Napatingin ulit siya saking mga hita ng may biglang nag salita mula saking likoran
"What are you looking at Old Man?" Matigas at pagalit na bigkas ng taong nasa aking likuran.
Biglang napaangat ng tingin ang lalaki at nabigla sa kanyang nakita
Hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman kong sino ang taong nagsalita. Hinawakan niya ako sa bewang habang tinititigan si kuya guard.
"S-sir G-good evening p-pasok po kayo" natatarantang sagot ni manong guard na ngayon ay nakayuko na lamang na.
Hindi na namin siya pinansin pa at pumasok na ng tuluyan. napatingin ako sa magkahawak naming kamay, alam kong nararamdaman niya na ang aking kaba dahil sa lamig ng aking mga kamay.
" Hey pretty, don't be scared okay? Andito lang ako sa tabi mo kaya chin up pretty, hayaan mo silang makita kong gaano ka kaganda " Aniya.
"Thank you" Nakangiting sagot ko.
"Tara na, hinihintay na nila tayo"
Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi at umakyat kami sa ikalawang palapag.
Malayo pa lang kami ay nakita ko na kaagad ang lamesa na sobrang haba sa tingin ko kasya ang 15 ka tao. Hindi ko na kailangan pang hanapin ang kanyang pamilya. Lumapit kami sa isang mesa kong saan may mga tao. May dalawang babae at isang lalaki at sa gilid nito ay isang bata, sa gitna ng mesa ay may isang ginang na sa isang tingin mo palang kakabahan kana sa kanyang mga titig, she looks so Fabulous in her red long gown
( Author's note.
Huhu pasensya po kong hindi ako marunong mag describe ng kanilang mga suot kayo nalang po ang bahala )
"Owh! They're here! " Excited na sumalubong sa amin ang babaeng parang nasa midst of 20's pa lang, lumapit ito samin
Ngumiti ako sakanila kahit na kinakabahan ako, nakita ko kong paano naglakbay ang kanilang mga mata mula saking mukha patungo sa kong saan nakalagay ang kamay ni Denmar, hindi niya oarin ito tinatanggal.
Tumayo iyong babaeng sumalubong samin kanina.
"Hi! I'm Athena" nakangiting pagpapakilala niya
"I'm Chandra" casual na sagot ko na parang hindi kinakabahan.
"Yes, I know palagi kang kinukwento sakin ng pinsan ko" nakangiting aniya.
Akala ko maldita ang isang 'to hindi naman pala, maganda ang hugis ng kanyang mga mata at bumagay sa kanya ang bilog na kulay asol na mata, matangkad si Athena kasing taas ko lang, maganda tingnan ang kanyang maalon na mahabang buhok.
"Athena let them sit first" singit ng babaeng sa tingin ko ay ang asawa ng lalaking nasa kanyang gilid na may katabing bata.
Napa pout na lamang si Athena sa kanyang narining. Ang cute niya tingnan masaya sigurong kasama itong si Athena.
Bago kami umupo ay nilapitan muna ni Denmar ang Ginang at hinalikan sa pisnge, umupo kami sa bandang kanan ng kanyang ginang at kaharap namin ngayon si Athena at ang isang babae at isang lalaki.
"Chandra right? I'm Sophia you can call me ate Sophia, and this is my husband Wendyll and that's our son Jemwel"
Nakangiting pagpapakilala sakin ni ate sophia habang naka lahad ang kamay inabot ko naman ito ng may ngiti sa labi at nakipagkamay ngumiti lang sakin ang kanyang asawa dahil busy ito sa pagpapakain sa kanilang anak na lalaki.
"Can we all start eating na? Because I'm so gutom" mataray na aniya ni Athena nabigla naman ako sa kanyang pag c-conyo pero bumagay ito sa kanya.
"Oh god Athena! you're so annoying wag ka ngang mag conyo" -Sophia.
YOU ARE READING
Loving A Monster
RomanceCHANDRA LAUREN DIAZ ELIROI Sa storyang ito ay may isang babaeng hindi mo masasabing payapa ang kanyang pamumuhay siya ay nabuhay sa kasinungalingan, at maraming pagsubok ang kanyang nalagpasan. Until she met Denmar Ruiz, a billionaire and a monster...