Rebelasyon
MIRANDAWalang humpay ang pagtulo ng aking luha kasabay nang pagbagsak ng ulan. Naghihinagpis ako dahil sa lubusang hinanakit at paninibugho. Hindi ko batid kung bakit hindi ako magawang mahalin ni Samuel?
Ako ang kaniyang kasama ngunit iba ang hinahanap ng kaniyang mga mata. Batid ko na sa una pa lamang si Eliana na ang nagpapatibok ng puso niya ngunit ako ay umaasa at nababakasaling maibaling niya ang pagtingin sa'kin.
Namumugto ang aking mga mata habang aking tinitignan ang repleksiyon ko sa salamin. Nagawa kong linlangin sa una si Eliana ngunit hindi ko batid kung bakit patuloy pa rin akong nasasaktan. Sinambit ko sa kaniya na kami'y mag-iisang dibdib ni Samuel para tuluyan niya itong lisanin.
Subalit sa kabila ng aking mga ninanais ay hirap akong makamtam ang aking nais. Sariwa sa aking isipan na sa tuwing ako'y tumutungo sa mansyon ng Delos Santos ay iba ang baling ng kaniyang mga mata. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay batid kong hinahanap niya ang presensiya ni Eliana.
Mas lumaki ang aking paghihinagpis at pagtatangis nang kausapin ako ni Donya Esmeralda sa kanilang tahanan. Pinapanhik niya ako sa kanilang silid at pinaupo sa kaniyang katre. Lumapit siya sa akin habang may magandang ngiti na nakasilay sa kaniyang mga labi.
Nang mga panahong iyon ay nakaramdam ako ng saya sa aking puso dahil aking hinala na maganda ang iuulat niya sa akin. Ngunit sa kabila ng aking pagnanais ay ang muli kong pagkauwi sa kalungkutan.
"Kaya ikaw ay aking pinapanhik sa aming tahanan ay upang ikaw ay aking kausapin tungkol sa mga ibig ni Eliana," napatulala ako sa kaniya ng mga panahong iyon.
Ang aking hinala ay unti-unti ko nang nakukuha ang loob ni Donya Esmeralda, nabanggit ko sa kaniya dati na ibig ko ng mirasol. Kaya't iyon din ang naging dahilan kung bakit nagagawa niyang magpadala sa'kin.
Hindi ko mawari ang aking sasabihin. Pighati ang namamayani sa aking isipan sapagkat tulad ni Samuel ang presensiya rin ni Eliana ang hanap niya.
"M-mahilig ho si Eliana sa mga bulaklak," tipid kong sagot at sinabayan ng tipid na ngiti. Lumapad ang kaniyang ngiti, doon pa lamang ay akin nang napansin na lubusang kinagigiliwan ni Donya Esmerlada si Eliana.
Hindi ko batid kung ilang minuto akong tahimik habang patuloy na nagsasalita si Donya Esmeralda halos lahat ng kaniyang sinasabi ay patungkol kay Eliana.
Tuluyan ko nang hindi maunawaan ang mga sinasabi niya sa akin noon dahil unti-unting nababalot ng kalungkutan at kasakisaman ang aking puso.
Ilang sandali'y nagpaalam siya at pinili kong magpaiwan sa kaniyang silid. Napatingin ako sa aking daliri. Si Donya Esmeralda ang gumamot ng aking sugat dahil noong mga panahong iyon ay bigla na lamang nawala si Samuel.
Hindi ko maialis sa aking isipan kung paano mangamba ni Samuel kay Eliana, kung paano niya ito titigan at hawakan ay kakaiba.
Naglakad ako papunta sa malaking bintana ng kanilang silid. Mas namuo ang paghihinagpis nang akin silang makitang dalawa sa kanilang hardin.
Bakas sa mukha ni Samuel ang saya hindi mawala ang tingin niya kay Eliana. Sa mga kanilang hawakan at titigan pa lamang ay akin nang mababasa na may namamagitan sa kanilang dalawa.
Pinahid ko ang aking luhang tumakas, ang hirap tanggapin para sa akin na ako'y pangalawa lamang kay Samuel. Bakit mas nagagawang patibukin ng isang hangal na soltera lamang ang puso ni Samuel.
Napabuntong hininga ako nang aking makita ang dalawa na paalis. Agad akong bumaba sa silid nila Donya Esmeralda at dahan-dahan silang sinundan.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Historical Fiction"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...