Chapter 30

706 9 0
                                    

Chapter 30

Miyemara's pov

"Hey, kanina mo pa ako hindi pinapansin. May problema ba? Honey" nakatalikod ako kay Kielo na nakahiga sa kama.

Ano sasabihin ko nalang sa kanya na buntis ako? Hindi pa pwede, busy pa sya sa ibang bagay. Baka rin magulat sya.

Nanatili akong tahimik, tinanong nya pa ako ng kung ano ano pero ni isa wala akong sinagot.

Hindi pa ako handang sabihin sa kanya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa nasusuka ako at sumasakit ang ulo ko.

Morning sickness nga naman.

"Hey. Napapansin ko lang Mara, this past few days palagi kang ganyan. Ayos ka lang ba?" Tinatali nito ang buhok ko saka inaalo.

Habang nagsusuka ako sa toilet bowl dito sa banyo.

"I-I'm fine" nagsalubong saglit ang dalawang kilay nya bago tumango.

Inalalayan nya ako papunta sa kama naming dalawa. Suddenly, I want pickles and ice cream.

"Kielo" tawag ko sakanya nang mapansing parang matutulog na sya.

Liningon nya ako.

"Yes?" Tanong nya.

"I want pickles and avocado ice cream  right now" bahagya itong nagulat sa sinabi ko pero kalaunan ay bumangon na rin.

Sinuot nya lang ang t-shirt nya. Lumapit ito sa akin.

"Okay, wait me here hmm? I'll buy you anything that you want" hinalikan muna ako nito sa noo bago na lumabas ng kwarto.

Pagkaalis nya ay napaisip ako sa mga sinabi nito sa akin, nakaraan.

Tungkol kay Gia.

Bakit naman nya gagawin yon kay nanay? Kahit na wala naman kasalanan sakanya ang nanay ko?

Sa pagkakaalam ko at pagkakaintindi, ang tatay nya ang may hindi makatanggap sa mga pangyayari.

Ano ba talagang reason mo Gia? Ano ba talagang gusto mong mangyari?

Gusto mo rin ba si Kielo? Kaya ba palagi ka lumalapit sa kanya tuwing magkakasama tayo?

Napahilamos ako sa mukha sa mga naiisip ko.

Bumaba nalang din ako para maghanda ng agahan. Malapit na ang bakasyon ng tatlo. Ililipat ko nalang sila dito sa Pilipinas.

"Good morning sister!!" Medyo nagulat ako sa ingay na narinig ko banda sa sala.

Nandoon si Rere kasama si Vanni sa likod nya na naka busangot pa ang mukha.

"Sister ang tagal mo bumisita sa bahay nila mommy ha" hinalikan ako nito sa pisngi saka binaba ang bitbit na paper bag sa dining table.

"Nagbabantay ako dito sa tatlo. Umalis ang baby sitter nila remember? Kumain na ba kayo? Hintayin nyo na ito, dito na kayo mag umagahan" yaya ko sa kanila habang naghuhugad ng kamay.

"Wow naman Ra, wife material yarn?" Natawa pa sya sa kagagahan nya. Nginusuan ko naman sya.

"Nguso nguso mo dyan? Hoy babaitang frog, ang swerte swerte mo sa asawa mo-" pinutol ko sya.

"Hindi ko pa sya asawa!!" Giit ko.

Nagkatinginan naman ang dalawa.

"Hindi pa? So may balak" tumango tango pa sya.

Nainis ako sa dalawa kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ko.

Nang matapos ay naabutan ko ang dalawa sa sala. May pinapanood sa netflix.

Naghanda nalang ako ng makakain namin pati ng mga bata sa lamesa saka na sila tinawag.

"Girl magaling ka pala magluto" sinamaan ko ng tingin si Vanni na agad agad nilalaklak ang soup nya.

"Gaga, ang excited mo, tatawagin ko lang mga pamangkin ko ha" paalam nito sa akin kaya marahan akong tumango.

"Honey!!" Narinig ko ang pamilyar na boses, si Kielo.

May hawak hawak itong plastic, naka jersey shorts lang ito at white shirt pero ang lakas ng dating.

Medyo nagulat pa sya ng makitang nandito si Vanni.

Pagkalapit at ninakawan ako nito ng halik sa labi. Sinamaan ko ito ng tingin kaya napatawa sya.

"Here's your ice cream and pickles" nang ningning ang mga mata ko sa sinabi nya, inabot ko ang hawak nitong plastic.

Nasa loob noon ang isang galon ng avocado ice cream at jar ng pickles.

Binalingan ko sya ng tingin at ngumiti. I mouthed thank you.

Nagsandok na ako ng ice cream sa tasa, saka isinawsaw ang pickles.

Nakalimutan kong nandito pala si Vanni, inalok ko sya pero he refused.

Binigyan nya rin ako ng weird na tingin.

Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay di ko namalayan na nandito na pala ang mga anak ko.

"What's that mommy?" Tanong ni Lansey na gulo gulo pa ang buhok.

"It's obviously ice cream and pickles, loser" nakita ko namang bumusangot ang mukha ni Lansey sa sinabi ni Reen.

Napailing nalang ako sa kakulitan nila.

Si Kielo na ang nag asikaso sa kanila, dito na rin kumain ang dalawa.

Nagkw kwentuhan sila at paminsan minsan ay sumasagot rin ako.

"Kadiri nga unang kita ko dyan kay Remire sa may club pa yon sa bgc ha? May kahalikang lalaki jusko" parang nandidiring sabi pa ni Vanni.

"Excuse me,magaling ako humalik!!" Kontra naman ng isa.

Tinaasan naman sya ng kilay ni Vanni.

"Oh talaga ba? Ni hindi ka nga makasabay sa labi ko non!!" Bahagya akong nagulat sa sinabi nito.

"Shut up!! You moaned my name Siovanni!!" What the heck? Naghalikan na sila?!

Akala ko ba bakla yang si Siovanni?

"Uhm, I think we should eat atleast at peace" singit ni Kielo.

Mukha namang hindi makapaniwala ang dalawa na nadito sila sa bahay namin ay nagsisigawam sila.

Sabay silang yumuko at napansin ko ang pamumula nila.

Kami naman ni Kielo ang nagkatinginan. The side of his lips curved.

Parang alam nya rin ang nasa isip ko.

"Dada Van, nag kiss po kayo ni auntie Re?" Tanong ni lansey habang iniipitan sya ni Kielo.

"H-hindi baby" sagot naman ni Rere.

Ayan ha? Pagtulungan nyo pa akong dalawa kanina.

Nilingon ko si Vanni. Bakla daw? I smirked, mukhang naguguluhan pa rin sya until now sa pagkato nya.

Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa umalis ang dalawa. Mag gagabi na rin nang umalis sila.

Agad rin naman kasi sila nag ayos kanina.

Habang inaayos ko ang punda ng kama ay biglang pumasok si Kielo.

"Mara, what's this?" Agad ko naman tinignan ang tinatanong nya.

Paramg tumigil ang mundo ko nang makita kung ano iyon.

My pregnancy test.

"Uhm" hindi ako makapagsalita, hindi ko alam paano ko sisimulan.

Nanatili itong nakatitig sa akin.

Hinihintay ang sagot ko, bahagya akong napayuko saka kinalikot ang mga daliri ko.

"I'm pregnant"

Wild And Innocent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon