Kabanata 27
Itinutok ko ang matalim na bahagi ng gunting sa aking palapulsuhan. Napahinga ako nang malalim kasabay non ang katotohanang ibig ko nang magpahinga habang buhay. Wala ng ibang tutulong sa'kin kundi ang aking sarili, puro na lamang sawi at kapighatian ang naidudulot sa akin ng mundo.
Patuloy ang pag-agos ng aking luha sa aking mga mata, halos manlabo na ang aking paningin dahil sa luhang nagbabadya.
Napapikit ako ng aking mata at dahan-dahan idiniin ang talim ng gunting sa aking palapulsuhan. Buo na ang aking desisyon wawakasan ko na ang aking buhay. Pikit mata kong idiniin ang talim ng gunting.
Ngunit napamulat ako ng aking mata nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan, umiling ako at pilit na binabalik muli ang atensiyon ko sa gunting. Subalit nagitla ako nang may sapiliting nagbukas nito at gulat na napatingin sa akin.
Agad siyang lumapit sa aking kinalalagyan at kinuha ang gunting na nasa aking kamay, itinapon niya ito sa kung saan. Gulat at nagtataka ang mga mata niyan iginawad sa akin, marahil ay nagtatanong siya kung bakit ko ito ginagawa sa aking sarili.
Bumuhos muli ang aking luha at idinukdok ko ang aking mukha sa aking tuhod. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. Napahinga siya nang malalim.
"Ano ang iyong ginagawa? ikaw ba'y tuluyan nang nawala sa katinuan?!" halos manliit ako sa mababang tono at kalmadong tinig ni Ginoong Lazaro.
"Wala kang karapatan na wakasan ang iyong buhay," wika muli niya. Tulad kanina'y nanatili lamang akong tahimik at hinahayaan ang aking mga hikbing tumugon sa mga sinasambit niya.
"Hindi ko nais na tuluyan akong.....mawalan... ng kapatid," inangat ko ang aking ulo dahil sa kaniyang sinambit, tinitigan ko siya sa kaniyang mata habang pinoproseso ko sa aking isipan ang kaniyang katagang sinambit.
Tuluyan ko nang napigilan ang pagtulo ng aking luha, nagtatanong ang aking mga matang nakatingin kay Ginoong Lazaro. Ano ang ibig nitong sabihin.
Tumayo siya sa aking harapan at sinarado niya ang pinto ng aking silid. Taka akong pinagmamasdan siya sa kaniyang mga ginagawa. Umupo siya sa lapag at isinandal din niya ang kaniyang likod sa aking katre. Inilapag niya ang lampara sa aming harapan.
"Hindi ko batid kung paano ko sasabihin sa iyo ang mga bagay na ito," panimula niya habang nakatitig siya sa lampara.
"Ang totoo'y matagal ko nang narinig ang bagay na iyon kina ama't ina," tahimik lamang ako habang nakatingin sa kaniya. Tuluyan nang naisantabi ang aking mga luha at namamayani na ngayon ang kasabikan na malaman ang mga kasagutan.
"Narinig ko sila sa kanilang silid, sila'y hindi magkaintindihan at puno ng galit ang tinig ni Ina hanggang sa...." Putol niya at tumingin sa aking mga mata.
"Hanggang sa nabanggit ni Ina ang tungkol sa iyo. Na tayo'y magkapatid.... sa ama," wika niya, tila ba namanhid ang aking bibig wala akong salitang maisumbat sa kaniya. Puno ng katanungan ang aking mga mata at pilit kong pinagninilay ang mga sinambit niya sa akin.
"Hindi ako kaagad naniwala sa una subalit sa mga araw na tinitignan kita doon ko nakikita ang pagkakaparehas niyong dalawa ni Miranda. Tinanong ko rin si ama tungkol dito at hindi siya nagdalawang isip na sabihin sa'kin ang totoo," paliwanag niya.
"Kung ako'y hindi mo ibig paniwalaan ako'y wala nang magagawa... Matagal ko nang narinig ito sa kanila at gabi-gabing bumabagabag ito sa aking isipan... Hindi ko alam ang tamang panahon upang sabihin sa iyo ito," patuloy na sinseridad na sambit niya.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Fiksi Sejarah"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...