Prologue

3.5K 155 48
                                    

Ano nga kaya ang gagawin mo kung ang mga isinusulat mo sa isang blankong libro ay natuklasan mo na nagiging totoo?

Minsan ko nang naitanong sa sarili ko 'yan. Coincidence? Siguro. Hindi ko alam. Hindi naman ako naniniwala.

Hindi, hanggang sa isang araw, may nakita akong isang kumikinang na bagay sa eskinita na lagi kong binabagtas pauwi. May dumaang batang babae na tingin ko ay nasa pitong taong gulang pa lamang na akmang matatapakan ito. Patakbo akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat upang mapigilan at sinabing may matatapakan siyang isang importanteng bagay. Kunot noo niya akong tiningan at gano'n din ako sa kanya.

Nakapagtatakang hindi nito kasama ang mga magulang niya gayong alas otso na ng gabi. Higit sa lahat, bakit nang hinawakan ko ang balikat niya ay hindi ito basa pati din ang damit niya. Ang lakas kaya ng buhos ng ulan at saka isa pa, wala siyang payong kaya't imposibleng hindi siya mababasa. Ako nga, basa na kahit na nakapayong pa.

Luminga-linga ako sa paligid.

Mula pagpasok ko sa eskinitang ito, wala ng ibang tao akong nakita maliban sa kanya. May kalakihan ang espasyo ng eskinita kaya naman dinaraanan din ito ng mga sasakyan at hindi pa nangyaring nawalan ng taong dumaraan dito. Nawala rin ang limang dalaga na masayang nagkwe-kwentuhan sa likod ko kanina pati na rin ang matandang nakisabay sa akin pagpasok dito.

Nasaan na sila? Unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Natuon sa atensyon ko sa kanya nang nagsalita siya na wala naman daw siyang ibang bagay na nakita sa paligid maliban sa mga basurahan na nasa gilid.

Pinulot ko ang bagay na nakitang kong kumikinang kanina na isa palang libro. Kapansin-pansin ang kulay ginto na disenyo sa apat na sulok ng gilid nito. Mababakas ang kalumaan nito sa amoy at mismong kulay. Makapal ito pero ang nakapagtataka, hindi naman ito ganoon kabigat, 'di tulad ng nasa isip ko. Sa totoo lang, parang isang manipis na notebook lamang katumbas ng bigat nito. Binuklat ko ito at laking pagtataka ko nang makita ko na wala man lang itong sulat ni isa sa loob. Wala din namang nakasulat sa labas kung ano ang pamagat at kung sino ang nagmamay-ari.

Ibinaba ko ang tingin ko upang makita ang batang kausap ko kanina pero bigla siyang nawala. Muli kong ibinaling ang tingin sa hawak kong libro. Noong una, 'yung batang kausap ko kanina ang hindi basa, ngayon naman, pati itong libro hindi rin basa.

—————- —- —————-

AzileM's Note: Hi! This is my first story here so feel free to correct me if there's something wrong. Thank you for reading. I hope you enjoy it. Again, arigatooo~

"Plagiarism is a crime." Maikling paalala para sa lahat.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon