Kabanata 24

27 5 0
                                    

Kabanata 24



Dinala kami ng ihip ng hangin sa tabing ilog. Kasalukuyang nakaupo kami ngayon sa damuhan habang kapwa nakamasid sa ilog.

Napapalingon sa akin si Samuel sa tuwing naririnig niya ang aking mga hikbi. Hindi ko nais na makita niya akong nasasaktan nang lubusan ngunit hindi ko magawang mapigilan ang emosyon ng aking damdamin lalo na kapag ako ay nasasaktan.

"Batid kong hindi pa rin humihilom ang mga salitang binitawan ng aking ama sa iyo Eliana...Patawarin mo ako," napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya, puno ng pagsusumamo ang kaniyang tinig.

"Kung alam ko lamang na kalapastanganan ang gagawin ng aking ama ay hindi na dapat kita pinilit pa na dumalo sa aming tahanan," patuloy niya. Tumingin siya sa akin at mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

"Wala kang kasalanan Samuel at sana'y huwag mo ring sisihin ang iyong sarili.... Hindi natin batid ang magiging takbo ng ating kapalaran," saad ko.

"At batid ko na kahit noon pa man ay hindi ako matatanggap ng iyong ama, sa totoo lang Samuel noong una pa lamang ay binalaan niya na ako na lumayo sa inyo, ngunit hindi ko iyon natupad," patuloy ko.

Napahinga siya nang malalim at kinuha ang aking kamay at ipinagdikit ang aming mga palad.

"Mahal kita Eliana hindi ko nais na ikaw ay bitawan nang napakadali dahil lang sa hindi pabor sa iyo ang aking ama," sineridad na wika niya habang nakatingin sa'king mga mata.

"Sapat na sa akin na narito ka sa aking tabi at nararamdaman ko ang iyong pagmamahal. Hindi na natin kailangan pa ng pahintulot ng aking ama kundi ang ating puso na lamang ang magdidikta," patuloy niya.

Nanatiling nakapako ang aking mata sa kaniya, batid kong may malaking balakid na humahadlang sa amin ngayon ni Samuel.

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga mata niya tila ba napapawi na rin ang mga agam-agam ko. Batid kong handang ipaglaban ni Samuel ang aming pagmamahalan.

Ngunit habang mas tumatagal ay napapaisip ako kung hanggang kailan ba ako kayang ipaglaban ni Samuel. Hindi ko nais na isipin ng iba na nakadepende lamang ako sa kaniya.

Bago pa lamang ang aming pag-iibigan at hindi ko batid kung baka bukas o sa mga susunod na araw ay mangungulila at makukulong na naman ako sa kalungkutan.

"Samuel," bulong ko, agad naman siyang napatingin sa akin at ipinako ang kaniyang tingin sa akin.

"Sa tingin mo ba nararapat pa nating ipagpatuloy ang ating relasyon...dahil pakiramdam ko'y napakaraming balakid na humahadlang sa atin. Hindi ako pabor para sa iyong ama hin---"

"Huwag mo na lamang isipin kung ano ang iisipin ng iba. Hindi ba't sinabi ko na sa iyo noon pa man na mahal kita at handa kitang ipaglaban," wika niya.

Napailing ako "Ngunit aminin man natin o hindi Samuel, marami ang tutol sa ating pagmamahalan,"

"Kahit marami mang tutol sa ating pagmamahalan, ikaw pa rin ay aking ipaglalaban," saad niya habang patuloy siyang nakatingin sa'kin na para bang sinasabi niya na paniwalaan ko siya.

Sa mga sandaling iyon naramdaman ko muli ang kalmadong pintig ng aking puso. Nanatiling nakapako ang mata namin sa isa't isa, ramdam ko ang panata niya na aking panghahawakan.

Sa loob-loob ko ay  inaamin ko na hindi ako kumbinsido sapagkat alam ko na gagawa at gagawa ng paraan ang kaniyang ama upang paglayuin kami isa't isa. At iyon ang aking ikinakatakot.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon