Chapter 21
Miyemara's pov
"Mommy saan po tayo pupunta?" Tanong sa akin ng anak kong si Reen.
Ang gitna sa kanilang tatlo.
Itinigil ko muna ang pagsuklay sa buhok ni Lansey saka dumiretso sa kanya upang ayusin ang damit nito.
"Pupunta tayo kila lola, baby. So hurry up, malapit na ang flight" tumango naman ito bago kinuha ang bag nya at binitbit.
Sunod namang lumapit sa akin si Damiel.
"How many days we will stay there mom?" Tanong nito sa akin.
Sya ang panganay ko, masungit sya at hindi palasalita. Minsan lang rin ngumiti.
Pagkadating namin sa airport ay dumiretso na kami sa departure.
"Okay fine...... Ofcourse I do.... Hmm....sure...... Okay wait me there...... I love you too, Jane" natabig ako ng lalaking may kausap sa cellphone.
"Sorry" nasabi ko nalang at hinatak na ang mga anak ko.
"Dada Van!!" Sinalubong kami ni Vanni sa NAIA.
"Na miss kita baby girl" ginulo nila ang buhok ng anak ko saka kinarga.
"Hello boys" pagpansin nito sa mga anak ko.
"Hi po dada Van!" Ngumiti naman si Reen dito habang si Damiel ay tinanguan lang ito.
Binalingan ako nito ng tingin.
"Long time no see, Mara" kinindatan pa ako nito kaya sinapak ko ng mahina ang braso nya.
"Sira"
Binitbit nito ang aming mga bagahe at sumakay na kami sa dala nyang kotse.
Ilang taon ang nakalipas ay si Vanni ang naging bestfriend ko. May mga inamin rin ito sa akin sa mga nagdaang taon.
"Saan tayo?" Pagtatanong nya ng maayos na kami sa kotse.
Nasa likod ang tatlo at magkatabi kaming dalawa.
"Sa bahay Vanni. Miss ka na ni Rere" napangisi ako sa sinabi ko.
Bumusangot ang mukha nya.
"No way!! Kadiri ka Mara!! Naiirita nitong sabi.
Napatawa naman ako sa reaction nya.
Isa rin ito sa inamin nya sa akin.
Vanni is gay, at sinubukan nya itong pigilan. Sinubukan nyang ibaling ang atensyon sa mga babae. At ako ang napili nya.
Pero wala talaga, hindi nya rin natiis at umamin sya sa akin.
Ang buong akala nya ay magagalit o kaya naman ay hindi ko na sya gugustuhin pang maging kaibigan dahil sa mga sinabi nito.
"Mom!! Nandito na sila Rara!!" Nakakabinging tili ni Rere sa may pinto ng bahay.
Tumakbo ito palapit sa amin at hinagkan isa isa ang mga anak ko. Muntik pa itong matapilok sa mga pinag gagawa nya.
Nakasuot ito ng isang red fitted mini dress at red high heels. Nakalugay na rin ang kulot at mahaba na nitong buhok.
"Tss" napaungot si Damiel ng dumikit sa pisngi nya ang labi ni Rere.
Umirap naman ito."Ra!! Bakit ang arte ng anak mo?" Hinatak nya na ang dalawa kong anak sa loob, ako naman at hinawakan si Damiel sa kamay.
"Anak!! Nako kamusta kana?! Miss na miss na kita, haynako bakit kasi ang tagal nyo dumating. Osya halika na kain na tayo!" Magiliw na sabi ni mom pagkapasok namin sa loob.
"Damiel son" pagtawag ni dad sa panganay ko.
Lumapit naman ito at kumandong sa lolo nya.
"How are you grandpa?" Pagkausap nito sa lolo.
Napatawa naman si dad dahil sa pagka pormal ng anak ko.
Triplets sila pero iba iba ang ugali.
Si Dhalansey na puro laro lang at palangiti.
Si Denereen na sobrang kulit at kahit ang bata bata pa ay ang dami na nitong crush. Mahilig rin ito manga prank ng mga kapatid nya.
At ang huli ay si Damiel na sobrang seryoso at masungit. Lahat ng bagay bagay ay lagi nitong sineseryoso.
Pero kahit iba iba ang ugali ng mga ito ay magkakasundo silang lahat.
At iyon ang pinaka kinatutuwa ko bilang ina nila. Kahit kailan ay hindi nila ako sinusuway.
"Anak bukas pala kailangan nating umattend sa dinner ng bagong business partner ko" nilingon ko si dad na nagsalita.
Sumubo muna ako saka ito linunok bago ako magsalita.
"Okay dad, pero kailangan ko agad makauwi, ayoko malayo ng matagal sa mga anak ko" tumango naman sya sa sinabi ko.
Kinabukasan ay nag mall kami ng mga anak ko. Mabuti nalang talaga ay hindi sila pasaway. Dahil kung pasaway talaga sila, nako siguradong sigurado ako wala na sila sa tabi ko ngayon.
"Saan nyo gusto kumain?" Pagkausap ko sa mga ito.
Hawak ko sa magkabilang kamay si Lansey at Reen. Si Damiel naman ay nakahawak sa isang kamay ni Lansey.
"Jollibee mom" - Damiel.
"No, I want mcdo kuya" pag kontra naman ni Lansey.
"Sorry but, shakey's please?" Bahagya akong nag isip sa sinabi ng tatlo.
Ito ang hirap sa amin, hindi namin alam kung saan kami kakain.
Nakauwi na rin sila ng Pilipinas kaya alam nila ang mga restaurant na iyon.
Kaya ang ginagawa ko nalang ay pinagliliwas liwas ko sila.
"Dhalansey, palagi tayo nakakapag mcdo sa canada. Denereen, palagi tayo nag oorder ng pizza at palagi ring sa shakey's. So Damiel? Jollibee then" tinungo namin ang jollibee at nagsimula na ako mag order.
Pinaupo ko na ang tatlo.
Matapos ako mag order ay binalikan ko na sila. Hinintay nalang namin ang pagkain.
Habang hinahanda ko ang kakain nila ay may napansin akong babae na may kasamang lalaki.
And to my surprise it's Gia. With her boyfriend I guess?
Grabe naman kasi sila, sobrang dikit na.
Nakayakap ang isang braso ni Gia sa lalaki at ang lalaki ay naka akbay sa kanya.
Simula ng iniwan ako ni Kielo, sya ring pagwala nya.
Naalala ko ang sinabi nya sa akin na may sakit raw ang nanay nito.
"Mom, are you alright?" Nginitian ko si Damiel sa tinanong nya at tumango.
Kamusta na kaya ang tatay nila? Maayos lang ba sya? Siguro ay may asawa at anak na rin sya.
Ayos lang naman iyon sa akin. Sa totoo lang ay kilala ng tatlo ang tatay nila.
Pinakita ko kasi ang picture nito sa tatlo.
Magkakamukha ang triplets pero dahil sa ugali ay makikila mo ang kung sino ang sino.
"I think I saw our dad mom" nilingon ko naman si Reen na may hawak na fries at kinakain iyon.
"What? Where?" Tanong ko naman.
"Kanina lang po, dumaan kasi sila"
BINABASA MO ANG
Wild And Innocent (COMPLETED)
RomanceThe story between Miyemara Alexa Flores and Kielo Laveion Mercedez WAI WARNING!! MATURE STORY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!! DATE STARTED: 01/12/22 DATE ENDED: 04/29/22 Author C: This is my first time writing a mature content story, please bare wi...