Chapter 18

690 7 0
                                    

Chapter 18

Miyemara's pov

May nakasulat na,

"To Rara"

Napakunot ako ng noo. Sino si Rara?

Binasa ko ang liham.

Anak Miyemara, marahil ay wala na ako nang mabasa mo ang sulat na ito.

Pasrnsya kana kung agad kitang iniwan ha? Hindi ko nalang kasi talaga kaya ang mga dinaranas ko ngayon kahit na ikaw ang pahinga ko.

Isinulat ko ang liham na ito para makapag paalam sayo ng maayos, at para na rin sa katotohanan.

Sapat na siguro ang ilang taon kang nawala'y sa tunay mong pamilya. Ako ng bestfriend ng mama mo. Ibinilin ka nya saakin ng may nangyaring hindi maganda nang 3rd birthday nyo.

Itinakas kita sa lugar na iyon. At nakakatuwa na makita kitang nagiging masaya sa bago mong buhay.

Gusto ko lang sabihin na, totoo na minahal kita bilang anak ko, na kahit ang totoo ay hindi ka nang galing sa akin.

Pasensya kana rin kung nagsinungaling ako sayo dati na talagang sa bar ako nagta trabaho noon pa man.

Nagkakilala kami ng mama mo noong college kami, ang course ng mama mo ay architecture, samantalang culinary ako. Hindi talaga kami magkaklase, schoolmates lang.

Hanggang sa makatapos ay naging ninang nyo ako sa binyag nyo.

Anak Miyemara, hindi rin totoong may diabetes ang nanay, pasensya kana kung iyon ang pinaniwala ko sa iyo.

May nagpadala kasi sa akin ng sulat na kung hindi ko sya mababayaran ay ikaw ang kukunin nitong kapalit.

Ang nakita mong bakla noon na kasama ki sa hospital. Sya ang may kagagawan nito. Sakanya ako nagkautang ng malaking halaga simula ng dumating ka sa akin.

Kahit magkautang ako sa kanya ay ayos lang, basta't kasama kita, siniaigurado ko ring palagi kang safe sa tabi ko.

Hinding hindi ko mappatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sayo anak ko.

Mahal na mahal kita.

Ikaw si Ramira Alexandra Vellius.

Puntahan mo nalang ang adress na ito, dito nakatira si Cathy na talagang nanay mo. Hindi ko lang alam kung nandito pa rin sila.

Mahal na mahal kita anak ko, sana mapatawad mo pa ako. Mag iingat ka palagi, paalam.

Nagmamahal,
Nanay

Napalakas lalo ang iyak ko nang mabasa ko ang nakasulat na liham.

Kahit na nakabigti na si nanay at wala ng buhay at tinignan ko ito.

Wild And Innocent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon