Chapter 15

1.5K 57 5
                                    

Habang naglalakad ako sa pasilyo hindi pa man ako nakarating sa classroom ay may biglang tumawag sakin.


"Chandra?"

Nilingon ko ang tumawag saking pangalan, at ng nakita ko sya ay parang gusto kong isampal sa kanya itong hawak ko na laptop kaso sayang naman baka mabasag pa ito ng bonggang bongga sa sobrang kapal ng kanyang pagmumukha.

I look at him with no expression.


"Akala ko hindi mo na ako papansinin." Nakangiting saad niya hindi ako sumagot at hinintay ang iba pa niyang sasabihin.

"Uh ano... I just wanted to say sorry for what happened" nakayukong sambit niya.

" Kalimutan mo na ang nangyari nuon David napatawad na kita , napahiya na ako at kong ano paman yung ginawa nila dahil sa ginawa mo sakin, kaya kalimutan mo na yun"

Sagot ko at tsaka tinalikuran ko na sya dahil baka kong magtagal pa ako ay hindi ko mapigilan ang aking sarili at ma hampas ko 'tong mga dala ko.


" Gusto kong bumawi sayo Chandra aakyat ulit ako ng ligaw sana ay pag bigyan mo akong bumawi sayo."

Napahinto at nanindigan lahat ng balahibo saking katawan sa kanyang sinabi.

Ang kapal naman ng pagmumukha
Ng unggoy na 'to.

Nilingon ko sya at sinabing...

"Ang kapal naman pala ng mukha mo ano? Singkapal ng hawak kong P.E book " naiirita kong sambit.

" Please give me another chance Chandra nagawa ko lang naman yun dahil, dahil...."

"Dahil ano?! Dahal isa kang lalaking uhaw na uhaw sa babae?! Hindi porque Varsity player ka at sikat sa paaralan na'to ay makukuha mo na lahat ng babae dito sa mundo " naiirita kong sambit.

" Kong sana sinagot mo lang ako hindi naman yun mangyayari" hindi ako makapaniwala sa kanyang paninisi sakin

Ang kapal talaga!.

" Alam mo kong bakit hindi kita sinagot nuon? Yun ay dahil isa kang juice mother!"

" Juice mother? " Nagtataka niyang tanong

"Oo juice mother as in Pu Tang Ina " sagot ko sa kanya.

Nakita ko kong paano sya nagalit.

" Akala mo naman kong sino kang magand- "

"Oh edi inamin mo ring maganda ako bye ka na nga!" Putol ko sa kanyang sinabi

" Akala mo talaga kong sino ka eh katawan lang naman talaga yung habol ko say-"

Omyghad

Nalaglag ang aking mga gamit sa sobrang bigla ng may biglang sumontok ke David.

Nabigla rin ang mga taong kanina pa pala nakapaligid samin.

"Omyghad ang baby David ko kawawa naman"

"Omyghad! Sinuntok ni Nathan si David! I need to tell this to the principal"

"Wag ka ngang papansin hindi mo ba nakikita na ang may-ari ng skwelahan ang nanuntok"

"Tinulongan niya si Chandra baka nakipag balikan si David ke Chandra"

"Yang babaeng yan talaga ang landi kahapon si Godfrey tapos nakita ko pa siya kanin may kasamang ibang lalaki yung billionaire na sikat "

Loving A Monster Where stories live. Discover now