Kabanata 2

71 6 12
                                    

Kabanata 2


"Ikinagagalak kitang makilala, Binibini." saad niya sa'kin habang nakangiti. Napaiwas ako ng tingin at yumuko nang bahagya.

"G-ganoon din ho ako, Ginoo." sagot ko habang nakapako ang aking tingin sa suot kong sapin sa paa.

"Pagpasensiyahan mo na siya Kuya Samuel, may pagkamahiyain talaga ang kaibigan kong ito." pagbasak ni Binibining Solana sa katahimikan at ikinawit ang kaniyang kamay sa aking braso.

"Maiwan ka na namin Kuya, ipapakilala ko lamang siya kay Ina." patuloy niya bago niya ako hinila pabalik sa kanilang mansion. Ni hindi ko na rin nagawa pang balingan si Ginoong Samuel ng tingin.

"Palakaibigan talaga ang aking Kuya Samuel kaya't huwag kang mabibigla sa kaniyang ginagawa." bulong niya sa'kin habang nakangiti nang malapad.

"Subalit mabait at may mabuting puso naman ang aking kuya. Batid kong madali mo lang din siyang makakasundo." patuloy niya habang hindi pa rin nawawala ang kaniyang ngiti.

Hindi na lamang ako nakaimik sa kaniyang sinabi. Kahit pa na palakaibigan si Ginoong Samuel ay hindi pa rin maisasantabi ang katotohanan sa antas na kinabibilangan naming dalawa.

"Maupo ka muna Binibini, tatawagin ko lang si Ina." wika niya habang nakangiti. Napatango ako at ngumiti pabalik sa kaniya. "Maraming Salamat Binibini." tugon ko bago dahang-dahang napaupo sa mahabang upuan nila sa kanilang sala.

Makinis ang sandalan at ang hawakan nito at malambot din ang kanilang upuan. Inabala ko ang aking sarili na pagmasdan ang mga larawan nilang nakapatong sa lamesa. Agaw-pansin din ang malalaking kwadrong larawang guhit nilang magpapamilya. Kapansin-pansin din ang mga medalyang nakasabit at mga tropeyo sa ilalim nito.

Napatigil ako sa pagmamasid nang mahagip ng aking paningin ang larawan ng isang lalaking umupo katapat ng inuupuan kong silya.

"Nagkakilala na ba tayo Binibini?" tanong niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya at napakunot ng noo. Nahihiwagaan ako sa mga salitang binibitawan ni Ginoong Samuel.

"N-nagkakilala na ho ba talaga tayo, Ginoo?" balik kong tanong sa kaniya habang nagtataka akong nakatingin sa kaniya. Pilit kong hinahagilap sa'king isipan kung nagkakilala na ba kaming dalawa dati pa.

Napangiti siya at napasandal sa upuan ng kanilang silya. "Hindi ko akalain na tanong din ang ibabato mo sa'kin." saad niya at napaiwas ng tingin sa'kin.

Akmang sasagot ako nang biglang dumating si Binibining Solana kasama ang kaniyang Ina. Agad akong napatayo at yumuko nang bahagya.

"Magandang araw ho." bati ko at ngumiti sa kaniya nang tipid. Mestisa at maaamo ang postura ng kaniyang ina, wari'y nasa edad limampu na siya subalit kapansin-pansin pa rin ang kakaiba niyang ganda. Makinis pa rin ang kaniyang mga balat at may maaamong mga mata. Aking napansin rin na malaki ang pagkakahawig ni Solana sa kaniyang ina.

"Magandang araw rin saiyo, hija.." tugon niya at ngumiti nang matamis sa'kin bagay na ikinatalon ng aking puso dahil sa hindi maipaliwanag na saya.

"Ina siya ang sinasabi ko sa'yong aking kaibigan nakilala ko siya sa kumbento." saad ni Solana at magiliw akong nginitian. "Eliana po ang kaniyang ngalan at siya'y kasalukuyang naninilbihan sa pamilya Villaflores." patuloy niya.

Lumapit sa'kin ang kaniyang ina at hinawi nito ang aking mahabang buhok. Tila mababakas sa mukha niya ang pagiging busilak, ni hindi ko ito nakitaan nang anumang masamang kutob.

"Ang batid ko sa una na ikaw ay isa rin nilang anak." wika nito dahilan upang ako'y mapamangha nang bahagya. "Wala sa iyong tindig na isa kang soltera, sapagkat ikaw ay marilag na binibini.." patuloy niya, napangiti ako nang matamis dahil sa tinuran niya. Hindi rin mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Solana. "Maraming Salamat po, Doña?-"

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon