Kabanata 7
"Saan ka nagtungo?" Napasinghap ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa tinig ni Ginoong Lazaro. Napagtagumpayan kong maibigay ang liham na pinaabot ni Binibining Miranda. May katirikan na ang araw nang makauwi ako pabalik.
"A-ako lamang po'y nagtungo sa aklatan" tugon ko habang kinukurot-kurot ang aking kamay. Kalmado lamang siya at seryosong napatango nang dahan-dahan. Magara ang kasuotan niya na tila may mahalaga siyang lakad.
"Ikaw ay hinahanap ni ama" wika niya dahilan upang mapapikit ako ng dalawang beses. "A-ako po Ginoo?" taka kong tanong at napahawak sa aking dibdib. Ang batid ko'y kasama ko si Binibining Miranda na tutungo sa opisina ni Don Alonzo.
Napatango si Ginoong Lazaro at nilagay niya ang dalawang kamay nito sa bulsa ng kaniyang pang-ibaba. "Ikaw ay humayo na sapagkat kanina ka pa niya hinihintay." saad niya. Napatango ako at yumuko nang bahagya. "Maraming Salamat ho." saad ko at nagsimulang maglakad paalis patungo sa opisina ni Don Alonzo.
Kumatok ako ng tatlong beses sa opisina ni Don Alonzo bago ito dahan-dahang binuksan. Nadatnan ko siyang nagsusulat sa isang kapirasong papel. Bumabati sa buong opisina niya ang lamig ng simoy ng hangin. Bilang ko sa aking sarili kung ilang beses akong nakapanhik dito sa opisina ni Don Alonzo, madalas ay hindi ako napapalagay, tanging si Manang Lita at Linda lamang nakakapanhik dito upang maglinis.
"Magandang araw po Don Alonzo, ako raw po'y inyong pinapatawag" wika ko at bahagyang yumuko. Napaangat ang ulo niya dahil sa aking presensiya. "Ikaw ay maupo muna" tugon niya at binalik muli ang kaniyang tuon sa pagsusulat. Napatango ako at dahan-dahang naupo sa silya katapat ng lamesa niya.
Punong-puno ng mga papel ang lamesa ni Don Alonzo, tila nababakas ang pagkaaligaga at seryoso niya sa kaniyang trabaho. Dati nang pumasok sa pagiging kanang kamay ng Mayor si Don Alonzo, ngunit hindi rin siya nagtagal doon sapagkat mas bingyang pansin niya ang hacienda at ang pagmamanipula ng mga papeles para sa pagbebenta ng lupa.
"Kagabi'y humingi sa akin ng pabor si Miranda" panimula niya. "Hiniling niya sa akin na ikaw ay sumama sa pagdiriwang mamayang gabi sa mansion ng Delos Santos" patuloy niya. Bahagya nanlaki ang aking mga mata dahil sa mga sunod-sunod na sinaad niya.
Nais akong isama ni Binibining Miranda sa pagdiriwang?
Napatikhim ako. "T-talaga po Don Alonzo, Iyon po ang kaniyang tinuran?" tanong ko habang nakahawak ang aking kamay sa silya na aking inuupan. Siya'y tumango at napasandal sa kaniyang upuan.
"Minsan lamang kung siya'y humiling sa'min at wala namang hindi magandang dahilan upang tutulan namin iyon" paliwanag niya. Napalunok ako at sandaling nagnilay. Hindi ko lubos akalain na nais akong isama ni Binibining Miranda sa pagdiriwang.
"Maaari ka nang humayo" muli niyang tugon. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang yumukod. "Maraming salamat po." wika ko at inihakbang ang aking mga paa paalis ng kaniyang opisina.
Pagkasara ko ng pinto ay napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko mapaliwanag ang aking nadarama ngayon. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ni Bininining Miranda sa'kin, kung palaging may pagdiriwang ay hindi niya ako inaalok na ako'y sumama, ngunit ngayon ay kakaiba.
"ELIANA pagmasdan mo ang aking kasuotan ito'y ayos lamang ba sa akin?" tanong ni Binibining Miranda habang nakaharap ito sa salamin. Ternong kulay-rosas ang suot niyang baro't saya at halos mapapikit ako ng aking mata dahil sa kintab ng mga malilit na perlas nito. Ito'y kanyang tinernuhan din ng kulay-rosas na abaniko at nakapusod ang kaniyang buhok at kulay itim naman ang ipit niya.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Ficción histórica"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...