Kabanata 5

44 7 0
                                    

Kabanata 5

Kasalukuyan na kaming nakasakay ni Binibining Miranda sa kalesa ngayon,  bitbit ko sa aking kanang kamay ang plorera na naglalaman ng rosas at ang liham na pinapaabot ni Donya Flora.


Diretso lamang ang tingin ni Binibining Miranda sa harapan habang bahagyang hinahaplos ng hangin ang kaniyang maaliwalas na mukha.

"Mayamaya lamang ay nasa tahanan na tayo ng Delos Santos Binibini." panimula ko. Napalingon ito sa akin at napangiti. "Nagagalak akong masaksihan ang klase ng kanilang pamumuhay." tugon niya at ngumiti pabalik.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit nais mong magtungo sa kanila Binibini?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Napangiti siya nang palihim. "May bagay lamang na sumagi sa aking isipan na magtungo sa kanilang tahanan. At isa pa napagtanto ko rin Eliana na kailangan kong makibagay at makipagpalagayan sa mga taong nalalapit sa aking ama't ina." tugon niya bago ngumiti at tumingin sa'kin.

"At isa pa wala naman sigurong masama kong susubukan ko ring makipagkaibigan kay Binibining Solana at makilala si Ginoong Samuel." patuloy niya.

Napangiti ako at napatango-tango sa'king sarili. Marahil ay nais nang burahin ni Binibining Miranda ang anumang tinik na humahadlang sa kaniya dati pa.

Wala na kaming gaanong napag-usapan hanggang sa nakarating na rin kami sa mansion ng Delos Santos. Inalalayan kami ni Mang Antonio sa pagbaba ng kalesa at umaklay sa aking bisig si Binibining Miranda.

Panay ang tingin nito sa kaliwa't kanan ng kanilang mansion at kahit hindi niya sabihin sa'kin ay namangha rin ito sa karangyaan ng pamilya Delos Santos.

Pumasok kami sa kanilang mansion at may isang katulong ang gumabay sa amin sa pagpasok.

"Marahil ay kayo ang ipinadala ni Donya Flora hindi ba?" tanong niya.

Napatango ako. "Opo, kami nga po, narito po ba siya?" tanong ko.

Napangiti siya nang tipid at napatango.
"Kayo'y maghintay na lamang dito mga binibini ipagbibigay alam ko na lamang na narito na kayo." saad niya. Ako'y napatango "Maraming Salamat po" sambit ko.

Napalingon ako kay Binibining Miranda at abala itong pinagmamasdan ang loob ng kanilang mansion. "Tayo'y maupo muna Binibini" tugon ko. Napabaling ito sa akin at napatango at nagsimulang maupo.

"Ang aliwalas ng kanilang tahanan" sambit niya. Napangiti ako "Tunay na nakalulugod nga ang kanilang mansion Binibini." sambit ko. Muli nitong sinuri ang loob ng mansion bakas sa kaniyang mga mata ang pagkamangha na animo'y isa itong napakagandang obra.

Napabaling ang tingin ni Binibining Miranda sa mga larawan na nakapatong sa isang mahabang lamesa. Pitong larawan ang nakalagay roon at kitang-kita na mga solong larawan iyon ng mga magkakapatid.

"Kumusta mga Binibini?" agad kaming napatayo ni Binibining Miranda sa tinig ni Donya Esmeralda. "Magandang araw po"  tugon ko at bahagya kaming yumuko. "Magandang araw rin sa inyo" nakangiting sambit ni Donya Esmeralda.

"Kasama ko po ngayon ang bunsong anak ng Villaflores si Binibining Miranda." saad ko at napaharap kay Binibining Miranda, ngumiti ito nang matamis at bahagyang yumuko. "Magandang araw po ikinagagalak ko po na kayo'y aking makilala" wika niya.

"Ikinagagalak rin kitang makilala hija, ngayon na lamang ulit tayo nagkita bagamat ayon sa iyong ina ay ikaw ay palaging nasa iyong silid at minsan lamang kung lumabas" saad ni Donya Esmeralda.

Napangiti si Binibining Miranda bago napatingin sa'kin. "Ikinagagalak ko rin po kayong makilala. Iginugugol ko lamang po ang aking oras sa pagbuburda" tugon niya.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon