Kabanata 14
Nag-aagaw dilim na nang mapagpasyahan kong dumulog sa opisina ni Don Alonzo. Nais kong lumiban ng kahit isang araw sapagkat nais kong makasama si Binibining Solana, tulad na rin nang nagawa kong pagsang-ayon sa kaniya.
May kaunting siwang ng liwanag sa silid-opisina ni Don Alonzo, batid ko'y naroon pa rin ito. Minsan ko lamang makita si Don Alonzo sa labas ng kanilang mansyon mas malaki pa ang porsyento ng pananatili nito sa kaniyang opisina.
Siya'y walang posisyon sa pamahalaan ngunit mayroon siyang mga lupain at mga negosyong pinagkakakitaan.
Dalawang magkasunod na katok ang aking ginawa bago ko pinihit ang pinto. Hindi ko na kailangan pang abalahin si Don Alonzo na pagbuksan ako ng pinto kaya't ako na rin ang gumawa ng iyon para sa'kin.
May kadilim na ang silid ni Don Alonzo at tanging ang ilaw na lamang sa lampara sa kaniyang lamesa ang nagbibigay liwanag sa katahimikan ng dilim. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto, nakatalikod ang Don habang may hinahanap ito sa kaniyang kabinet.
"Ahh, Magandang Gabi ho Don Alonzo" kinakabahan kong sambit at napapakuyom ang aking kamay dala ng aking kaba. "Ano ang iyong kailangan?" kalmado ngunit maotoridad na tanong ni Don Alonzo.
Kumabog nang malakas ang aking dibdib at iniiwasan ang sarili na huwag pangunahan ng kaba.
"Ah, D-don Alonzo, Nais ko ho sanang l-lumiban bukas ng umaga. Mayroon lamang ho aking mahalagang pupuntahan," saad ko at napakagat sa aking labi. Kahit pa man pilit kong iwinawaksi sa aking isipan na huwag mautal ngunit hindi ko kaya.
Napatigil siya sa paghahalungkat at sandaling inilapag ang mga papel sa lamesa.
"K-kung hindi po pabor sa inyong kalooban na ako'y lumiban ayos lamang ho," patuloy ko dahil sa pananahimik niya.Napatigil na siya sa kaniyang ginagawa at napatingin siya sa'kin bago naupo sa kaniyang silya at napatingin ulit sa'kin.
"Iyo lamang sisiguraduhin na nakauwi ka na rito bago magtakipsilim," saad niya dahilan para mapangiti ako nang malapad at napayuko. "Maraming Salamat po!" saad ko at muling yumuko. Napatango lamang siya sa'kin at napangiti nang tipid.
Hindi nawawala ang ngiti ko hanggang sa makalabas ako sa kaniyang opisina. Hindi ko akalin na pahihintulutan ako ni Don Alonzo na lumiban.
Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magpaalam kay Manang Lita. Nadatnan ko siya roon na abala sa pagluluto ng umagahan.
"Manang Lita may pupuntahan ho pala ako mamaya huwag ho kayong mag-alala nakapagpaalam na po ako kay Don Alonzo," wika ko. Napalingon siya sa'kin at napangiti "Saan ka ba magtutungo? At sino ang iyong kasama?" tanong niya.
"Hindi ko ho alam kung saan ngunit kasama ko po si Binibining Solana," tugon ko. Napatango siya "Mag-iingat na lang kayo, nga pala," hinto ni Manang Lita at lumapit sa'kin.
"Aking nakaligtaang sabihin sa iyo kahapon Eliana. May pinaparating liham para saiyo si Ginoong Samuel," nanlaki ang mata kong nakatitig kay Manang Lita.
Napakurap ako ng dalawang beses at hindi ko alam kung ano ang aking itutugon. "A-ano ho?" taka kong tanong dahil iyon nagpoproseso sa'kin.
Napangiti ulit siya, "May pinabibigay na liham sa iyo si Ginoong Samuel, mamaya ko na lang ibibigay sa'yo nang walang makakita," saad niya bago binalik ang atensyon sa pagluluto.
"May namamagitan ba sa inyong dalawa Eliana?" Napakunot ako ng aking noo nang sabihin iyon ni Manang Lita. Agad akong napalayo sa kaniya at umiling.
"Wala ho, wala" tanggi ko habang iwanawasiwas ang aking kamay. Napangiti si Manang Lita at itinuon muli ang kaniyang tingin sa kaniyang niluluto.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Ficción histórica"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...