Kabanata 22

33 5 0
                                    

Kabanata 22




"Ana, iyong kuhanin ang ating paunang lunas!" rinig kong sambit ni Donya Esmeralda.

Lumapit sa akin si Donya Esmeralda at sinuri ang aking daliri, maya-maya pa'y dumating na ang paunang lunas at agad na dinampian ni Donya Esmeralda ng gamot ang aking daliri.

"Samuel, Iyo nang gamutin ang sugat ni Miranda!" nag-aalalang utos sa kaniya ng kaniyang ina at pansin ko rin ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at napatingin siya sa akin.

"Ako na lamang po ang bahalang gumamot sa aking sarili," sambit ko kay Donya Esmeralda. Puno siya ng alinlangan ngunit kalauna'y napatango na rin siya.

Agad na tumungo si Donya Esmeralda sa kinaroroonan nina Binibining Miranda at  Samuel. Napabaling ako ng atensiyon sa kanila napako kaagad ang aking tingin kay Samuel. May bakas ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang hawak-hawak niya ang kamay ni Binibining Miranda.

Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili, ngunit sa mga panahong iyon ay parang tinutusok na naman ng karayom ang aking damdamin.

Batid kong hindi dapat ako manibugho ng ganito dahil sa may insidenteng nangyari. Ngunit hindi mapigilan ng aking puso at isipan na magtanong at magsimulang mamuo ng mga agam-agam.


Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na hinahakbang ang aking paa papalayo sa kanilang kinaroroon. Pinipigilan ko ang aking mga luhang nagbabadyang bumagsak.

Sariwang hangin ang bumati sa akin nang tuluyan akong makalabas sa kanilag mansion, napahinga ako nang malalim at napatingala sa kalangitan. Pinagmasdan ko ang kulay asul na kalangitan. Sana'y katulad na lamang ng kalinisan ng langit ang aking nararamdaman ngayon.

Tumungo ako sa kanilang hardin at piniling umupo sa upuan doon. Inabala ko ang aking sarili sa pagtitig sa mga mirasol, umaasang maiibsan nito ang pait na aking nararamdaman.

Ang kalamigan ng hangin ang dumadamay sa akin, hinihiling ko na lamang na sana ay narito si Binibining Solana upang kahit papano'y may dadamay sa akin sa tuwing ako'y nasasaktan.

"Eliana!" Pinahid ko ang aking namumuong luha nang marinig ko ang kalmadong tinig ni Samuel. Blangkong ekspresyon ang nakita ko sa kaniya habang patuloy siyang papalapit sa akin. Hawak-hawak niya sa kaniyang kanang kamay ang paunang lunas.

Nang makalapit na siya'y umupo siya sa aking tabi at ipinatong ang paunang lunas  sa pagitan naming dalawa. Kinuha niya ang aking kamay at sinimulang dampian ng gamot daliring may sugat.

Nagulat siya at napatingin sa akin nang bawiin ko ang aking kamay mula sa kaniya. "Ako na lamang ang gagamot ng aking sarili," saad ko at kinuha mula sa kaniya ang paunang lunas. "Hayaan mong ikaw ay aking gamutin Eliana," depensa niya at hinawakan ang aking kamay.

Hinila ko muli ang aking kamay sa kaniya. "Kaya ko ang aking sarili," mariin kong sambit. Napahinga siya nang malalim bago muli kinuha ang aking kamay.

"Pakiusap Eliana, huwag nang matigas ang iyong ulo. Hayaang mong ikaw ay aking gamutin," maotoridad niyang saad at hinigpitan ang paghawak sa aking kamay.

Tinitigan niya ang aking mata na may halong pakikiusap. Ibinaling ko ang aking tingin sa ibang direksyon at nararamdaman ko pa rin ang kaniyang mga titig sa akin. Ilang sandali pa'y naramdaman kong sinisimulan na nitong gamutin ang aking sugat at nilagyan ito ng malinis na tela.

"Bakit ako'y iyong hindi tinatapunan ng tingin...  Aking sinta?" mahina niyang sambit napalingon ako sa kaniya at maingat na nitong pinapaikot ang tela sa aking daliri.


Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon