Chapter 24

642 6 0
                                    

Chapter 24

Miyemara's pov

"C-can I touch them?" Nilingunan ako ni Kielo, bakas pa rin ang mga tuyong luha sa pisngi nito.

Bahagya akong tumango.

Inayos nito ang buhok ni Lansey, pinalandas naman nya ang isang kamay sa pisngi ni Damiel.

Tahimik itong umiiyak.

Matapos sa dalawa ay bumaba ang tingin nito kay Reen.

Lumuhod ito saka rin ito hinawakan.

"Oh god, I have two sons and one daughter. I still can believe it. Good gracious. Thank you, Miyemara" mahina nitong sambit bago ako ulit nilingon.

Nakatayo na ito ngayon.

"Wala ka pa bang balak umuwi?" Pagtatanong ko sa kanya ng maka upo na sya ulit sa upuan.

"Baka magalit ang girlfriend mo" dugtong ko pa.

"It's already 1 a.m. Miyemara" paalala nito sa akin.

Ano naman pinapahiwatig nya? Dito sya matutulog ganon ba?

"So? Anong gagawin mo nyan? Don't tell me you will sleep here?" Pagtatanong ko rito.

"Well kung papayag ka" napamaang ako sa sagot nya.

Hindi talaga sya nagdalawang isip na sagutin ang tanong ko.

"Hindi ba magagalit si Gi-Jane?"

"Bakit naman sya magagalit? Hindi nya naman alam" natahimik kami saglit.

"May balak ka bang ipaalam ito sa kanya?" Tanong ko. Naka ready na rin ako sa sagot nya.

"Yeah, after all she's my fiancé, we will get married few months later. I'm sure tatanggapin nya naman ang tatlo. We can make an agreement. Hatiin natin ang araw ng tat-" I cut him off.

"What do you mean? Anong hahatiin? Walang hahatiin Kielo, call me selfish but no. I can't let you do that to our children" nababaliw na ba sya?

Balak nyang ipakilala sa future asawa nya ang mga anak namin?

At ano? Sya ang kikilalanin nitong nanay?

Tapos ako? Hihintayin ko lang silang umuwi rito sa akin?

The fuck, you can call me a super duper over acting or such, but can you blame me?

That's my children, I am their mom.

"May karapatan rin ako Mara, anak ko rin sila, bakit ba hindi mo nalang kasi noon sinabi agad?" Bakit ba paulit ulit sya?

"Sinagot ko na yang huling tanong ko kanina hindi ba? Iniwan mo ako ng araw na sasabihin ko na dapat sa iyo. Ni hindi mo nga lang narinig ang bawat paliwanag ko. Yung mga pictures? Kilala mo ba kung sino nagpapadala noon sayo? Si Rere ang iba doon hindi ba? Sigurado akong alam mo na ang iba doon ngayon. Ang iba ay naka edit lang na ako yon. Pero wala, hindi ka manlang nakinig sa magiging paliwanag ko" pinipigilan ko ang luha na tutulo sa aking mata pero hindi ako nagtagumpay.

"Pagkawala mo, ilang buwan lang ang lumipas si nanay naman ang kinuha. Sabay kasi kayo noong nawala ni Gia, na sya rin palang si Jane. Hindi ko alam kung niloloko nyo ba ako non o ano-"

"Jane was always there for me, she always comforted me, whenever ang sad and broke. I'm just very thankful that she was always there for me" napatango nalang ako sa sagot nya.

"About the pictures. I'm so sorry if I blame you that time. I'm just really really mad and I can't stop myself from my emotions. Pero wag kang mag alala, pinapatawad na kita sa lahat, Mara. Totoo man o hindi ang mga nakita ko noon, pinapatawad pa rin kita. Pero please, hayaan mo akong makasama ang mga anak ko"

"Sige, hahanap ako ng tyempo Kielo, ayaw ko silang biglain. Kung dito ka pala matutulog. Doon ka muna sa kwarto ng mga bata. Dito nalang muna siguro sila, aayusin ko lang. Gigisingin ko nalang rin muna ang baby sitter nila. Sige na, matulog kana" iniwan ko na ito saka na ako dumiretso sa sala.

"Ate" gising ko rito. Kalaunan ay agad itong nagising.

"Ate pakibaba nga ho si Lansey, tabi tabi nalang kami dito. Doon ka muna sa room ko. Salamat sa pagbabantay sa kanila, at pasensya na" sa una ay ayaw nito matulog sa kwarto ko pero di rin tumagal ay pumayag rin ito.

Magkakatabi kami ng tatlo sa sala, nagdadal muna ako bago matulog.

"Mommy, may handsome na akyat house sa kwarto namin nila kuya!!" Nagising ako ng alug alugin ako ni Lansey hawak ang barbie doll nya.

"Mom, who is he? What is he doing here? I'm sure you invited him here. Am I right?" Nakita ko naman si Damiel na simpleng naka upo sa sofa, hawak nito ang libro nya.

Si Kielo, nandoon pala sya sa kwarto ng tatlo.

Tumayo ako para puntahan na ang ama nila.

Pero nagulantang ako nang makitang nandoon pala si Reen. Nakaupo ito sa tyan ng ama nya at tila pinagmamasdan ang muka nito.

"Reen, come here. Baka magising sya" pinagalitan ko ang anak ko.

Ngumuso naman sya bago lumapit sa akin.

"Sino sya mom?" Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya saka na ako nagluto ng agahan.

Panigurado kasi ay tulog pa rin ang baby sitter nila ngayon, napuyat siguro.

"What do you guys want for breakfast?" Tanong ko sa tatlo.

Presenteng nakaupo sila sa stool, mabuti nga at hindi sila nalalaglag.

Apat na upuan ang nandoon.

"Omelette" Damiel

"Pancakes!!" Lansey

"Noodles with cabbage mom!!" Reen

Sinunod ko ang mga gusto nila.

Nang matapos ay pinaghanda ko na sila ng kakainin.

"Careful anak ha? Hot pa yan" tumango naman sila.

"Mom, yung lalaki na nasa kwarto po namin kanina. He's our daddy right?" Napatingin ako kay Reen nang magsalita ito.

Kilala nila ang tatay nila, siguro namukhaan nila.

Wala namang mangyayari kung ide deny ko.

"Yes, he's your daddy" simple kong sagot.

"See? I told you kasi kuya sya daddy natin eh, he looked so dashing handsome kahit early pa lang kaya ng morning!!" Sinubuan ko sya ang pancake na my strawberry syrup.

Kahit kailan ang daldal.

"Why don't you wake him up mom? I'm sure he's hungry too, kahit tulog pa sya" tahimik na kumakain si Damiel ng sabihin nya yon.

Napabuntong hininga muna ako bago sundin ang sinabi ng anak ko.

Nakabukas naman ang pinto kaya agad ako nakapasok.

Naabutan ko itong tulog.

Lumapit ako sa kanya at ginising.

"Kielo gising, breakfast is ready kanina pa, sabi ng mga anak mo gising ko na daw ang daddy nila"

Wild And Innocent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon