Kabanata 9
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinaad ni Ginoong Samuel. Wala namang kakaiba sa kaniyang sinambit at tila natural lamang iyon sa kaniya ngunit hindi ko lang maiwasan na iba ang dating nito para sa'kin.
"Nagbibiro lamang ako Binibini," napatingin ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakangiti siya ngayon nang maluwag na para bang malapit kami sa isa't isa.
Napangiti ako at napatango sa kaniya, "Naiintidihan ko ho kayo, maiiwan ko na ho kayo. Pagbating muli," saad ko at yumuko sa kaniya nang bahagya at naglakad paalis hindi ko na hinintay na tugunin niya ang sinaad ko kanina.
"Sandali Binibini!"
Muli akong napatigil at napapikit nang mariin nang marinig ko muli ang kaniyang tinig. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit pa rin ako nilalapitan at kinakausap nang ganito ni Ginoong Samuel, gayong mainit-init na ang tingin sa'min ng mga taong naririto.
Napahinga ako nang malalim bago ulit bumaling sa kaniya. Mabilis siyang naglakad patungo sa'kin at napahinto sa harap ko at may dinukot sa kaniyang bulsa. Kumunot ang aking noo nang may palihim siyang inabot sa'kin na liham habang hindi nakatingin sa'kin.
"T-tanggapin mo, Binibini" wika niya habang hindi pa rin nakatingin sa'kin. Napakagat ako nang aking labi bago dahang-dahang tinanggap iyon. Malakas ang kutob ko na ang liham na ito ay ang tugon niya sa liham ni Binibining Miranda.
Napahinga siya nang malalim bago napatingin sa'min. "Iyan ay aking liham para sa—"
"Eliana? Ginoong Samuel?"
Halos mapalunok ako at manlaki ang aking mga mata nang makita kong nakatingin sa aming dalawa si Binibining Miranda. Sandaling nagtama ang tingin naming dalawa bago siya bumaling kay Ginoong Samuel.
Lumapit siya sa'min habang bakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Ito ang isa sa mga bagay na kinakatakutan ko, ang magtanim ng hinanakit at pagtataka sa'kin si Binibining Miranda.
"G-ginoong Samuel, narito ka lang pala," saad ni Binibining Miranda bago padaplis na napatingin kay Ginoong Samuel bago napatingin sa'kin hanggang sa napako ang tingin niya sa liham na hawak ko.
Agad akong napangiti at inabot sa kaniya ang liham na kaniyang ikinagulat. "B-binibining Miranda, liham po para sa inyo," wika ko habang inaabot sa kaniya ang liham. Batid ko naman na para sa kaniya ang liham at kahit wala pa akong balak na ibigay sa kaniya iyon ngayon ay wala na akong nagawa dahil ayoking maghinala siya.
"Para sa'kin?" nangingiting saad ni Binibining Miranda habang nakatingin sa'kin at napabaling ang kaniyang tingin kay Ginoong Samuel. At marahan siyang napangiti at hinarang ang kaniyang abaniko sa kaniyang bibig.
Nang mapatingin ako kay Ginoong Samuel at napatango lang ito bago napatingin sa'kin. Agad akong umiwas ng tingin at tipid na napangiti.
"Ah, Binibining Miranda mauuna na ho ako, hintayin ko na lamang po kayo sa kalesa," saad ko at yumuko sa kaniya nang bahagya. Napatingin din ako kay Ginoong Samuel at bahagyang napayuko bago umalis.
Wala akong narinig na anumang tugon mula sa kanila nang magpaalam ako, marahil ay kapwa rin nila nais na makasama ang isa't isa. Nang makalabas ako sa kanilang tarangkahan ay lumingon muli ako sa kanila.
Halos tumalon muli ang puso ko nang nakatingin ulit sa'kin si Ginoong Samuel habang nasa harapan niya si Binibining Miranda na para bang wala siyang balak na pansinin ang kaniyang mga sinasabi.
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Historical Fiction"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...