Kabanata 12

40 5 0
                                    

Kabanata 12



"Magandang araw ho Binibining Miranda" bati ko nang makita ko siyang papalapit sa hapag. Matiwasay na ngumiti siya sa'kin. "Kumusta na po ang iyong lagay? Nabanggit ho kase sa'kin ni Manang Linda na hindi mabuting ang iyong pakiramdam kanina. Paumanhin din ho at wala ako kanina para matignan kayo, " patuloy ko habang pinag-atras siya ng upuan.

"Walang problema iyon para sa'kin Eliana, ayos na ang aking pakiramdam. Marahil ay napagod lamang ako sa aking pagbuburda kanina," sambit niya at ngumiti.

Napangiti ako at napatango. "Mabuti ho kung ganon Binibini,  sa totoo po nag-aalala din po ako sa inyo," sambit ko habang nakatingin ako sa kaniya. Napangiti siya bago tumugon.

"Talaga ba Eliana?" Taka niyang tanong at nagsalin ng tubig sa kaniyang baso. Napatango ako "Opo Binibining Miranda ang akala ko nga po malala na ang iyong pakiramdam." sambit ko at ngumiti muli.

"Tila kakaiba yata ang iyong ngiti ngayon Eliana?" pansin niya sa'kin. Bahagyang nanlaki ang aking mata at napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Ako lamang po'y masaya sapagkat mabuti po ang inyong lagay," sambit ko habang inabot ko kay Manang Lita ang bagong sandok na kanin.

Napatango-tango si Binibining Miranda at uminom siya ng tubig. "Saan ka nga pala nagtungo kanina sapagkat ikaw ay aking hinahanap?" Muli niyang tanong habang dinadausdos niya  ang kaniyang daliri sa baso.

"Pasensiya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Nagtungo po kami ni Manang Lita sa pamilihan" sambit ko.

"Kung gayo'y si Manang Lita lang ang iyong kasama?" Muli niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata. Nagdadalawang isip ako kung nararapat ko bang sabihin sa kaniya na nakasama ko si Ginoong Samuel kanina.

Minsan lamang naging matanong si Binibining Miranda tungkol sa'kin. Batid ko'y kuryosidad lamang ang kaniyang pangunahing rason sa tuwing siya'y nagtatanong sa'kin ng mga bagay-bagay.

Ngunit may parte sa aking damdamin na natatakot ako sapagkat sa oras na sinabi kong kasama ko si Ginoong Samuel maaaring magtampo siya sa'kin . Sapagkat nababatid ko na malaki ang kaniyang pagkagusto kay Ginoong Samuel.

"K-kami lang pong dalawa ni Manang Lita B-binibini," sambit ko habang palihim na napakagat sa aking labi. Patawad Binibining Miranda kung nagawa kong magsinungaling sa iyo. Iniisip ko lamang ang iyong mararamdaman.

"Mas makabubuti sana kung ako'y iyong isinama nang makapagliwaliw ako sa pamilihan," sambit niya habang bahagyang nakangiti.

Napayuko ako ng aking ulo "Sa susunod ho ay isasama kita Binibining Miranda," wika ko at ngumiti sa kaniya para mabawasan ang anumang alinlangan niya. Lalo pa't napapansin kong iba ang kaniyang reaksyon at timpla kanina.

"Maiiwan ko muna ho kayo rito sa hapag," paalam ko sa kaniya at yumuko. Ngunit hindi pa man ako nakaalis nang mapatigil ako dahil sa kaniyang sinabi.

"Eliana batid mo naman ang mga bagay na gusto ko hindi ba? At batid mong handa rin iyong maibigay sa'kin," wika niya at tumingin sa'kin. "Dahil wala pang mga bagay na hindi ko kayang makuha," napangiti ako nang tipid at napatango sa kaniya.

"A-alam ko ho ang bagay na iyan," saad ko bago naglakad paalis. Agaran akong nagtungo sa kusina at hindi ko na nagawa pang lingunin si Binibining Miranda. Hindi ko batid kung bakit nakararamdam ako ng kakaiba sa aking dibdib.








MALALIM na ang gabi at kasalukuyan na akong nakatihaya sa katre. Hindi ko batid kung bakit hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. Napatitig ako sa lamparang nasa aking tabi malapit na  maubos  ang langis nito wari'y nakikiusap  sana'y patayin na ang aandap-andap na ilaw nito.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon