Chapter 31

437 9 9
                                    

Hi guys! I am really sorry na super duper late na ng updates ko pero babawi akooo

Enjoy reading!!



"Salamat po manong!"

Pagkatapos kong magpasalamat ke manong dali dali akong bumaba sa taxi at nagsimulang tumakbo patungo sa aming silid ng biglang....

"Puta naman oh!" Singhal ko sa taong nakabangga sakin ng hindi timitingin sa kanya dahil busy ako sa pag linis ng mukha kong natapunan ng milktea.


"Ayan malandi kasi kinarma tuloy"- asungot number 1

"Deserve"- asungot number 2

Putik naman oh! kung kailan ako nag mamadali..

"Pwedi ba? Sa susun-" hindi ko na natapos ang dapat ko sanang sasabihin ng makita kung sino ang lalaking nabangga ko or yung naka bunggo ay basta...

"S-Sorry po, s-sorry po talaga" natatarantang aniya ng lalaking nakabang sakin habang inaalis ang mga pearl sa katawan ko


Oo pearl talaga tawag ko dyan bakit?


"Ayan malandi ka kasi " sabi ng babaeng pinaglihi siguro sa hilaw na mangga kaya ang asim ng ugali.

"Eh kung malandi ako ano naman connect no'n sa hindi mo pag tingin sa daan?"

"Tsk, bitch sa tingin mo ba matapang ka na niyan? Balita ko.... Magkasama kayo kagabi ni Denmar sa isang private na restaurant"


Nak naman ng daga 'tong babaeng to
oh!

At saang damo niya naman kaya yun nakuha? Talaga ngang namang may pakpak ang mga balita no?.


"Eh?"

"At first hindi ako naniniwala sa mga-"

At dahil sa pagod nakong makinig sa mga pinagsasabi nila at nag mamadali ako dahil ma l-late na naman ako, ay pinutol ko na ang kanyang dapat sabihin.


"Paki hanap nalang ng pake ko salamat"

Sabi ko at nagmamadaling umalis dahil ma l-late na ako.

Sa totoo lang nakakapagod na yung araw2 may galit sayong tao hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko, siguro pinanganak silang may malaking galit sa puso.


Nakakapagod pumasok tapos araw-araw may masasabi sila sayo, araw-araw may nakakasagutan, at araw-araw din akong napapagod.



Kung iniisip niyong okay lang sakin ang gantohin ako pwes mali yang nasa isip niyo, kung iniisip niyo na palaban naman ako kaya okay lang. Mali kayo, never itong naging okay sakin.


I was once a loving and a kind person na kahit tapunan ako ng cake sa mukha, hindi ako lumalaban dahil sa ayaw kong makasakit ng tao, na kahit na saktan nila ako ng pa ulit-ulit hindi ako lalaban.

Lahat ng yun ay nagbago simula ng napagod ako kakatakbo at iiyak nalang sa madilim na lugar.

"Chandra madame ang aga mo ngayon ah" sarcastic na aniya nang kaibagan kong chaka...


"Oo nga eh nakakahiya naman sa inyo late kayo" sabi ko sa kanya at tumawa kaming dalawa papasok sa aming silid.

"Oy! May narinig akong balita ah chaka ka di mo ako sinama"
nagtatampong aniya.


"Anong balita?" Nagtataka kong tanong


"Ano nag ano kayo ni ano sa ano" Natatawang sabi niya.

Loving A Monster Where stories live. Discover now