Lumipas ang dalawang buwan na wala akong ibang ginawa kundi mag aral ng mag-aral.
Simula nuong nangyari ang pagsasagotan namin ni David dati ay hindi ko na siya nakita pa, ang balita ko ay bumagsak ang kanilang Company.
Nalaman ko rin na umalis yung magkakapatid na may-ari ng University dahil may inaasikaso ito sa bansang Mexico nalaman ko rin na may lahi pala silang tatlo.
Hindi naman mahirap sabihin na may lahi silang tatlo sa kanilang mga mukha pa lang naman makikita mo na talagang may lahi sila.
At nalaman ko rin ke Briana na ang isa sa kanila na nag ngangalang Nathan ay isang womanizer, yun daw yung chismis pero kahit pa man ganyan ang ugali nito siya pa rin ang gusto ni Briana, marami ang takot sa kanya dahil iba pag ginalit mo ang isang Nathan
At ang isa naman sa kanila na si Evo ito ang pinakamakulit sa kanilang tatlo spoiled ito sa kanyang mga kuya dahil bunso, at isa rin siyang Varsity player dito dati kaya lang hindi na namin alam kong ano ang nangyari kasi nga diba umalis sila ng pilipinas at ngayon lang sila nakabalik dito.
At ang alam naman ni Briana na ang isa naman na ang pangalan ay Godfrey ay mas nakakatakot kong magalit ito, tahimik lang siya.
Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang saktan ang isa sa kanyang mga kapatid, tahimik lang ito pero pag ginalit mo sya mas gustohin mo nalang hindi mabuhay, siya ang panganay sa kanilang tatlo at nalaman ko rin na siya ang pinakamayaman sa kanilang tatlo.
Maramibg nagtataka kong bakit ito umulit ng pag-aaral, dahil walang hindi matalino sa kanilng magkakapatid lahat sila ay mataas ang marka sa paaralan, ang sabi naman ng iba ay baka hindi ito nagpatuloy ng pag-aaral sa Australia.
At sa dalawang buwan na iyon ay walang araw na hindi ko nakakasama si Denmar, palagi niya akong tinutulongan sa paaralan minsan nga tinuturoan niya ako ng mga lessons na hindi ko na-iintindihan.
Kailangan ko makapasa dahil isa akong Grade 12 studend, Graduating na ako kaya nakaka-pressure and at the same time exciting.
Sa luob ng dalawang buwan everyday pumupunta saking bahay si Denmar siya na rin palaging nag luluto at nag liligpit ng kalat sa bahay para kaming mag-asawa.
Minsan nga tinanong ako ni Manang kong may asawa na ba raw ako kasi palagi niya ng nakikita saking bahay si Denmar, hindi naman halata na hindi siya chismosa.
Palagi rin kaming sabay tuwing papasok sa pa-aralan at palagi niya rin akong hinahatid.
Kompleto na rin lahat ng gamit ko sa bahay na siya naman ang bumili sinabi ko sa kanyang wag na pero palagi siyang nag i-insist.
Sa luob ng dalawang buwan ay mas nakilala ko siya, madami kaming napag usapan kagaya ng kong paano siya naging isang sikat na Billionaire.
Studyante pa pala siya ay naging isang sikat na model na siya hindi naman siya mahirap tanggapin as a model dahil everybody describe him as a Goddess pag dating sa mukha pero sa ugali naman daw ay demonyo ito.
(Sights) chismis nga naman.
Nalaman ko rin na ng malaman niyang namatay ang kanyang papa ay tumigil siya sa pag-aaral, hindi niya matanggap na wala na ang kanyang ama, close sila ng kanyang ama kahit busy ang kanyang ama ay gumagawa ito ng paraan maksama lang sya, nong nalaman niya rin na sa kanya ipinamana ang lahat ng ari-arian ng kanyang ama ay nagulat ito. at first nahirapn siyang i handle lahat ng business niya pero kalaunan ay nagawa niya naman ito ng maayos at pinaalis ang mga taong traydor sa kanyang kumpanya.
Sobrang daming nangyari sa luob ng dalawang buwan na kasama ko si Denmar, hindi siya tumigil kakaligaw sakin at ramdam ko naman ang kanyang pagmamahal.
Natatakot na rin ako saking sarili dahil palagi na akong ngumingiti kahit nagkakape dahil siya yung naiisip ko, hindi naman siguro ako baliw ano? Kasi gusto kong isawsaw sa mainit na kape ang kanyang pandesal.
YOU ARE READING
Loving A Monster
RomanceCHANDRA LAUREN DIAZ ELIROI Sa storyang ito ay may isang babaeng hindi mo masasabing payapa ang kanyang pamumuhay siya ay nabuhay sa kasinungalingan, at maraming pagsubok ang kanyang nalagpasan. Until she met Denmar Ruiz, a billionaire and a monster...