Kabanata 6
"Eliana pagmasdan mo ang aking bagong ibinurda" tinig ni Binibining Miranda at ipinakita niya sa akin ang ibinurda niyang rosas. Napangiti ako sa kaniyang ibinurda. "Napakaganda Binibini" puri ko. Napangiti siya at nagpatuloy sa pagbuburda.
Kasalukuyan kaming nasa asotea ng mansion. Pagkauwi namin galing sa mansion ng Delos Santos ay dagling pumanhik sa silid si Binibining Miranda, sa kaniya ko na rin ipinaabot ang imbistasyon na binigay sa'min kanina ni Donya Esmeralda bago kami umuwi.
"Aking maalala mamaya ay dadalhin kita sa opisina ni ama." napalingon ako sa kaniya na may halong pangamba at pagtataka. "Ano ang iyong dahilan Binibini?" tanong ko at napatigil siya sandali sa pagbuburda at tumingin sa akin. "Pakikiusapan ko lamang si ama." tugon niya at ibinalik ang tuon sa pagbuburda.
"Ngunit Binibini, marapat niyo ho bang gawin iyon para lamang sa'kin?" nag-aalinlangan kong saad. Napangiti siya at ipinatong ang kaniyang ibinuburda sa lamesa.
"Mapakikiusapan naman si ama, batid kong papayag din siya dahil kilala naman niya ako. Hindi ako makakasama hangga't wala ka," saad niya at ngumiti sa'kin nang matamis.
"At isa pa, nais kong magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga Delos Santos kaya inaasahan ko na sa mga ganitong pagtitipon ay doon mas mapapalapit ang loob ko sa kanila." patuloy niya habang nakangiti at nakatingin sa harapan.
Napatango-tango ako. "Mabuti iyan Binibini, masaya ako na nagiging interesado ka na sa mga bagay na hindi mo ginagawa." sagot ko at tumingin na rin sa harapan.
Napatigil kami sa pag-uusap nang bumukas ang kanilang tarangkahan at may pumasok na kalesa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Binibining Miranda at napakibit balikat siya.
"Marahil ay si ama lamang iyan." saad niya.
Napatingin ako sa dalawang kalesa at bumaba ang lulan nito hindi nga siya nagkamali dahil si Don Alonzo nga ito.
"Ama!" masayang saad ni Binibining Miranda at napatayo sa asotea. Napatayo na rin ako nang simulang maglakad papasok sa kanilang bahay si Don Alonzo.
"Ama, may ibabalita ho ako sa inyo mamaya." saad ni Binibining Miranda at umaklay siya sa braso ng kaniyang ama. "Mukhang magandang balita ang iyong sasabihin sa'kin." sagot ng Don.
Napahiwalay sa kaniya si Binibining Miranda at nakangiting bumulong sa kaniyang ama. Umiwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ang ibinuburda niya.
"Ganon ba mabuti iyan anak," sagot ni Don Alonzo. "Mabuti pa ay sabihin mo ang iyong nais sabihin sa'king opisina," saad ng Don at hinalikan ang noo ng kaniyang anak.
"Sige ho ama." tugon niya. Ngumiti ulit ang Don at nabaling ang tingin sa'kin napangiti at napayuko ako kaagad nang magtama ang aming mga mata.
"Hindi mo na kinakailangan gawin ang bagay na iyan Eliana. Kumilos ka ng ayon sa ikinililos din namin." saad niya dahilan upang matulala ako sa kaniya hanggang sa naglakad ito papasok sa kanilang sala.
Sa sandaling ibubuka ko ang aking labi ay hindi ko na nagawa dahil sa hindi maipaliwanag na sinambit ng Don.
"TOTOO ba na may magaganap na pagdiriwang bukas sa Delos Santos. Narinig ko iyon sa pamilihan kanina" tanong ni Manang Linda. Napalingon kami ni Manang Lita sa kaniya samantala patuloy lamang sa pagbabalat ng sibuyas si Rosa. Napatang ako.
"Totoo nga po iyon Manang Linda," tugon ko at kinuha niya ang isang upo at ito'y kaniyang binalatan. "Kung gayo'y imbitado rin sina Don Alonzo at Donya Flora," patuloy niya habang nakatuon ang mga mata sa kaniyang binabalatan.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Historical Fiction"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...