Kabanata 18

30 6 0
                                    

Kabanata 18



"Binibini, ito ho ba ang hinahanap niyong libro?" tanong ko kay Binibining Miranda habang narito kami sa pamilihan ng silid aklatan.

Napailing siya. "Hindi iyan Eliana, ang pagkakatanda ko ay kulay itim iyon at may kagaspangan ang ibabaw," saad niya habang patuloy na hinahanap ang libro.

Napatango ako at ibinalik ang libro sa lagayan non. "Ano ho bang mayroon sa librong iyon Binibini?" tanong ko. Napangiti siya bago tumugon. "Mga tula iyon tungkol sa pag-ibig, maniwala ka man o sa hindi si Kuya Lazaro ang awtor ng mga koleksyon na iyon," wika niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya at napangiti.

"Totoo po ba iyon?" tanong ko dahil sa pagkabigla. "Oo  Eliana, totoo iyon, marahil ay kilala mo si Ate Susmitha iyung minsang nakausap ko noon sa kumbento isa siya sa naging paksa ni kuya Lazaro sa kaniyang mga tula," paliwanag niya habang nakatingin pa rin sa mga libro.


"Si ate Susmitha kase ay ang dating kasintahan ni kuya at mayroon siyang kaalaman pagdating sa medisina," patuloy niya. Napatango-tango at napangiti na lamang ako dahil sa mga ibinahagi niya sa'kin.

Ilang sandali pa'y napatingin ako sa bulwagan ng pinto nang maaninag kong may paparating doon. Agad akong napaiwas ng tingin at muling nabuhay ang aking kaba nang makita ko si Don Roman.

Nanatili lamang akong nakatitig sa mga libro na tila ba hindi ko napansin ang kaniyang presensiya.

"Don Roman!"

Napatingin ako kay Binibining Miranda nang  bahagya siyang sumigaw at nagtungo kay Don Roman. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit halos mapatigil ako nang pumasok din sa bulwagan si Samuel habang mayroon siyang dala-dalang bulaklak.

Sandali akong napatigil nang magtama ang aming mga mata ngunit napaiwas din ako kaagad at nagpatuloy na maglakad patungo sa likod ni Binibining Miranda.

"Naparito ho kayo Don Roman," wika ni Binibining Miranda at bahagyang yumuko sa kaniya.

"Naparito kami dahil kukunin namin ang aklat na ipinahanap namin, ikaw bakit ka naparito hija kasama mo ba ang iyong ama't ina?" mahinahong wika niya.

Napailing si Binibining Miranda. "Hindi ko ho sila kasama tanging si Eliana na aming soltera lamang ho ang aking kasama," tugon ni Binibining Miranda.

Napatingin ako kay Don Roman at napayuko sa kaniya. Nakita ko rin ang kakaibang titig niya sa'kin  na para bang pinapaalala niya ang aming naging usapan namin dati.

"Ganon ba, nga pala kasama ko ang aking anak na si Samuel," napalunok ako nang bigla niyang iniharap si Samuel kay Binibining Miranda at nakita kong tumagos ang tingin niya patungo sa'kin.

"Magandang Umaga Ginoong Samuel," bati sa kaniya ni Binibining Miranda. Napangiti nang tipid si Samuel. "M-magandang umaga rin Binibining Miranda," tugon niya at umiwas ng tingin.

Napatikhim si Don Roman. "Para kanina ba ang bulaklak na iyong hawak Samuel, marahil ay para iyan kay Binibining Miranda hindi ba?" halos maotoridad na wika ni Don Roman bago siya tumingin kay Samuel bago napatingin kay Binibining Miranda.

Napailing si Samuel sa kaniyang ama at akmang magsasalita ito nang pangunahan siyang muli ni Don Roman. "Marahil ay nahihiya lamang ang aking anak sa iyo Binibining Miranda, ngunit huwag kang mag-alala higit pa sa mga bulaklak na iyan ang iyong matatanggap sa oras na magkasundo na kami ng iyong ama," saad niya dahilan para mapangiti nang malapad si Binibining Miranda.

Habang pinasadahan ako ng tingin ni Don Roman. "Bueno maiwan ka na muna rito Samuel ako na lamang ang mananatili sa loob," usisa muli niya at naglakad paalis.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon