Kabanata 23

32 5 0
                                    

Kabanata 23





Buong gabi'y hindi maiwasang mawaglit iyon sa akin isipan. Hindi ko maiwasan ang malalim na aking pag-iisip, maaaring hindi totoo kung ano man ang nakasulat doon
Maaaring nilipad lamang ng hangin ang kapirasong papel na iyon sa puntod ni Ina.

Napatihaya ako sa pagkakahiga. Sa piling nila Itay at Inay ay hindi ako pinakitaan na ako'y kakaiba ni hindi rin nila magagawang magtago ng lihim sa'kin. Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ang mga agam-agam na maaaring ang isa sa kanila'y hindi ko totoong mga magulang.

Ngunit mabilisan ko iyong iwinawaksi dahil wala sa bokabularyo namin ang magtanim ng lihim sa isa't isa.







NAPAMULAT ako ng aking mata nang makarinig ako ng katok, kahit wala pa sa gana ang aking katawan na tumayo at bumangon ay pinilit ko na lamang ang aking sarili.

Binuksan ko ang pinto ng aking silid at agad na bumungad sa akin si Manang Lita, malamlam ang mga mata niya. "Eliana, magbihis ka ng iyong damit," sambit niya.

"Bakit po Manang?" Nagtataka kong tanong. Pumasok siya sa aking silid at isinara ang pintuan. "Ikaw ay magpalit na ng iyong damit sapagkat nakatanggap muli ako ng liham kay Ginoong Samuel," saad niya.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya at ako'y naguguluhan sa kaniyang mga sinasambit. "Nakasaad sa kaniyang liham na nais kang makilala ni Don Roman"

Halos mamilog ang aking mga mata nang marinig ko iyon, ang batid ko'y si Donya Esmeralda lamang ang nakakaalam ng aming relasyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin halos mawasak na ang aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nais akong makilala ni Don Roman. At hindi malabong banggitin nito ang anumang pinag-usapan namin dati pa.

Ako'y hindi handa para sa  bagay  na ito at kahit kailanman ay hindi pumasok sa aking isipan na darating kami sa ganitong sitwasyon.

"S-sa tingin ko ho Manang Lita ako'y hindi makatutungo dahil a-ako'y hindi nakahingi ng pahintulot kay Don Alonzo na umalis ngayong araw," saad ko.

"Sila'y wala ngayon sa mansyon, sila'y lumuwas sa Bagumbayan  kaninang bukang liwayway," saad  niya. "Ihanda mo na ang iyong sarili sigurado akong ikaw ay kakausapin lamang ni Don Roman huwag kang mag-isip ng kung ano-ano." wika niya at hinawakan ang aking kamay.


"H-hindi ko pa ho kaya, natatakot po ako," mahina kong saad habang umiiling-iling sa kaniya. Nanginginig na rin ang mga kamay dahil sa takot.

Napahinga nang malalim si Manang Liga.
"Alam kong hindi ka magagawang iwanan ni Ginoong Samuel kung sakali mang may masamang mangyari. Tandaan mo ikaw ang pinili ni Samuel kaya't ipaglalaban ka niya," sambit niya.

Napatango ako, ngunit hindi pa rin nawawala ang aking pangamba. Ang kaba sa aking dibdib ay patuloy pa rin ang pagkabog wari'y isa itong uri ng tambol.






HINDI  ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa aking silid. Pinagmamasdan ko ang aking repleksiyon sa salamin, ternong kulay puti na baro't saya ang aking suot itinali ko rin ang kalahati ng aking buhok at nagpahid ng kaunting kolorete sa aking mukha.

Napahinga ako nang malalim, kailangan kong ihanda ang aking sarili sa anumang kaganapang maaaring mangyari mamaya. Batid kong may sapat na dahilan si Samuel kung bakit nalaman ni Don Roman ang tungkol sa aming relasyon.

Ilang sandali pa'y lumabas na ako sa aking silid at nagulat dahil sa katahimikan ng mansyon. Naalala ko ang sinambit ni Mang Lita kanina na nagtungo sila sa Bagumbayan kaninang bukang liwayway at hindi ko nagawang tanungin kung ano ang kanilang dahilan ng pag-alis.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon