Kabanata 16
Matapos ng kaganapan kagabi ay ilang sandali lang ay iniwan kong mag-isa roon si Ginoong Samuel. Nagtataka ako sa mga huling salitang binanggit niya habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa'kin.
Ayokong umasa at pangunahan ang kaniyang nararamdaman ngunit hindi ko mapigilang isipin iyon. Napahinga ako nang malalim bago ulit pinagpatuloy ang pagdadamo sa hardin ng Villaflores.
Mataas na rin ang sikat ng araw dahilan para mas gumaganda ang tubo ng mga halaman.
"Sana'y maging masagana pa ang iyong mga talutot," bulong ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang isang mirasol. Umupo ako at hinawakan ang talutot nito na bahagyang basa dahil sa hamog kanina."Eliana!" Nagulat ako at napatayo agad nang marinig ko ang aking pangalan. Agad na hinanap ng aking mga mata kung saan nanggagaling ang tinig na iyon.
Napangiti ako nang makita si Binibining Miranda. Papalapit siya sa akin at halatang masaya siya, kapansin-pansin ang napakatamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Magandang Umaga Binibini" masaya kong bati, ngumiti siya bago tumugon. "Magandang umaga rin Eliana, nais kitang tanungin kung bakit ikaw ay umuwi ng maaga kagabi?" Tanong niya.
"Naging masama ho kase ang aking pakiramdam," tugon ko. Napatango-tango siya at ibinaling ang tingin sa mga halaman. "Kung gayo'y hindi mo nagawang maranasan ang mga masasayang pagdiriwang at kasiglahan kagabi," sambit niya. Bahagyang napakunot ang aking noo ngunit nawala rin ito.
"Nang mga gabing iyon ay nagsagawa ng kasiglahan upang maging masaya ang gabi. Sinayaw ako ni Ginoong Samuel at nagawa niya ring halikan ang aking kanang kamay. Ang gabing iyon Eliana ay aking hindi makalilimutan," patuloy niyang sambit.
Napatango ako at napaiwas ng tingin. Maraming naganap sa mga panahong nawala ako sa pagdiriwang at maaaring kayang si Binibining Miranda ang kaniyang napupusuan?
"Ako'y masaya para sa iyo Binibini" tanging nasambit ko habang pilit na inilalabas ang mga ngiti sa aking labi. May kung anong tumutusok sa dibdib ko na ang hirap ipaliwanag.
"Maraming Salamat Eliana. Ramdam ko ang iyong suporta" wika niya at tinapunan ako ng napakasayang ngiti. Umiwas ulit ako ng tingin at napayuko, hindi ko na mapigilan ang kakaibang nararamdaman ko, tila hindi ko na nakakayanan ang sakit.
"Aking lubusan na iniibig si Ginoong Samuel" saad muli niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "At batid kong nahuhulog na rin siya sa'kin," patuloy niya bago napatingin sa'kin.
"Maraming salamat din Eliana sapagkat ikaw ang naging tulay ko para sa kaniya. Sa liham na ipinapaabot ko," wika niya at ngumiti nang matamis sa'kin bago umiwas ng tingin.
"Kagabi tinanong ko siya kung ano ang relasyon naming dalawa. Hindi siya makasagot ngunit ang batid ko na higit pa sa pagiging magkaibigan." wika niya at bumaling ulit sa'kin.
Habang ako ay patuloy lang nakatingin sa kaniya. Naalala ko ang mga tagpo namin kagabi ni Ginoong Samuel, maaari bang ang mga ngiti at titig na ibinibigay niya sa'kin ay normal lang para sa kaniya.
"Ngunit batid mong hindi ako natatahimik hanggat hindi ako nakakakuha ng sagot sa kaniya. Kaya't nagkaroon kami ng usapan, kung magtutungo siya ngayon sa'ming mansion higit pa sa pagkakaibigan ang nais niya," wika niya at napaiwas ng tingin sa'kin.
Napahinga ako nang malalim at hindi na rin ako nakakatugon sa mga sinasabi ni Binibining Miranda. Naguguluhan ako sa hindi malamang dahilan, naguguluhan ako sa nararamdaman ni Ginoong Samuel.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Ficción histórica"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...