ako nalilinawan sa mga pinag uusapan nila.

"Omg ano ang mga iyan Remire Alexandre Vellius?! Sino ang ama ng batang dinadala mo?! Kaya naman pala ay madalas kang wala sa bahay at kapag sinasabi mo na pupunta ka sa isang party okaya bahay ng kaibigan mo, tuwing tinatawagan namin si Natasha ay hindi naman daw kayo magkasama!! Ngayon nasaan ang boyfriend mo?!" Sabi sa kanya ng isang babae. Hinihingal pa ito matapos sabihin ang mga salitang iyon.

Ngumiwi naman si Rere sa pinagsasabi sa kanya. Napansin kong napaka classy ng babae at elegante ang lalaki.

"Darling, pabayaan mo na ang anak mo, malaki na sya, alam na nya ang ginagawa nya-" binalingan sya ng babae at sinamaan ng tingin.

"At isa ka pa Roniel!! Palagi ka kasing kunsintidor sa anak mo!!" Napakamot naman sa ulo ang lalaki. Si Rere naman ay napalingon sa direksyon ko at nanlalaki ang mga mata.

"Ano kasi mom, ano ba yan!! Rara!!" Tinawag ako nito. Nako mabuti nalang talaga medyo maraming tao ngayon sa mall kundi, agaw attention kami sa mga tao.

Nagsalubong ang kilay ko sa pag tawag nito sa akin.

Gulat na gulat ang mga asawa ng makita ako.

"S-sino ka?" Pagtatanong nito sa akin.

"Nako sa akin po yang mga nakalagay sa cart, hindi po yan pag mamay ari ni Rere kung inaakala nyo" sabay ko sila nginitian.

Napailing iling naman ang kakambal ko.

"Gaga ka talaga, tanga mga magulang natin yan" mahina netong sabi sa akin.

"Ang sabi mo hindi pa nila ako kilala? Hindi ba't ang plano natin ay kapag matapos na ako manganak?" Naguguluhan kong tanong.

Wild And Innocent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon