Kabanata 20

25 5 0
                                    

Kabanata 20



Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi matapos ang mga narinig ko sa silid nina Donya Flora at Don Alonzo at ang sinambit sa'kin ni Ginoong Lazaro.

Hindi ko rin alam kung bakit ganon ang sinabi niya sa'kin bago siya umalis. Napahinga ako nang malalim bago naglakad patungo sa kusina. Nadatnan ko si Manang Lita na umiinom ng mainit na kape.

"Maganda umaga ho" bati ko at kumuha ng tasa upang lagyan ng maligamgam na tubig. "Magandang umaga rin sa iyo," tugon niya bakas sa mukha ni Manang Lita na maganda ang tulog at umaga niya, siguro'y hindi nito na nasaksihan ang kaganapan kagabi.

Napangiti ako bago siya napatayo at nagtungo sa lalagyan ng mga pinggan. Kinuha niya mula sa ibabaw ang isang liham.

"Ito'y handog muli ni Ginoong Samuel kaninang bukang liwayway," sambit niya at binigay sa akin ang isang liham. Napangiti ako bago kunin ito sa kaniyang kamay. Naramdaman ko pa ang paghawak at pagtapik niya sa aking balikat.

"Batid ko na may relasyong bumabalot sa inyong dalawa Eliana, kaya't hindi na ako magtataka kung bakit ka nito hinahandugan ng liham," sambit niya.

Ngumiti at nakaramdam ako ng hiya sa kaniya, kahit hindi ko na ipagtapat kay manang Lita ng aming relasyon ay pakiramdam ko ay batid na niya ito. 

"Ako'y masaya para sa inyo, batid kong mahal niyo ang isa't isa," patuloy niya. Napangiti muli ako at tumango-tango.

"Maraming salamat po Manang Lita at suportado ninyo ang aming relasyon," wika ko.
"Kayo'y aking suportado sino ba naman ako upang kayo'y hadlangan" patuloy nito. Lumapit ako rito at hinagkan siya nang marahan.

"Maraming salamat po, kung may pagkakataon po ay pormal ko pa rin po siyang ipapakilala sa inyo kahit pa po kilala niyo na kung sino siya," wika ko at muling ngumiti sa kaniya.

"Aking maalala," napaalis ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya sa kaniyang mukha. "Pakiusap kanina sa akin ni Ginoong Samuel,  na kayo'y magtungo mamaya sa pamilihan. Huwag ka nang mangamba kung paano ka makakapunta roon dahil ikaw ay aking isasama sapagkat pupunta ako mamaya sa pamilihan," paliwanag niya at agad akong napatango.

Tumango muli ako at nagpasalamat sa kaniya. Nakaramdam ulit ako ng kakaiba saya sapagkat makakasama ko siyang muli.

Sandali akong nagpaalam kay Manang Lita upang tumungo sa aking silid. Napaupo ako sa aking katre at pinagmasdan ang liham na binigay niya, hindi ko inaakala ang ganitong kaagang liham. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko iyon. Dahan-dahan ko iyong binuksan at binasa.


Eliana,

Magandang umaga para sa aking tinatangi. Ikaw ang magandang araw na bumati sa aking umaga. Buhat nang mga kaganapan sa tabing ilog ay hirap akong kaligtaan ang mga iyon . Wari'y ako'y nasa alapaap dahil sa saya na aking nadarama.

Masaya akong sisimulan ang panibagong umaga na kasama ka, tila isa ito sa pinakamagandang araw na nangyari sa aking buhay.

Nais kong dumulog ka sa ating tagpuang sinaad ko kay Manang Lita. Hindi pa man sumisikat ang araw ay agad na akong nagtungo sa inyo upang ibigay ang aking liham kay Manang Lita.

Hihintayin ko ang iyong pagdating at nawa'y naging masaya rin ang iyong umaga.

Mag-iingat ka, Mahal!


Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon