Chapter 26
Miyemara's pov
"What?" Ayan lang ang nasabi ko sa mga salitang lumabas sa bibig nya kanina.
"I love you" tinigyan ko ito. Nanatili pa rin akong tahimik. Hindi ko alam ano ang ire react ko sa mga sinabi nya.
Ikakasal na sya pero sinabi nyang mahal nya pa ako? Eh kung ganon bakit pa sya magpapakasal sa iba?
Hindi naman sa umaasa ako pero parang ganon ang pagkakaintindi ko.
Lumipas ang ilang minuto ay napansin kong hindi na ito gumagalaw sa likod ko. Tanging maliliit na paghilik nalang ang naririnig ko.
Tulog.
Napailing nalang ako at tinanggal ang brasong naka dantay sa akin. Kinumutan ko sya ng maayos at inayos ang pagkakahiga nya saka na ako nagtungo sa kusina.
Uminom ako ng malamig na tubig saka napaupo.
Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang numero ng baby sitter ng tatlo.
"Napatawag po kayo ma'am?" Naririnig ko pa ang ingay na parang nagtatakbuhan sa kabilang linya.
"Nasaan po ang tatlo ate?" Pagtatanong ko rito habang pinaglalaruan ang bibig ng tasa.
"Lansey, tawagin mo ang mga kuya mo, tumatawag si mommy nyo" sabi nito.
"Kuya!! Nag call si pretty mommy ko!!" Sigaw ni Lansey.
"Hey babies" bati ko sakanila. Magpapaalam muna ako sakanila na dito muna ako sa tatay nila.
Baka kasi hintayin nanaman nila ako at mag puyat nanaman sila.
"Hey mom, why did you call?" Si Damiel.
"I just want to tell you na baka bukas pa makauwi si mommy okay? I'm here at your daddy's home. Promise uuwi na kami bukas dyan. Wait us okay? Matulog na kayo nyan. I love you all, my babies" sabi ko sakanila.
"We love you too din mommy, pati na rin si dad" singit ni Reen.
Pinatay na nila ang tawag kaya napahinga ako ng maluwag. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Kielo kanina.
Seryoso ba sya?
Pero ang sabi sa akin ni Kalea ay halos magda dalawang taon na sila ni Gia.
Baka naman dahil may sakit lang sya hindi ba? Kasi kung nasa tamang pag iisip pa sya ay hinding hindi nya naman sasabihin yon.
Halos sambahin nya nga si Gia tuwing binibigkas nito ang pangalan nya.
Hindi ko alam pero naka ramdam ako ng inggit at inis.
Kung hindi ba ako umalis non ako pa rin ba ang pipiliin nya?
Stop being stupid Ramira, bakit naman nya gagawin yon? Sa dami ba naman ng lalaking kasama mo noon sa mga pictures kahit na hindi naman talaga ikaw hindi ba?
Napatawa ako ng mahina. Bakit ba napaka mapaghinala ni Kielo? Wala ba syang tiwala sa akin?
Oh baka naman hindi naman talaga nya ako mahal. Baka na challenge lang talaga sya sa akin dahil hindi ko agad sya sinagot dati noong nanliligaw pa sya?
Hindi ko alam ano ang iisipin ko, nababaliw na yata ako. Bakit pa kasi lumabas ang mga salitang iyon sa bibig nya?
Nakalimutan na ba nyang may girlfriend na sya? Oo nga at may mga anak kaming dalawa pero sana naman ilugar nya na ang sarili nya.
Kahit pa man noon kapag magkakasama kaming dalawa at mga bata ay napapansin ko ang pag hawak hawak nito sa akin.
Maging ang pag halik nito sa noo at pisngi ko kada aalis sya, o kaya naman ay uuwi na.
Flashback
"What are you cooking hmm?" Nabitawan ko ang hawak na sandok nang may nagsalita sa likuran ko.
"A-ah, sinigang. S-sige dun kana, baka hanapin ka ng mga bata" itinaas ko pa ang apron ko saka pinunasan ang mga namumuong pawis sa aking noo.
Itinaas ko rin ang buhok ko, kahit na maikli palang ito ay mainit pa rin
"Where's your hair tie?" Tanong nito sa likod ko. Sya na ngayon ang naka hawak sa buhok ko at inipon.
"Eto" kinuha ko sa bulsa ng apron ang hair tie saka binigay sa kanya.
"Wag kang malikot" sabi nito. Naplunok naman ako bago sundin ang sinabi nya.
Naramdaman ko nanaman ang balat nya na dumantay sa balat ko. Parang nakuryente ako bigla. Palagi naman, tuwing nagdidikit kami.
Nagulat ako ng itaas nya ang damit nya at pinunasan ang mga pawis ko.
"There, balik na ako doon" huling sabi nya pagkatapos ako halikan sa pisngi.
End of flashback
Ano ba talagang nangyayari Kielo?
Bakit ka nagbibigay ng mga halo halong emosyon?
Ang hirap nyang intindihin sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano ba kami?
Di ko namalayan ay nakatulog na pla ako kanina, nagising nalang ako nasa kama na ako.
May parang umupo sa kama kaya nanatili akong naka pikit.
"Someday sasabihin ko rin sayo ang lahat, Mara" parang gumalaw ang kama saka ko naramdaman ang malambot na bagay sa labi ko.
Nakarinig ako ng isang mahinang halakhak.
"Alam ko magagalit ka kapag nalaman mong nagkunwari lang ako na may sakit, thank you for the hot compress anyway. And also, for sure magagalit ka rin dahil palagi kitang hinahalikan tuwing tulog ka" naramdaman ko ang kamay nito sa buhok ko.
"Just few more days honey, few more days" naging tahimik na ang paligid kaya napabangon na ako.
Anong malalaman ko?
Teka, hinahalikan nya ako tuwing tulog ako? So hindi pala panaginip yung mga nararamdaman kong ganon?
Isa pa nagkunwari syang may sakit. Nainis ako bigla.
Paano na yung mga anak ko? Pumunta punta pa naman ako dito tapos wala naman pala talaga syang sakit.
At hot compress pala ha? Humanda ka sa akin bukas.
Pero kung kokomprontahin ko naman ito bukas, ede malalaman nya na narinig ko sya ngayon?
Uminit ang pisngi ko, hindi nta pwedeng malaman na alam ko na, na hinahalikan nya ako habang tulog.
Kielo, Kielo, Kielo ano ba talagang pinapahiwatig mo? At kailan ba ang panahon na sinasabi mo? Naguguluhan na ako.
Nagtalukbong nalang ako sa kumot saka pagilid na nahiga, naisip ko kung bakit nagkunwaring may sakit si Kielo kanina at kung bakit ako ang tinwagan nya at hindi ang girlfriend nya.
That's cheating. Kissing another girl while taken na sya. Hindi man lang ba sya naku konsensya?
BINABASA MO ANG
Wild And Innocent (COMPLETED)
RomanceThe story between Miyemara Alexa Flores and Kielo Laveion Mercedez WAI WARNING!! MATURE STORY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!! DATE STARTED: 01/12/22 DATE ENDED: 04/29/22 Author C: This is my first time writing a mature content story, please bare wi...