Kabanata 1
Kasalukuyang nasa hapag kainan ngayon ang pamilya Villaflores, nakapaghanda na kami ng kanilang hapunan at maayos na ang buong hapag kainan. Pochero at pritong isda ang kanilang hapunan ngayong gabi.
Hindi ko na nagawa pang balikan kung ano ang nangyari sa'kin kahapon sa pamilihan. Pagkamulat ko ng aking mata ay nakasakay na ako sa kalesa habang nakaunan sa hita ni Manang Lita.
Nang tinanong ko si Manang Lita kung ano ang nangyari, ang saad nito ay may nagtawag sa kaniya at siya rin ang tumulong sa'kin na isakay sa kalesa. Laking pasasalamat ko na lamang at galos lang ang aking inabot at hindi ganoon kalala ang naging kalagayan ko.
Maingat akong nagsasalin ng tubig sa baso nila nang magsalita si Donya Flora. "Samahan niyo kami ng iyong ama na dumalo sa pagtitipon ng mga opisyales ngayong gabi. Kasabay na rin ng pagpapakilala sa pangalawang anak ng Mayor." sambit ni Donya Flora.
Napatikhim si Ginoong Lazaro at ibinaba ang kubyertos na hawak nito. "Pasensiya na ina ngunit ako'y may mahalagang aasikasuhin mamayang gabi." dahilan niya
"Ano ba ang iyong pinagkakaabalahan?" tanong ng kaniyang ina. "Mga dokumento tungkol sa gagamiting materyales at panibagong armas." pagpapatuloy ni Ginoong Lazaro. Siya ang nakatatandang kapatid ni Binibining Miranda ang panganay ng pamilya. Isa itong sa mga heneral sa San Ignacio.
Tumango si Donya si Flora "Pagpaumanhin mo rin po ina kung wala rin po akong balak na dumalo mamayang gabi." singit ni Binibining Miranda.
Napatingin sa kanya si Donya Flora ng may pagtataka. "M-Masama po ang pakiramdam ko ina at nais ko pong magpahinga nang labis" paliwanag nito. At bahagyang napatingin sa'kin.
Tutugon na sana si Donya Flora nang tumikhim si Don Alonzo. "Mahal, huwag mo na lamang pilitin ang mga bata na dumalo sa pagtitipon mamaya." mahinahong saad nito at sumimsim sa kape bago nagpatuloy.
"Marahil batid ko'y marami pang pagsasalusalo ang magaganap na tiyak kong dadaluhan nila." patuloy ng Don.
"Maganda sana na habang maaga pa lamang ay nakikilala na ng ating anak lalo na si Miranda ang pangalawang anak ng Mayor, nang lubusan na maglapit ang kanilang loob sa isa't isa—"
Hindi na naituloy ni Donya Flora ang kaniyang sasabihin nang biglang magsalita muli ang Don.
"Hindi natin kinakailangang madalihin ang lahat para sa'ting mga anak."
Iyon na ang mga huling tagpo na aking naulinigan bago ako tuluyang lumisan doon at nagtungo sa kusina.
"MAGANDANG umaga ho." bati ko sa mga madreng nagrorosaryo malapit sa altar habang nakaluhod sila at may kaniya-kaniyang hawak na rosaryo.
Binigyan na rin ako ng rosaryo at nakisabay sa pagrorosaryo sa altar. Ito na ang nakasanayan ko tuwing pagsapit ng linggo bagay na itinuro sa'kin ng aking ina, noong nabubuhay pa siya.
Maya-maya nang kaunti ay natapos na ang pagrorosaryo at nagsimula na rin ang misa, ipinagdasal ko ang mga kaluluwa ng aking ama't inang sumalangit. At nagpasalamat rin ako sa araw-araw na gabay at mga biyaya na aking natatanggap.
Nang matapos ang misa ay hindi na rin ako magtatagal pa dahil wala namang ibinilin sa akin si Manang Lita. Kasalukuyan akong palabas ng kumbento nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan.
"Binibining Eliana" napahinto ako at napalingon ako sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. Bahagya akong nagulat at napangiti nang makita ko si Solana, ang isa sa naging matalik kong kaibigan, nagkakilala kami rito mismo sa kumbento.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Ficción histórica"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...