chapter 2

2.7K 86 19
                                        

Habang nakasakay ako sa taxi napa isip ako kong bakit ganon nalang ang trato sakin ni uncle? Eh sa pagkakaalam ko wala naman akong kasalanan sakanya eh hindi kaya.....

Nasisilawan na siya sa ganda ko kaya niya na ako pinapaalis? Aba sino ba naman ang di masisilawan sa ganda ko HAHAHA sa ganda ko ba naman masasabi ko talagang mag lalaway ka. Ganyan talaga siguro pag matandang lalaking pangit tsaka malaki ang ilong ano? Masungit.


"HAHAHAH"

para akong baliw na tumatawa dito sa luob ng taxi kaya di na ako nag taka kong bakit biglang napatingin sakin si manong driver sa salamin.

"Ineng baka hindi kapa kumakain ah, may pandesal ako dito oh, sayo nalabg nalang"

sabay abot sakin ni manong driver ng paper bag na sure akong ang laman ay pandesal, hindi niya naman sigurong iniisip na baliw ako dba? Oh di kaya iniisip niyang wala pa akong kain kaya tumatawa akong mag-isa.

"Manong salamat nalang ho, pero dyan nalang po ako sa tapat ng university kakain. At tsaka po uhmmm... Hindi pa po ako nababaliw"

Sagot ko habang nakakamot sa ulo, kahit sino naman talaga iisipin kang baliw kong tumatawa kang mag isa tapos walang dalang cellphone dba?

"Nako anak sayo na yan para naman makasave ka sa baon mo sobra kasi yung nabili ko kaya sayo na yan"

Nakangiti niyang sabi

"At tsaka kanina iniisip ko talagang nababaliw ka na HAHAHA pero na realize ko na baka wala ka pang kain kaya ka nagkaganyan kaya binigay ko HAHAHAH" nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi

"Oy manong, hindi ako baliw ah! Ikaw talaga manong " natatawa kong sabi

" Nah, I'm just kidding kid pansin ko kasi kanina parang pasan mo lahat ng problema sa mundo kaya pinapatawa lang kita" sabi niya at tsaka ngumiti sakin sa salamin 

Napangiti naman ako saking narinig

"Taray mo naman manong meh pa English pang nalalaman pwedi po ba paturo? HAHAHAH" nakakaaliw din naman palang kausap si manong driver ansaya siguro niyang maging ama.

"Oh hija, andito na tayo"

"Eto ho manong " sabay abot ng bayad

"Maraming salamat po!"
Sigaw ko habang tumatakbo dahil late nako ng 40 minutes nako naman di pako nakapag almusal mamaya nalang siguro.

"Chandra hintay!"
Napatigil ako sa pag lalakat at hinanap ko kong sino ang tumawag ng pangalan ko, ang bruha ko lang naman palang kaibigan ang tumawag, akala ko yung mga babaeng ipinanganak ata na maging isang clown sa university na'to. Alam niyo yong clown? Yung sobrang kapal na ng mga make up sa mukha hindi naman gumaganda hahahaha

"Chandra ano yang tinawatawa mo dyan? Alam mo nababaliw kana ata eh"

nakangiwing sabi sakin ng kaibigan ko, ewan ko ba kong bakit sakin pa sya nakipag kaibigan eh mayaman sya at tsaka anak ng principal dito pero pinili niya paring kaibiganin ang isang tulad ko na mahirap at laging binubully.

"GOODMORNING BRUHAAA!" bati ko lang sa kanya tsaka nag simula ng tumakbo, eh lagpas 40 minutes na kaming late tas mag u-usap pa kami? Hell no,
Mamaya na siguro pag lunch time.

"Chandara Lauren Diaz Eliroi! Madaya ka hintayin moko!" Tumatakbo niya ring sigaw, edi huminto ako alangan namang hindi ako hihinto eh na sa tapat nako ng classroom namin.

"Chandra ampanget mo talagang ka bonding" sabi niya habang nakahawak sa dawalang tuhod niya halatang kakagaling lang namin sa takbo, hindi ko nalang sya pinansin at tumingin sa teacher naming pinaglihi ata sa mangga ang asim ng ugali eh! Pati narin mukha HAHAHAH

Loving A Monster Where stories live. Discover now