Kabanata 15

28 5 0
                                    

Kabanata 15




Malapit na magdapit-hapon nang makauwi ako sa Mansyon ng Villaflores. Nagawa pa akong ipahatid ni Binibining Solana kay Marcelo. Matapos ang kaganapan sa tabing-ilog ay hindi ko na nagagawa pang tapunan ng tingin si Ginoong Samuel, nararamdaman ko ang mga palihim niyang titig ngunit isinasawalang bahala ko na lamang iyon.

"Eliana, sumunod ka sa akin" aya sa akin ni Manang Lita at iniwan niya panandalian ang niluluto niyang almusal. Nagtungo siya sa likod ng mansion habang sumusunod ako.

Napatigil ako at napatulala kay Manag Lita nang may inabot siyang liham. Napakunot ang noo ko habang nakatingin doon, kulay krema ang papel at may tuyong talutot pa ng rosas ang naroon.

"Ito'y hinatid kani-kanina lamang ni Marcelo" panimula ni Manang Lita. Napasulyap ako sa kaniya at hindi pa rin mawala ang pagkunot ng aking noo.

"Ayon sa kaniya ito'y liham ni Ginoong Samuel para sa iyo, kung tutuusin ay ikalawang liham na ito para sa iyo," unti-unting nawala ang pagkunot ng aking noo at napalitan iyon ng pagtataka.

Iniiwasan niya lamang ako kanina ngunit ngayon ay may liham na ulit siya. Hindi ko rin siya maintindihan.

Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at tinanggap ang liham. Patuloy lang akong nakatingin dito at hindi batid kung ano ang aking sasabihin.

"At nais din ni Binibining Solana na dumalo ka sa kaniyang kaarawan, bago magdapit-hapon ay sisimulan na ang pagdiriwang" sambit muli ni Manang Lita. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at tipid na ngumiti at tumango kay Manang Lita.

"Maraming Salamat po" sambit ko at binigyan siya nang matamis na ngiti.

Ngumiti siya pabalik at hinawakan ang aking balikat. "Aking nakikita na may kakaiba sa iyong mata, hindi ko batid kung ito ba'y kalungkutan o kasiyahan. Kung kasiyahan man ang laman ng iyan, ito'y marapat sa iyo at kung sakali mang kalungkutan ang bumabalot sa iyo hija, may mga paraan upang mahanap mo ang iyong kasiyahang nagkukubli kung saan-saan man," nanatili lamang akong nakatingin kay Manang Lita.

Hindi ko tuwirang masabi kung may nararamdaman na ba ako kay Ginoong Samuel, ngunit may parte sa aking puso na magaan ang aking pakiramdam kapag kasama ko siya at ang tibok ng puso ko ay hindi normal.

Ngunit nangangamba ako, natatakot akong mahulog sa kaniya dahil masasaktan ko si Binibining Miranda.








TATLONG magkakasunod na katok ang ginawa ko sa pinto ng silid ni Binibining Miranda.  Maya-maya pa ay binuksan na nito ang kaniyang pinto at mapupungay na kaniyang mga mata ang agad kong napansin. Napansin ko rin na namumugto ang kaniyang mga mata.

"Ayos lamang po ba ang kalagayan niyo Binibining Miranda?" nag-aalala kong sambit. Huminga siya nang malalim at niluwagan ang pagbukas ng kaniyang pinto hudyat na ako'y kaniyang inaalok na pumasok.

"Ayos lamang ang aking pakiramdam" tipid niyang sagot at umupo sa kaniyang katre. Kahit wala sa ayos ang kaniyang buhok ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahang taglay niya.

Kinuha ko ang palong(comb) sa ibabaw ng kaniyang aparador at dahan-dahang sinuklay ang kaniyang buhok. Nagulat siya sa aking ginawa ngunit hinayaan lamang ako nito. Tahimik lamang siya habang dahan-dahan kong sinusuklay ang kaniyang maalon na buhok.

"Binibini, mamayang bago magdapit-hapon ay gaganapin ang kaarawan ni Binibining Solana" panimula ko. Naramdaman kong lumingon nang bahagyang ang kaniyang ulo.

"Ako'y kaniyang inimbitahan na dumalo sa kaniyang kaarawan at nais kong ikaw ay dumalo kasama ko Binibini," napatigil ako sa kaniyang pagsusuklay nang tumayo siya. Bahagya siyang ngumiti dahilan ng pagkasingkit ng kaniyang mata.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon